filipino,
Lalabas pa lang ang araw,
ika’y gising na.
Una pa sa tilaok ng mga manok
Handa nang mag-aral at pumasok.
Unti-unting sumisikat ang araw,
darating na sa paaralan.
Mga kaklaseng nagtsitsikahan
Tungkol sa mga requirements na ngayon ang pasahan.
Tirik na ang araw,
oras na para mananghalian.
Pipila sa canteen
Kasama ang ibang kaklaseng gutom na’t gustong kumain.
Lumulubog na ang araw,
katatapos lang ng huling klase.
Uupo sa quadrangle at tatambay
Kasama ang mga kaibigan, kantiyawan at hagikgikan.
Sumapit na ang dilim,
ako’y nakauwi na rin.
Matutulog at magpapahinga,
Maghahanda na para sa bagong umaga.
Literary: New Normal?
Lalabas pa lang ang araw,
ika’y gising na.
Una pa sa tilaok ng mga manok
Handa nang mag-aral at pumasok.
Lalabas na ang araw,
magsisimula pa lang matulog.
Ilang oras na lang bago ang klase,
isip ay hindi pa rin mabalanse.
Unti-unting sumisikat ang araw,
darating na sa paaralan.
Mga kaklaseng nagtsitsikahan
Tungkol sa mga requirements na ngayon ang pasahan.
Unti-unting sumisikat ang araw,
unti-unti na ring nasisilaw ang mga mata.
Tititig sa kisame nang ilang minuto,
Babangon, bubuksan ang laptop, matutulala sa harap nito.
Nakalitaw na ang araw,
simula na ang klase.
Sarado na ang pintuan
Pero ang iba’y saka pa lang nagdadatingan.
Nakalitaw na ang araw,
Simula na ang klase.
“Good morning class,” kakasimula pa lang,
pero sa pagtatapos ng klase na ako nakaabang.
oras na para mananghalian.
Pipila sa canteen
Kasama ang ibang kaklaseng gutom na’t gustong kumain.
Tirik na ang araw,
manananghalian na namang mag-isa.
Titirik na ang mata, kakatitig sa laptop buong umaga.
Pipikit muna upang magpahinga.
Lumulubog na ang araw,
katatapos lang ng huling klase.
Uupo sa quadrangle at tatambay
Kasama ang mga kaibigan, kantiyawan at hagikgikan.
Lumulubog na ang araw,
papalubog na rin ang pakiramdam.
Uupo sa harap ng lamesa,
Binibilang kung ilan pa ang ipapasa.
ako’y nakauwi na rin.
Matutulog at magpapahinga,
Maghahanda na para sa bagong umaga.
Sumapit na ang dilim,
Nakatitig pa rin sa screen.
Inaalala ang mga ‘di pa nagagawa,
kailan mararamdaman ang ginhawa?
Isang taon na ang nakalipas,
Nakakulong lang sa bahay.
Ang saya ay tuluyan nang kumupas,
Pag-aaral ay naubusan na ng saysay.
Hanggang kailan pa ba magiging ganito?
Kung ito ang “new normal”,
Kailan ang katapusan nito?
0 comments: