Showing posts with label dimples. Show all posts

Literary: Still




She was once lost
Drenched in pain and in hurt

She was tired
Of the never-ending hitches and glitches

She was about to break

And yet
She stood still
Amidst the disastrous waves of anxiety and fear

She stood still
Even though she was afraid

She endured
And eventually conquered

Now more than ever,
With a braver heart,

She is ready to face
What life still has to offer

Literary: Pwede Pala




“Sino ka ba?”

Unang tingin ko pa lang sa'yo
Agad nag-init aking ulo.
Doon ko nasabi sa aking sarili
Na dapat kitang iwasan palagi.

Sa ating unang pagtatagpo,
Agad ko nang napagtanto,
Na hindi tayo kailanman
Magkakasundo.


“Nakakainis!”

Di maitatanggi,
Na ika’y isang taong di mapirmi sa iisang tabi.
Halos sa lahat ng gawai’y
Nais mong makisali.

Kulang ka yata sa pansin.
Ano ba ang aking nagawa para ako’y malasin?
Lahat ng ginagawa ko sa mata mo’y mali.
Ika’y galit sa’kin sa bawat minuto’t sandali.

“Ang yabang naman nito…”

Di lingid sa karamihan
Na ang ulo mo’y puno ng hangin at kayabangan.
Akala mo lahat ay nadadaan
Sa salita’t usapan.

Lagi’t lagi’y gusto mong ikaw lamang
Ang tanging nagsasalita’t pinakikinggan.
Sapagkat sa tingin mo’y tama lagi
Ang iyong mga tinuran.

“Teka.. parang mabait naman…”

Sa di inaasahang pagkakataon,
Pagkatapos ng mahaba - habang panahon,
Doon ko lang lubos nasilayan,
Ang itinatago mong kabutihan.

At sa paglipas ng panahon
Nang magkapalagayan ng loob,
Doon ko lubos nakita
Ang tunay mong kagandahan.


“Kaibigan? Pwede pala…”

Sino nga namang mag-aakala?
Na pagkakasunduin ng tadhana,
Ang dalawang magka-ibang indibidwal
Sa isang pagkakaibigang puno ng aruga't pagmahahal.

Literary: Bliss













Literary: Not To



People say
One must learn
How to love thyself first
Before others

But how could I?
When I hate
All that I am?

Wide forehead
Flat nose
Un-plucked eyebrows
Pimpled cheeks
Angry stretchmarks
And a teeth gap
On top of that

Truth be told
I hate everything that I am

But thanks to you

I am now in the process
Of choosing not to

Literary: Dear You




In the midst of this chaos,
Unbearable pain
And despair,

Look into your heart
And you shall see
what a valiant person
you have become

Be proud
Of what hells you have overcome

Believe
That you are still capable
To love
And that you will be loved

Remember that
Even if,
You're broken
You are reparable
Even if,
you are hurt
you are mendable

The salvation you need
Won't come from whom you ask

For it only comes
within you

Literary: Magkaiba Tayo





Noong una pa lang
Alam na nating sadyang tayo’y magkaiba
Sa pag-ibig-
Praktikal ka.
               Ayaw mo ng mga rosas
               Katwiran mo’y sayang ang pera,
               Pagkat di nakakain.

Romantiko ako.
               Mapupulang rosas ang pinipili para sa iyo
               Pagkat kadalisayan ng mga bulaklak
               Nakakahawig ng pag-ibig ko sa iyo

Realistiko ka
               Mas gusto mong uminom ng kape
               Iyong nagtatalo ang tamis at pait sa umaga
               At kapag mga huling patak na
               Nagtatalo na ang asim at pait
               Pagkat ang magmahal at magsama ay may tamis at kapaitan


Ideyalistiko ako
               Mas gusto kong uminom ng gatas
               Iyong matamis na inumin
               Walang pait, Walang asim
               At sa huling patak na
               Hindi nagtatalo ang asim at pait
               Pagkat ang tunay na nagmamahal
               Pinapangibabaw ang saya ng nagsasama
               Hindi alintana ang pait, ang asim
               Pagkat ang tamis ng pag-ibig ay sapat na

Ngunit sa lahat, may isang bagay tayong
Higit na ipinagkaiba :

Lumaban ako.
               Ipinaglaban kita.
               Mahal kita.
Sumuko ka.
               Iniwan mo ako.
               Wala nang pagmamahal ang katwiran mo

Pero kahit na ganoon,
Nakatatawang isipin na minahal kita.
Minahal nga pala kita.

Literary: A Year in Pain






It’s been a year since you left
And ever since that day,
I have never been the same.

I’ve began treating pain
As if it was a normal part of my everyday

I’ve realized being tired isn’t just a feeling
For it has already become my state of being

I’ve let doubts and fears stay in my mind
Instead of happiness I cannot seem to find

It’s been a year –
365 days,
12 months,
48 weeks,
8760 hours,
525, 600 minutes –
Since you left

And ever since that day,
I was never the same again.

Literary: San Ka Ba Nagpunta x Nandito Lang Ako






Saan Ka Ba Nagpunta?

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako dito nag-aalala
Inaalala kung nasaktan ka ba.
O kung okay ka lang ba talaga.

Mula pagpasok sa paaralan,
Inaabangan ang ‘yong pagdaan.
Hinihintay kita sa dating tambayan
Pero wala ka pa rin hanggang uwian.

Di ko alam kung mayroon ba akong nagawa.
Kulang ba ako sa pag-unawa ?
O ika’y nagsasawa
Bigla ka na lang kasing nawala.

Kung alam mo lang, ang dami kong gustong sabihin.
Di ko na nga alam kung anong uunahin.
Hihingi ba ako sayo ng paumanhin,
O dapat na ba akong magpaalam sa pagkakaibigan natin?

Wala na kasi yung kaibigan kong palangiti
Yung kabisado ang aking mga kiliti.
Na nagpapasaya sa amin lagi-lagi
Miss na kita, nasaan ka na ba kasi?

Wala na ‘yung 5 taon kong kasama sa tawanan
Yung 5 taon kong dinamayan at pinakinggan,
Yung 5 taon kong sinuportahan at sinamahan,
5 taon, di yun madaling kalimutan.

Ikaw na hinangaan ko sa paglalaro,
Ikaw na naging inspirasyon ko sa aking pagkatuto,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga ang tinutukoy ko.

Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat.
Sinubukan ko rin naman ang lahat,
Para pagalingin ang ‘yong mga sugat.
Pero pasensya ka na, di pa pala ako sapat.

Siguro nga di na kita makikitang muli.
Kaya eto, magpapasalamat na lang nang malaki.
Gusto kong malaman mo na kailanma’y di ako nagsisi,
Kaibigan pa rin kita hanggang sa huli.

Nandito lang ako

Nandito lang ako,
Kanina pa nakatingin sa kinaroroonan mo.
Wag kang mag-alala, ayos pa naman ang kalagayan ko
Maliban nga lang dito sa puso’t isip ko.

Kanina pa kitang umaga iniiwasan
Pinilit kong layuan, lubayan at iwasan
Lahat ng lugar na ating laging pinupuntahan,
Lalo na sa dati nating tambayan.

Alam ko namang ika’y nakararamdam.
Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit hindi mo alam.
Pinupuno mo ang isipan ko ng mga agam-agam.
Manhid ka ba o talagang wala ka lang saking pakialam?

Ngunit gayon pa man, nais kong humingi sa’yo ng paumanhin
Sapagkat naubusan na ako ng mga salitang babanggitin
at mga katagang gustuhin ko mang sambitin
Ay hindi na kayang bitawan nitong aking damdamin.
Pasensya ka na,
Napakahirap kasing magpasaya ng iba
Kung alam mong sa loob loob mo’y wala ka nang ibibigay pa
Dahil wasak na wasak ka na.

5 taon din akong nasaktan.
5 taon din akong umasa sa imposibleng mangyari kailanman.
5 taon din akong nagmahal nang hindi nasusuklian.
5 taon, napakahirap noong kalimutan .

Ikaw na tinanggap ako ng buong-buo,
Ikaw na sinamahan ako sa tuwa’t lungkot,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga kaibigan ang tinutukoy ko.

Ngunit nakakatawang isipin na kahit na ikaw ang dahilan nitong aking sugat sa puso,
Ikaw lang din ang tanging makakalunas nito.
Kung sinuklian mo lamang ang pagmamahal ko,
Sana’y matagal na akong muling nabuo.

Siguro nga’y kailangan ko nang sumuko
Dapat ko nang tanggapin na tayo’y hindi itinadhana at tangi lamang pinagtagpo
Aking susubukang tanggapin nang buo,
Na hanggang kaibigan lamang talaga ako hanggang dulo.

Literary: Sa Iyo






Sa iyo na parating nasa 'king tabi
Araw man o gabi.

Sa iyo na hindi ako iniiwan,
Anumang problema ang aking pasanin.

Sa iyo na tanggap ang aking kabuuan,
Pati na ang lahat ng aking kakulangan.

Sa iyo na aking karamay,
Sa tuwa man o lumbay.

Sa taong nasa aking isipan,
Mula pa ng unang linyahan
Marapat na ika’y pasalamatan.

Pagkat

Sa aking mundong puno ng kasawian at kalungkutan,
Ikaw ang siyang nagpapagaan.

Sa mundong puno ng katanungan
Ikaw ang siyang aking kasagutan.

Literary: Muling Sagipin






Hindi mo ako mahal
Alam ko iyon simula pa lang

Sa tuwing hinahawakan mo ang aking mga kamay
Na para bang isang malamig na bakal lang ang iyong tangan-tangan

Sa tuwing yayakapin mo ako
Hindi pa nagdidikit ang ating mga katawa’y nakabitiw ka na

Sa tuwing mamumutawi sa iyo ang ”mahal kita”
Para bang may tinatagong kahulugang “mahal ko pa rin siya”

Sa paulit-ulit na pag-iwan mo sa akin
Hindi ba dapat ako’y pagod na?

Pero bakit ganoon?

Hanggang ngayo’y nalulunod pa rin ako
Mula sa pangungulila sa iyo

Alam kong mahirap ngunit
Maaari bang kahit sa huling pagkakatao’y
Sagipin mong muli ako?

Literary: Remember





Ever since we were young
We’ve had this thing called rivalry

Chocolates
Remember the chocolates
Dad brought me?
I was sure it was mine
But you took it suddenly

As soon as I saw the chocolates he brought
I knew you’d like it so I rushed to get the bar
But when I was about to give it to you
You started walking away and now your back’s too far

Clothes

Remember my favorite dress?
That pink piece of clothing
You always loved to wear
Even without my permission

I really thought that dress was nice
Especially when you always use it
So I thought that if I wore it, too
I’d be half as beautiful as you

Crush

Remember when I had this huge crush?
I was sure enough that he likes me, too
But then I saw you alone together
It broke my heart because I trusted you

I was rooting for you two
He had a thing for you, and I know you had for him, too
I was trying just trying to help you get closer
But it turned out to be a total disaster


Conversation

Remember the day when everything went wrong
When all that was left was you and I
Our parents said their last words to me
Is that why you were angry at me?

I was on my way to call the nurse
But they were gone when we were about to return
They should have spent their last moments with me
Not with you

And after all these years,
Death and time did their thing
And made us understand everything

I still remember it all
From the chocolates to the crushes we've fought over
All I can say is I’m sorry
I was not a good sister to you
I should've been more patient
I should’ve deepened my understanding
How I wish I could turn back time
To tell you how I love you dearly
And to show you how thankful I am
To have a sister like you

I should have told you long before
A secret that was kept from you
The reason why they spent their last moment with me
Was because they told me to cherish our time together
I had this thing that was terminal
And I had little time left
Though it’s now too late,
I still wish I could wind back the clock
To tell you how I love you dearly
And to show you how thankful I am
To have a sister like you

Literary: Nakabibingi






Nakabibingi
Ang bawat sigawan ninyo tuwing gabi
Na kulang na lang ay basagin niyo
Lahat ng baso't pinggan natin

Nakabibingi
Ang bawat "Hindi" at "Ayoko"
Na lagi niyong bukambibig
Sa bawat pag-uusap natin

Nakabibingi
ang bawat patak ng luha
Na nagmumula sa aking mga mata
Dulot ng labis kong pagluha

Ngunit mas higit na nakakabingi
Ang nakasusulasok na katahimikang iyong iniwan
Simula noong
kami'y iyong nilisan

Literary: Tamang Dimensyon






Sa tuwing nagtatagpo
Ang ating mga mata
Di ko maipaliwanag
Aking nadarama

Parang hinihigop ako
Ng napakalakas mong pwersa
Papunta sa kalawakan
Ng iyong mga mata

Unti-unti akong nahulog
Sa daigdig mo-
Sa iyo

Naguguluhan ako
Ano ba itong nadarama ko?

Ngunit natatakot ma’y
Susugal pa rin ako
Kahit ngayo’y sa iba ang tingin mo,
Nagbabakasakali lang naman ako

Kung dumating ang isang pagkakataon
Sa ibang panahon
Ay magkatagpo na tayo sa
Tamang dimensyon

Literary: Kahit Na


Ipinapangako kong:

1.Sasabihin ko araw-araw kung gaano ka kaganda kahit na may muta ka pa sa mata tuwing umaga.

2.Sasabayan kitang kumain ng kahit na anong gusto mo at hindi kita pipigilan kahit na sukat pa ng bewang mo'y umabot hanggang kuwarenta.

3.Lagi kitang kakamustahin kahit na kabisado ko na lahat ng ginagawa mo mula paggising, pagpasok, pag-uwi at pagtulog.

4.Ihahatid kita lagi sa bahay niyo kahit ang distanya ng bahay ko sainyo ay wala pang kalahating kilometro.

5.Papagpasensyahan ko iyang mood swings mo kahit na pinabibili mo ako ng napkin sa tindahan nila Mang Procopio sa may kabilang kanto.

6.Susuportahan ko lahat ng gagawin mo kahit na puntahan ko pa lahat ng gigs, shows at gimik ng ukulele band nyo na isang kanta lang ang alam na tugtugin.

7.Kakainin ko lahat ng iluluto mo kahit na masukasuka ako sa sinigang mong lasang adobo.

8.Hihintayin kitang matapos sa lahat ng ginagawa mo kahit na abutin ako ng alas tres kahihintay sa mga ipapaprint mo.

9.Bibilhan kita ng kape, 3 in 1 man o Starbucks, kapag inaantok ka na tuwing klase ng Algebra.

10.Tutuparin kong lahat ito hanggang sa ika'y mahulog sa akin. At pagdumating ang panahong iyon, aking sasambiting na ika'y kaibigan lamang para sa akin.

Spoof Literary: Brenzoned (Part 2)



Hindi ko pa rin mawari ang dahilan
Kung bakit hanggang sa kasalukuyan
Ay ganito pa din kalakas ang epekto mo
Na isang bati mo lang ay nabubuhay na ang katawang lupa ko

Hindi naman kita araw araw nakikita
Ngunit isang bati lang mula sa’yo guro kong binata,
Araw ko’y buo na
Kung minsan nga’y hanggang isang buong linggo pa

Labis nga akong nagpapasalamat sa hagdan
Na nakadugtong sa dulo ng silid aklatan
Dahil kasabay ng iyong pagdaan dito tuwing Wednesday/Friday
Ay ang kilig na nagpapatalon sa puso kong kulang na lang ay sumigaw ng ‘Hooray!’

Di ko tuloy maiwasang mamiss
Ang mga klase mong sa attendance ay wala akong mintis
Ang sarap bumalik sa mga panahong iyon
Kung saan ikaw ang guro at ang asignatura’y hindi pa Ekon

Ngunit sa kabila ng lahat ng kilig na iyong hatid
Ako’y lubusang nagpapasalamat at nais kong ipabatid,
Sa ngalan ng sanlibutang brenzoned na sa iyo,
Salamat po sa inspirasyon at motibasyong dulot ninyo.

Literary: Hindi



Ang tagal na nating magkakilala
Kalahati ng buhay ko, ika’y kasama.

Sa bawat umagang dumadalaw ako sa inyo
Upang makikain ng almusal,
Hanggang sa paghatid ko sa’yo,
Tuwing ginagabi tayo ng uwi galing eskwelahan.

Matagal na rin pala.

Magwawalong taon na –
Akong naghihintay sa’yo

Pero bakit?
Bakit hindi mo ako makita?
Bakit hindi mo matanggap na mahal kita?

Mga katanungang nais kong bigyan mo ng kasagutan,

Ngunit bago ko pa maitanong
Natuklasan ko na ang hinahanap na sagot.

Oo nga’t kasama mo ako lagi,
Sa alaala ko’y kasama ka pagkabata pa.
Oo nga’t magkaibigan tayo,
Ng napakatagal na panahon.
Oo nga’t magkatabi lang ang bahay natin,
Kaya’t mas maraming oras na ang naigugugol ko,
Sa bahay ninyo kaysa sa amin.

Pero hindi,

Hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t isa tulad ng inakala ko,
Dahil kahit gaano ko pilit na mapalapit sa’yo,
Hindi nito mababawasan ang distansiya sa pagitan
Ng ating mga puso.

Na kahit na nasa parehong lugar tayo
At iilang metro lamang ang distansya ko sayo,
Tila pa rin tayong nakatayo sa dalawang magkaibang lugar
Na isang libong kilometro ang layo sa isa’t isa.

Kaya hindi…

Hindi siguro talaga kailanman magtatagpo
Ang ating mga puso,
Sa iisang lugar at panahon.

Literary: Dear Kupido



Dear Kupido J Buckets,

Bakit po ganoon? Hanggang ngayon single pa din ako? Maganda naman ako, sexy, nakakatawa at mabait. Pero bakit lagi akong sawi? Bakit ako lagi ang iniiwan? Bakit kailangan ako lang parati ang nasasaktan? Bakit?

Baliko ba yang pana mo? Para kasing tuwing pumapana ka ng lalaking para sa akin ay tumatama sa iba. Okay sana kung lalaki kaya lang bading ang tinamaan, kung di naman bading, may girlfriend naman. Papagawan na ba kita ng salamin sa mata? Nang minsan naman ay masakto mo sa lalaking tunay na magmamahal sa’kin ‘yang pana ng pag-ibig mo.

Hindi naman ako naghahangad ng masyado. Okay na ako sa lalaking matangkad, mga 5 11' ang height, matangos ilong, naka-undercut, blue eyes, may abs, marunong kumanta at maggitara, may timbang na di lalampas sa 70 kg, may bigote at magaling sa Math. Kahit yan lang, okay na ko.

Hindi naman sa nagmamadali ako, pero sana po kupido ay bilis-bilisan mong maghanap ng target kasi halos 1 linggo na lang, araw na ng mga puso. Pagod na akong magdiwang ng mag-isa. Yung tipong manonood ka ng sine, wala kang kasama, walang bibili ng popcorn para sa'yo, walang maghihintay sa labas pagkatapos mo mag-CR, wala kang masasandalan sa jeep pag inaantok ka na.

Sa hinaba-haba nitong sulat ko, ni hindi ko alam kung totoo ka ba o kathang-isip. Pero ito ako, sumusulat pa rin sa’yo. Umaasa na kahit kaunti mapagbigyan mo itong mga hiling ko at masagot mo itong mga tanong na napakatagal ng nakaimbak sa puso ko.

Nagmamahal (pero laging sawi at konti na lang mapapagod na itong isip at puso ko),
Dimples

-----

Dear Dimples,

Alam kong ika'y isang napakagandang babae sapagkat ang katulad mo ay mahirap mahanap." One in a million" kumbaga. At sa aking palagay you deserve the best, nothing but the best. Ngunit pagpasenyahan mo sana ako, dahil hindi ko rin alam ang mga tiyak na kasagutan sa mga tanong mo. Basta't ang alam ko lang, kapag para sa iyo ang isang tao, dumaan man ang lahat ng problema ay mananatili ito sa tabi mo kahit anong mangyari. Kaya't kung lagi kang iniiwan ng mga lalaking sinasabi mo, baka ito ay dahil hindi pa tama ang oras at hindi pa din sila ang Mr. Right mo.

Hindi naman baliko ang pana ko at malinaw naman ang mata ko. Sa tingin ko nga ay iyang puso mo ang malabo ang paningin dahil hindi sa mga lalaking minahal mo nakatutok ang pana ko. Mali lang siguro ang tingin ng puso mo. Masyado ka kasi yatang nagmamadali sa pag-ibig kaya nakakalimutan mong hindi ito dapat hinanahanap dahil ito ay kusang dumarating, biglaan at walang pasabi. Baka nga katabi mo na pala sya, hindi mo lang namamalayam dahil tutok ka sa pagtingin sa kagandahang lalaki at di mo na napapansin ang kagandahang loob ng isang lalaki.

Hindi lingid sa akin na isang linggo na lang ay araw na naman ng mga puso. Alam na alam ko iyan dahil milyong-milyong sulat na naman kagaya nito ang dumarating sa opisina ko. Kaya't humihingi ako ng pasensya kung hindi ko agad agad napagbibigyan ang mga hiling nyo. Nag-iisa lang kasi ako at pitong bilyon kayong mga taong naghahangad magmahal at mahalin. Kung kaya ko lamang na tuparin agad agad ang lahat ng iyon ay gagawin ko talaga. Ngunit naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay may tinakdang oras, perfect timing kumbaga, kaya't sana'y makapaghintay ka pa ng kaunti. Sa ngayon, ipagdiwang mo muna ang araw ng mga puso kasama ng pamilya't kaibigan mo na mahal ka ng buong buo at hindi ka iiwan.

Sana'y di ka na malumbay. Huwag kang mag-alala, sa maniwala ka man o sa hindi, alam ko ang tadhana mo. Mayroon na akong nakitang lalaking para sayo. Tamang oras na lang ang hinihintay ko. Pagkatiwalaan mo sanang muli ako at ang pana ko.

Nagmamahal,
Kupido J Buckets

Literary: Three Words




“In spite of everything that’s happened,

Every awful thing I’ve done
So much time of yours has been wasted,

Just so many things I can’t outrun.
I don’t expect you to forgive me
Even if I wasn’t ready
I just really wanted you to know

‘I am sorry.’"



"With everything that has happened--

All the hurt you gave
And pain you've caused--

I wish I can outrun it all
I wish I can forgive you.
But I'm still not ready and
I think I will never be.

"I am sorry.'"


Literary: Tama Na



Naguguluhan na ako.
Litong lito
Ayaw ko na

Tama na, tigilan na natin to.

Hindi ko na alam ang totoo.
Ni hindi ko nga alam kung
Mahal mo ba ako
Dahil kailangan mo ako o
Kailangan mo ako kaya mahal mo ako

Ang problema kasi sa'yo
Kaibigan mo ako--
Kaibigan mo lang ako.

Pero bakit iba ang dating sa akin?

Bakit sa akin parang syinota mo ako ,
Syinota mo ang best friend mo!

Sa tatlong taon nating pagkakaibigan
Tiniis ko lahat
Pinakinggan ko lahat ng
Hinanakit
Problema
Saloobin mo
Na lahat tungkol sa kanya

Alam mo, I was willing to wait.
Kaya lang napagod ako-
Napagod ang puso ko
Na maghintay, magtanong, magalit.

Kaya wag mo akong sisihin
Kung ngayon, wala na ako sa tabi mo
Kasi sa totoo lang,
He had me at worst.
You had me at my best.
But binalewala mo lang ang lahat.

You chose to break my heart.

*Italicized lines are from: Paano na Kaya, One More Chance, Labs kita okay ka lang, Starting Over Again, Milan

Literary: Obra Maestra




I only envision things
In black and white.
Empty is the word I’d use
To describe my feelings.
Love was just
Part of my imagination.

This was my world
Before you came,
Before "we" happened.

In just a snap
You redefined
Everything in my life.

You lit up
Every lamp inside my soul
And patched up
My heart
Once filled with holes.

You showed me
How to live
Instead of just exist.
You taught me to live,
To love,
To breathe.

And I will always be thankful
To you—the artist
Who painted me
With colors
I thought I would never see.