filipino,

Literary: Sa Loob Ng Kahon

10/30/2020 07:49:00 PM Media Center 0 Comments




Ako'y nakahiga sa aking kama
Mag-isa, sa kisame nakatingala
Rinig ko ang mahinang bulong ng mga tao,
mistulang may lumbay at awa ang tono.

Ako'y napabuntong-hininga.
Dumilim na sa labas, palatandaan kong gabi na.
Wala akong nagawa buong maghapon.
Sayang ang oras, ba't ‘di ako bumangon?

Marami akong gustong gawin,
Mga pangarap na nais abutin.
Hayaan mo na, may bukas pa!
‘Tsaka na, pagbangon ko sa umaga.

Kay lamig ng susunod na araw.
Parang may iba, hindi ako makagalaw.
Nakahiga pa rin ako sa aking kama
na mistulang lumiit, naging kahong parihaba.

Hanggang ngayon ay rinig ko sila,
bulungan ng mga taong may kasama ng luha.
Biglang may sumilip sa maliit na kahong parihaba 
at sinabing, "Agad ka sa aming kinuha, biglaan naman yata...”

You Might Also Like

0 comments: