chapter 6,

Literary: Isang Araw (Chapter 6)

9/30/2011 09:21:00 PM Media Center 7 Comments

Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.



Chapter 6: Batch Assembly


1:04 pm

"Ayaaaaan! Aling Norms, isa pa ngang siomai," sabi ko kay Aling Norms. Ano bang mayroon sa siomai niya? O baka ano bang mayroon sa tiyan ko? Haha. Parang 'di ako nabubusog.

"O, ayan na. Ikaw, kanina ka pa diyan. Kain ka nang kain," hirit pa ni Aling Norms.

Ano bang magagawa ko kung gutom na gutom ako? Gusto ko rin sana kumain ng kanin sa canteen kaso hindi naman ako makakain ng maayos. Nakatambay kasi sila Alex at Ria dun. Nakakailang. Wala pa 'tong si Zara. Biglang umalis agad, pumunta sa Science Dept. Nagmake-up ng Long Test niya. Hay.

1:12 pm

Hala! Anong oras na? Lagot!!! Takteng 'yan. Late na naman sa batch assembly. Patay ako nito. Bakit kasi ang sarap ng siomai ni Aling Norms? Haaaah. Putek, AVR pa naman. Kitang-kita pag late ka. Ano ba yan.

1:16 pm

"Sabi nga pala ng PTA, magkakaroon tayo ng Amazing Race. Ewan pa kung kailan, pero kasama ata mga parents dito eh.”

Pagpasok ko sa AVR, 'yan agad ang bumungad sa akin. Galing naman nito ni Pao. Presidente na ng klase, presidente pa ng SC. Tinanguan niya ako bago nagpatuloy.

“Tapos, oo nga pala, para sa mga naka-schedule ng pictorial sa Sabado, sabi ng MC, kailangan nandun na kayo 1 hour before ng schedule niyo."

Saan ako uupo... Parang wala ng bakante... Ah, ayon... sa likod ni Alex... at… sa tabi ni Ria... Lagot.

Pero bakit kaya siya nag-iisa? Nasa harapang row niya sina Grace, Bea, Miko, at Alex. Hindi ko alam kung bakit hindi sila magkakatabi. Bahala na nga.

Umupo ako sa tabi niya. Medyo nahihiya ako pero pagkakataon na ang nagsasabing magtabi kami. Sige.

"Oy, ikaw pala," bati ko kay Ria. Ang pangit ng dating, para ata akong tanga.

Hindi siya umimik; hindi siya nagsalita. Tumango lang siya sa akin, ni hindi nga siya tumingin. Anong problema nito?

"O, bakit? Badtrip ka 'no?" sabi ko kay Ria.

"'Di ah," sabi naman niya.

"Hindi daw. Kabisado na kita, 'sus naman 'to."

"Di nga." Naiirita na ata siya. Ano bang problema nito? Parang kanina ako 'yung bad trip tapos ngayon, siya naman. Ano ba 'yan?

1:32 pm

Tagal na naming di nag-iimikan ah. Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam sasabihin. Baka naiirita na siya sa akin. Tss. Badtrip naman o.

"Eh, pa'no 'yung Fun Run? Eh 'di ba camping rin 'nun?" Nagtatanungan 'yung mga kabatch ko tungkol sa mga activities. Laki ng problema nila. Bahala sila.

"Andrew." Nagulat ako sa biglang pagtawag sa 'kin ni Ria. Ang lamig sa tenga ng boses niya. Ang hinhin niya magsalita. "O, attendance," sabay abot niya sa akin ng attendance sheet.

"Ah… May ballpen ka? Peram." Inabot niya sa akin 'yung ballpen. Sinulat ko ang pangalan ko at ipinasa ko na sa iba.

"Ria, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Oo naman. Bakit?" sabay ngumiti siya ng matipid.

Ano bang dapat kong sabihin?

"Ay, saan niyo pala gusto mag-grad ball? May suggestions ba kayo?" tanong na naman ni Pao sa batch. Ang ingay na naman nila. Hindi ako makahirit. Ang hirap naman nakatabi mo 'yung babaeng ano mo... 'yung babaeng...

"Pao! Excited? Matagal pa yan!” sigaw nitong katabi ko. “Alis na kaming mga GSP! May emergency meeting kasi kami eh! Ha? Salaaamaaaaat!" Putek, para tuloy kaming nagsosolo dito.

1:47 pm

"Uy, Andrew? Pang-ilan ka sa talumpati? Haha. Alam mo bang pang-6 ako? Takte. Kaasar talaga,” sabi ni Ria sa akin.

Isa pa 'to sa mga gusto ko sa kanya e. Parang para sa kanya, ang dali lang makipag-usap. Hindi nauubusan ng kwento. Ang dami na nga ata niyang nasabi at natanong eh. IPSA, Function tapos ngayon talumpati naman. Siya na talaga.

"17 pa 'ko e. Kawawa ka naman. Hehe," sabi ko naman.

"Haha! Okay lang, para mauna na agad. Sakto naman. Favorite number ko pa ‘yung sa ‘yo."

Gusto ko sanang sabihin na, "Alam ko," pero ‘di na lang. Ang galing lang talaga ng pagkakataon.

“Dre… ‘Di ba badtrip ka kaninang umagaaaa… Bakit nga baaaaa? Hahahahaha!” pang-aasar nitong si Alex. Putek. Singit. Bakit pa pinaalala? Takte talaga o.

“Badtrip ako e. Bakit ba? Du’n ka na nga!” sabi ko naman sa kanya.

“‘Di ba dahil ano ‘yun… dahil…”

“Alex! Hoy Alex! Narinig mo ba sinabi ko? Ulitin mo nga! Sige nga!” sigaw ni Pao.

“Ulitin mo, Pao,” sagot naman niya. “Ang kulit ni Drew e. Daming sinasabi.” Sinisi pa ko. Pero buti na lang bigla siyang sumingit kung hindi…

1:53 pm

“Andrew, bakit ka nga ba bad trip kaninang umaga?” tanong na naman ni Ria. Patay. Pano ko ba sasabihin 'to?

"Ha, wala 'yun. Wala 'yun 'no."

"Wala daw! Asus, dre. Kunwari ka pa. ‘Di ba, sabi ko nga dahil kay…" sumingit na naman si Alex. Sarap talaga bigwasan nito...

"Hoy, bes. Du'n ka nga, mapagalitan ka na naman ni Pao e," saway naman ni Ria. "O, Andrew, ano na nga 'yun?"

"Kasi ano, 'di ba kaninang umaga... ano... kasi 'di ba ano..."

"Puro ka naman ano e, ano nga?" tanong ni Ria. Nagtataka nga kaya talaga siya? Baka naman sinabi na ni Alex sa kanya? Sasabihin ko ba?... Sabihin ko na kaya?...

"Sige na nga. Kasi ganito. 'Di ba nung umaga ano..."

May biglang pumasok sa AVR. Natigilan kami sa pag-uusap ni Ria. Napatingin kami pareho sa pinto. Sinong siraulo ang dadating pa ng ganitong oras? Sinong.... ay pwet.

“Sorry, Pao. Mahirap test eh.”

Si pwet. Tumabi sa akin si Zara.

"Uy, bespweeet!" bati niya, sabay apir pa sa akin. Napangiti ako at tumango lang. "Ikaw aaaaaah," hirit na naman ni Zara. Hindi ako kumibo. "Samahan mo naman ako mamaya o. Punta tayo sa English Dept. Hihingi kasi ako ng recommendation para sa Ateneo e," sabi niya.

"English Dept? Layo namaaaan. Ikaw na lang kaya," sagot ko.

"Eh ano ba naman 'toooooo. Minsan lang papasama e. Pwet naman eeeeeeh... Sige naaaaaa.. Baka makasalubong ko si ano eh. Alam mo naman na badtrip sa akin 'yun. Kung makatingin kala mo inaano ko siya e.. Samahan mo na ako... Nakakatakot kayaa…"

Hindi ako makahindi sa kanya. Kababata ko siya, matalik na kaibigan. Sige na lang.

"Oo na nga. Takteng yan. Sige na, sige na. 'Wag ka ng maingay diyan." Ewan ko ba kung bakit pero sa sobrang tuwa ata nito, bigla niya kong niyakap. Wala namang isyu sa akin 'yun, parang magkapatid lang naman kasi turingan namin.

Pero kasi… Tumingin ako kay Ria. Napatingin lang siya sa harapan. Biglang napasimangot.

"Uy, game na..." sabi ko sa kanya.

"Ha? Hindi, 'wag na. Okay lang. 'Wag mo na ikwento. Hehe. "

Bago pa ako makapagsalita, nagsalita si Pao.

"Okay na? Wala ng announcements? Pwede nang lumabas. Bye guys!"

"Tara na," yaya nitong si Ria kina Grace at Bea. “Sige, Andrew. Bye, Zara.”

Ano ba 'yan. Nagtayuan na sila. Wrong timing. Susunod ba ako?

Teka. Ano 'tong naiwan niya... Pinulot ko at sumunod sa kanila.

"Riaaaa..."

Kinalabit siya ni Bea pero hindi niya pinansin.

"Ria! 'Yung mga susi mo! Naiwan mo!" sumigaw ako pero hindi na niya ako narinig. O hindi niya lang talaga ako pinansin?

Ano ba namang nangyayari ngayon? Ewan. Tss.

-- ITUTULOY --

You Might Also Like

7 comments:

  1. "Oy, ikaw pala," bati ko kay Ria. Ang pangit ng dating, para ata akong tanga.
    - Favorite! HAHA (((=

    ReplyDelete
  2. haynako yung Zarapwet epal. hahahahahaha.

    ReplyDelete
  3. "Puro ka naman ano e, ano nga?" taray ng ate mo!!

    ReplyDelete
  4. magiging love square 'to. HAHA. :))

    ReplyDelete
  5. Ganda ng story. Nangyayari talaga siya most of the time.

    ReplyDelete
  6. Badtrip si Zara! ><

    ReplyDelete
  7. Grabe naman sila ^ mabadtrip kay Zara. Wala naman siyang kasalanan. Haha. Sadyang SELOS lang si Ria XD If you look at it closely, they're somewhat (unconsciously) playing the Jealousy Game. Kung sino unang magconfess, siya talo. Haha. =)))
    Loljk.
    Bastaaa. Wag nyo sisihin si Zara. Tignan niyo nga 'tong si Ria, 'di nagreply kay Drew pero kay Alex, nagreply e. Mas valid pa ung reason kung sya sisihin nyo. Lol. Anyway, dapat magconfess na lang silang dalawa sa isa't isa para no problem. Mas okay nga na ganun e. Hahaha.

    MC1, BITIIIIN~ TT
    update paaaa :)))

    ReplyDelete