Dalisay,
Hindi ka ba natatakot?
Hindi ka ba natatakot sa nasa likod mo?
Lumingon ka at pagmasdan
Ang dilim, ang labo
Ang gulo-gulo
Ang bigat sa pakiramdam
Ang dami sanang nabago
Ang dami pang hindi alam
Ayan tuloy, nabigo
Ayan tuloy, ‘di na natuto
Literary: Lingon
Hindi ka ba natatakot sa nasa likod mo?
Lumingon ka at pagmasdan
Ang dilim, ang labo
Ang gulo-gulo
Ang bigat sa pakiramdam
Ang dami sanang nabago
Ang dami pang hindi alam
Ayan tuloy, nabigo
Ayan tuloy, ‘di na natuto
Hindi ka ba natatakot sa nasa tabi mo?
Tingan mo kung nasaan ka ngayon
Nakapangingilabot
Nakababagabag
‘Di ba?
Ikaw na mismo ang nalilito
Ikaw na mismo ang napapatanong
Kung ano ba ang kalagayan mo ngayon
Kung ang ngiting ipinakikita mo ba ay totoo
Kung kakayanin mo pa bang lagpasan ang lahat ng ito
Hindi ka ba natatakot sa nasa harap mo?
Sige, subukin mong tanawin
Subukin mong alamin
kung hanggang saan ang ‘yong aabutin
Kahit na walang kasiguraduhan
kung paano’t kailan tatapusin
Subukin mong silipin
kung hanggang doon ay malabo’t magulo pa rin
Hindi ka ba natatakot?
0 comments: