filipino,

Literary: Hindi ko Alam

10/30/2020 06:32:00 PM Media Center 0 Comments




Nahihirapan ako 
Kung paano isusulat ito
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-let go 
Baka naman kasi parte talaga ito ng pagkatao ko

Siguro dahil sanay na ako 
Nasanay na ako 
Hayaan ang sarili 
Tanggapin na lang ang lahat

Mga simpleng papel noong grade 7
Hindi ko maitapon
Mga masasakit na sinabi sa akin noong grade 7 
Hindi ko makalimutan

Mga bigong pagkakataon noong grade 8 
Hindi ko makalimutan 
Mga taong nanghusga noong grade 8
Hindi ko makalimutan 

Mga kasinungalingan na aking iniyakan noong grade 9 
Hindi ko makalimutan 
Mga mukha ng taong nagdududa sa akin noong grade 9
Hindi ko makalimutan 

Mga bagay na nagpahirap noong grade 10 
Hindi ko makalimutan 
Mga gabing pagluha ang pampatulog ko noong grade 10
Hindi ko makalimutan 

Mga pagdududa sa sarili noong grade 11 
Hindi ko makalimutan
Mga panahong ayaw ko noong grade 11 
Hindi ko makalimutan 

Oo, mukhang walang nangyaring maganda ni iisa
Pero mayroon, subalit ito nga lang ay nag-iisa
Ito ang nakilala ko ang aking mga kaibigan 
Na hindi ko kailanman nais talikuran 

Oo, mukhang may galit ako sa mga taong nanghusga 
Ngunit ang totoo, akin na silang napatawad 
Pero may parte pa rin sa akin na mahirap pakawalan
Dahil naroon pa rin ang sakit na kanilang iniwan

Hindi ko alam kung paano mag-let go 
Ni isang ideya, wala ako
Siguro nga parte talaga ito ng ako
Istorya talaga ito ng ako

You Might Also Like

0 comments: