batch 2012,

Unang Brain Mesh nilahukan ng UPIS

9/23/2011 07:54:00 PM Media Center 0 Comments

Mark Otiong

Ginanap noong Setyembre 3, 2011 ang unang Brain Mesh sa Melchor Hall, UP Diliman.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa 15 paaralan sa Metro Manila. Sina Jasper Bongalonta ng 10-Acacia at Theeex Agapito ng 10-Narra ang mga kinatawan ng UPIS.

Nagawa nilang makalagpas sa unang bahagi ng elimination round at semis, kung saan naka-tie nila ang Manila Science Highschool sa ikatlong puwesto. Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang paaralan. Dahilan para magkaroon ng dalawang beses na tie-breaker round. Nasagot ng Manila Science Highschool ang huling tie-breaker.

Bagama’t hindi nakapasok sa finals, masaya pa rin ang koponan dahil nagawa nilang makipagsabayan sa mga top schools.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, nakamit ng Philippine Science Highschool ang unang puwesto habang nasa ikalawang puwesto naman ang Manila Science Higschool.

You Might Also Like

0 comments: