chapter 1,

Literary: Isang Araw (Chapter 1)

9/14/2011 08:00:00 PM Media Center 14 Comments

Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.




Chapter 1: FLAG CEREMONY


*1 message received*

From: Andrew
Ria, my klase k? Pd kb punta d2 sa
Lover’s Lane! May sasabhin ako sau hehe. ((:

OMG!!! Ano kaya ‘yung sasabihin niya? Sana ito na ‘yun! *kilig*

To: Andrew
Hmm, wala pa si Ma’am.
Sige papunta na ko. May sasabihin
din ako sayo eh.

*Message sent!*
___________________________________________________________________________

Habang naglalakad ako papuntang Lover’s Lane, hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako matigil sa kaiisip kung ano ang sasabihin niya sa akin. Baka kasi ito na ang matagal kong hinihintay na sabihin niyang gusto niya rin ako. At hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hay, bahala na...

“Uy ano yung sasabihin mo?” ito agad ang una kong nasabi nang makita ko siya. “Baka dumating na si Ma’am, ma-late ako.”

Ngunit ang tanging sagot sa akin ni Andrew ay...

“Kasi... alam mo... Ganito kasi...”

*Beep... Beep... Beep*

“06:30 na!? Halaaaa!”

Hinawakan ko agad ang phone ko at tiningnan ang messages. Nakakainis, wala naman siyang text sa akin. Nananaginip na naman ako. Hay talaga! ‘Yun na ‘yun eh! Tapos panaginip lang pala!

Sabagay, asa pa akong mangyari talaga ‘yun. Hay naku, makaligo na nga lang at baka maleyt pa ko sa flag ceremony.

___________________________________________________________________________

Sa UPIS...

Heto na naman ako sa pag-aabang sa kanyang pagpasok.

Nakasanayan ko na ang pagsulyap sa kanya mula sa pagpasok niya sa gate hanggang sa makarating siya sa pila ng 10-Molave tuwing flag ceremony. Tulad ngayon, nakatambay na naman kami ng kaibigan kong si Alex dito kay Aling Norms habang ang aking mga mata ay nakatingin sa mga taong papasok sa UPIS, umaasang makikita ko siya. Wala naman kasing paraan upang magkasama kami. Hindi ko siya kaklase; 10-Dao ako at pag lunch naman at uwian madalas niyang kasama ang kanyang barkada.

“Hoy!” sumigaw si Alex kaya naabala ang pagmumunimuni ko. “Hindi ka ba nagsasawa? Dalawang taon na nating ginagawa ang pag-aabang diyan kay Andrew. Hindi naman kayo umuusad eh!”

Gusto ko man magbigay ng witty answer, hindi ako nakasagot. Napaisip ako nang itanong niya sa akin iyon. Hindi ko alam kung paano sasagutin at kung ano ang sasabihin dahil medyo tinamaan ako sa sinabi niya.

Siguro sobrang gusto ko si Andrew para gawin ‘to. Siya kasi yung tipo na tahimik lang pero kapag may sinabi, lahat sumasang-ayon. Magaling kasi siyang leader at maganda ang pakikisama niya sa lahat. Gustong-gusto ko ang pagiging responsable niya hindi lang dito sa school kundi pati sa pamilya niya. Marami nga lang ang babaeng katulad kong may gusto rin sa kanya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Eh matalino siya, mahusay na atleta, at gwapo pa!

07:43 am

Hala! Teka, anong oras na? Wala pa rin siya. Ano ba ‘yan! Dumaan na yata lahat ng estudyante, teachers, at staff, wala pa rin siya. BV na ba ang buong araw ko?

*Kriiiiiing! Kriiiiiing! Kriiiiiiiiing!*

07:45am

Bell naaaa! Nasaan na kaya siya?

Habang nakapila ako kasama ng section ko at kumakanta ng Lupang Hinirang, hindi ko mapigilang mag-isip at mag-alala. Tila lumilipad ang utak ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Paano kung absent siya? Hindi naman siguro siya aabsent. Pero anong oras kaya siya papasok? Paano kung hindi ko siya makita ngayon? Haaay, paano... Ang daming tanong at pangangambang tumatakbo sa isip ko.

8:00am

Hay! Tapos na ang flag ceremony. Hindi ko man lang siya nasulyapan. Hindi ko pa rin siya nakikita. Putek, ang agang badtrip naman nito. Naglakad na lang ako nang dahan-dahan papunta sa Math class ko pero noong nasa may bandang canteen annex ako, may biglang kumalabit sa likod ko...

-- ITUTULOY --

You Might Also Like

14 comments:

  1. First comment! (I hope.)
    It's cuuuute! Daily ba 'to i-a-update? Hala.
    Cute. Wala akong ibang masabi kundi cute s'ya. At dapat s'yang ituloy! Or gawan ng fanfic pag natapos. Something to keep it on. :3

    ReplyDelete
  2. canteen annex, ftw (; yieeee! <3

    ReplyDelete
  3. Thank you sa comments! Abangan natin ang susunod na chapter! :D

    ReplyDelete
  4. sana everyday ina-update to. :)

    ReplyDelete
  5. :)))))))))))))))) Teleserye ang dating XD. may itutuloy pa eh. hahahha
    Hantayin natin :D

    ReplyDelete
  6. ituloy na yan agad! =) exciting. =)

    ReplyDelete
  7. Hanep! =) ako na ang parang naiihing kinikilig dito.

    ReplyDelete
  8. wow. :"""""""""""""""> sana maganda yung katuloy!

    ReplyDelete
  9. ay BITIN! :““)ay BITIN! :““)

    ReplyDelete
  10. cliffhanger :P
    haay.. aabangan ko to~

    ReplyDelete
  11. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! =)))
    Natatawang-kinikilig ako. amp!
    Lezzgo MC1! :-bd

    ReplyDelete
  12. Nakakabitin!! Hahaha. Pero, astig kasi aabangan mo talaga yung susunod. Keep it up, Aninag! :) Galing galing niyo ph0wsz. ;)

    ReplyDelete