Showing posts with label mark otiong. Show all posts

Literary: Guro

UPIS nagtagumpay sa INCEthink

Mark Otiong

Ginanap noong Setymebre 7, 2011 ang paligsahang INCEthink sa Engineering Theatre, Melchor Hall, University of the Philippines, Diliman.

Layunin sa paligsahang ito na makagawa ang bawat koponan ng isang matibay, matatag at kaaya-ayang tulay gamit ang 100 barbeque stick at 1 rolyong nylon.

Dalawang grupo ang naging kinatawan ng UPIS sa nabanggit na kumpetisyon. Sina Audri Gabriel, Noel Lava at Monty Banta ang bumubuo sa Team A. Samantalang Team B naman sina Jasper Bongaonta, Ralph Valencia at Theeex Agapito.

Nakuha ng Grace Christian Academy ang unang gantimpala. Nakamit ng team A ang ikaapat na puwesto at ang ikalimang puwesto nama’y nakamit ng Team B. Ito ang unang pagkakataon ng UPIS na sumali sa ganitong kumpetisyon.

Unang Brain Mesh nilahukan ng UPIS

Mark Otiong

Ginanap noong Setyembre 3, 2011 ang unang Brain Mesh sa Melchor Hall, UP Diliman.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa 15 paaralan sa Metro Manila. Sina Jasper Bongalonta ng 10-Acacia at Theeex Agapito ng 10-Narra ang mga kinatawan ng UPIS.

Nagawa nilang makalagpas sa unang bahagi ng elimination round at semis, kung saan naka-tie nila ang Manila Science Highschool sa ikatlong puwesto. Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang paaralan. Dahilan para magkaroon ng dalawang beses na tie-breaker round. Nasagot ng Manila Science Highschool ang huling tie-breaker.

Bagama’t hindi nakapasok sa finals, masaya pa rin ang koponan dahil nagawa nilang makipagsabayan sa mga top schools.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, nakamit ng Philippine Science Highschool ang unang puwesto habang nasa ikalawang puwesto naman ang Manila Science Higschool.