Showing posts with label sos. Show all posts

Literary: Darating din





Darating pa ba ang araw na babalik sa dati ang buhay?
Darating pa ba ang araw na makikita na ulit natin ang isa’t isa?
Darating pa ba ang araw na makakalabas muli tayo nang walang takot?

Ang hirap maging masaya sa ganitong panahon,
kung kailan libo-libo ang may sakit, at ‘di mabilang ang nagugutom,
habang nanonood lamang ang dapat na tumutulong.

Parang gusto mo na lang makalimot at pumikit.
Pero ito’y mumunting paalala para sa akin at sa’yo,
na huwag mong tatalikuran ang mundo.

Kabi-kabila man ang problema sa paligid,
at tila ang pag-unlad ay puno ng balakid,
huwag mong tatalikuran ang mundo.

Hangga’t may natitirang lumalaban
para sa lipunang walang kagutuman at kahirapan,
pag-asa ay mananatiling nandyan.

Bawat araw man ay tila laging makulimlim,
laging alalahaning matapos ang bawat gabing kay dilim,
Darating ang umagang puno ng pagkakataon.

Mga pagkakataong hindi dapat sayangin,
angkinin natin ang kapangyarihang nakapaloob sa bawat isa sa atin.
Gamitin mo ang iyong lakas para sa mas magandang bukas.

Mayroong pag-asa hangga’t nabubuhay tayo.
Kaya ito ay mumunting paalala para sa akin at sa iyo,
na huwag mong tatalikuran ang mundo.

Marahil ‘di na muling manunumbalik ang dating buhay natin
dahil mas magandang hinaharap na ang naghihintay sa atin.
Darating din.


Literary: My Light





Denial
Been telling myself this is all a weird dream,
hoping and praying you’d be there when I wake.
Pinching myself doesn’t work, it seems,
still in this dream, my heart is starting to ache
What a nightmare this would be
if this is actually reality.

If this is real life, I am not ready,
that can’t be your last breath,
you cannot leave me.
My body losing all its strength,
I never knew death was this heavy,
please, my mother, just wake up already.

Anger
All the silence and the pain,
now transformed into sorrow
I want to scream; my frustrations, I cannot contain.
My faith in life, suddenly turned zero,
If life is fair, how is it that no one can explain,
why good people die, and the evil remain?

Of all the people in this cruel world,
why does it have to be you?
How is it fair that you, who only helped, are gone,
while the selfish get to live their life through?
In this unjust society of today,
do you have to be cruel like them, to get to stay?

Bargaining
You were once the very definition of perfection and much more
You are my sun during the day
Both the moon and stars that illuminate my night
You are my light—you were once my light
With your absence my days have been bleak
Each day dull, very monochromatic

Gods who denied me of laughter
Now, you’re even depriving me of myself
Hear my prayers, ohh gods of heaven
Grant me a few more months, weeks, or even just a day
Lend me my light that I may find the will to live
Before I find myself succumbing to the call of death

Depression
I lie awake long into the night, confined in solitude
Separated from everything that is bright
The salty smear of tears evident on my sleep-ridden eyes
My only companion, darkness.
Every nook, each cranny, even the crevices are pitch black
Mirroring the thoughts that are slowly devouring my mind.
But I deserve this, this is the punishment warranted for my kind

No longer will I point fingers where they’re not due
It is I, who is to blame for the ceasing of my light
The signs were lining up before my eyes
Screaming for attention, begging to be noticed.
But my foolish self was deeply occupied by things so trivial
That I failed to heed your cries
It was I who failed you

Acceptance
Maybe this world is just not suited, for a lady of your caliber
You are better off in the heavens
Sitting alongside the angels and the almighty himself
It is selfishness to keep your luster contained
To keep the light all for myself
When you’ve always been destined for greatness

There is no night without a dawning
Every chapter has its end
But your presence will always remain
Etched in my heart is your existence
You will always be my light
May it be in this lifetime or the next


Literary: New Normal?





Lalabas pa lang ang araw,
ika’y gising na.
Una pa sa tilaok ng mga manok
Handa nang mag-aral at pumasok.

Lalabas na ang araw,
magsisimula pa lang matulog.
Ilang oras na lang bago ang klase,
isip ay hindi pa rin mabalanse.

Unti-unting sumisikat ang araw,
darating na sa paaralan.
Mga kaklaseng nagtsitsikahan
Tungkol sa mga requirements na ngayon ang pasahan.

Unti-unting sumisikat ang araw,
unti-unti na ring nasisilaw ang mga mata.
Tititig sa kisame nang ilang minuto,
Babangon, bubuksan ang laptop, matutulala sa harap nito.

Nakalitaw na ang araw,
simula na ang klase.
Sarado na ang pintuan
Pero ang iba’y saka pa lang nagdadatingan.

Nakalitaw na ang araw,
Simula na ang klase.
“Good morning class,” kakasimula pa lang,
pero sa pagtatapos ng klase na ako nakaabang.

Tirik na ang araw,
oras na para mananghalian.
Pipila sa canteen
Kasama ang ibang kaklaseng gutom na’t gustong kumain.

Tirik na ang araw,
manananghalian na namang mag-isa.
Titirik na ang mata, kakatitig sa laptop buong umaga.
Pipikit muna upang magpahinga.

Lumulubog na ang araw,
katatapos lang ng huling klase.
Uupo sa quadrangle at tatambay
Kasama ang mga kaibigan, kantiyawan at hagikgikan.

Lumulubog na ang araw,
papalubog na rin ang pakiramdam.
Uupo sa harap ng lamesa,
Binibilang kung ilan pa ang ipapasa.

Sumapit na ang dilim,
ako’y nakauwi na rin.
Matutulog at magpapahinga,
Maghahanda na para sa bagong umaga.

Sumapit na ang dilim,
Nakatitig pa rin sa screen.
Inaalala ang mga ‘di pa nagagawa,
kailan mararamdaman ang ginhawa?

Isang taon na ang nakalipas,
Nakakulong lang sa bahay.
Ang saya ay tuluyan nang kumupas,
Pag-aaral ay naubusan na ng saysay.
Hanggang kailan pa ba magiging ganito?
Kung ito ang “new normal”,
Kailan ang katapusan nito?