Showing posts with label robin. Show all posts

Literary: Minsan by Eraserheads




Ipikit mo ang mga mata mo’t pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko…

Ito ang linyang sinabi mo sa akin na hinding-hindi ko malilimutan. Dati pa tayong magkakilala pero unang beses kitang napansin noong sandaling iyon. Naaalala mo pa ba? Ito ‘yung sandaling pinakitaan mo ako ng magic trick, pero pinapikit mo lang pala ako para kunin ang natitira kong Milo Nuggets. Hay! Akala ko napakaseryoso mong tao, pero nang narinig ko ‘yang dalisay mong tawa? Napagtanto kong iba ka.

Dalawang taon na ang nakalipas nang maging close tayo. Mas close pa sa Polaris A at Polaris Ab… Ayun, o, nakikita mo? At pagkalipas ng napakaraming kulitan at alaala, heto tayo ngayon, nakahiga sa Sunken Garden, nagsa-star gazing!

Legal ba ‘tong ginagawa natin?

Oo naman! Ano ka ba… nagdadrama ako dito tapos di ka makikinig?
Pero oo nga, gabing-gabi na. Di ka pa ba uuwi sa iyong tahanan?


Di ko alam, . Ano ba kasi ang “tahanan?”

Tahanan? Bahay! Isang lugar kung saan tumitira, nagpapahinga ang mga tao.
Tara na nga. Tumayo ka na rin diya━

Ang tahanan kasi, para sa akin, dito mo madarama na ligtas ka. Na kahit anong mangyari, hindi ka mapapahamak. Dito ka rin makakakilos nang malaya. ‘Yung kahit anong sayaw at kanta ang gawin mo, walang pipigil sa ’yo. Napakasarap sa pakiramdam! Bumalik ka nga rito. Nadarama mo ba ‘to sa tahanan mong ‘yan? 

Wow! Napakadrama. Soc Sci ka ba? Ipasa mo na lang ‘yan sa MC!

Inaaway-away lang kita sa mga pagkakataong ganito. Pasensya ka na, maalab ‘yang puso mo, habang mas malamig pa sa Sagada ‘tong akin. Oo, pinagtatawanan lang kita, madalas. Pero sa totoo lang, nang marinig ko ‘yang mga sinabi mo? Iyon ang pagkakataong pinakanahulog ang loob ko sa iyo. Sa kasamaang-palad, ang kumislap na damdaming ito ay para sa akin─at akin lamang. Alam ko namang hindi tayo ang para sa isa’t isa.

Sa pagdating ng oras ay mag-iibang landas na tayo, at wala na kong ibang magagawa kundi magpasalamat.

Salamat sa mga biglaang pagtawag mo sa aking pangalan para lamang ngitian ako. Nakagagaan ng loob.

Salamat sa walang-tigil na pagkanta mo ng Minsan sa tuwing magkasama tayo. Nakakairita na, pero sabi nga nina Ely, sana huwag (mong) kalimutan ang ating mga pinagsamahan.

Salamat sa bawat pagkakataong nagdrama’t humugot ka sa aking harapan. Ang sarap sa pusong isipin na pinagkatiwalaan mo ako sa mga sikreto’t damdamin mo. Pangako, na kahit pinagtawanan kita, pinakinggan naman kita nang taos-puso.

Salamat dahil kahit huli na, naisipan mong kunin ang natitira kong Milo Nuggets at dahil dito’y napansin kita.

At kahit hindi na tayo magkakasama, alam kong nandito ka pa rin. Ito lamang ang kailangan kong gawin...

Ang mga mata kong ito’y ipipikit ko, tulad ng sinabi mo noon. At papakinggan ko ang natitirang alaala ng boses mo dito sa aking damdamin. Ang huli mong paalam ay pakikinggan ko nang buong-puso. Dahil marinig ko lamang ang boses mo ay ligtas na ako; marinig ka lamang ay ramdam kong nasa tahanan na ako.

Tara, Robin. Uwi na tayo?

Huwag muna. Kaunting oras pa.

Literary: Para Saan?




Sa tuwing ang buhay ay tila isang dapithapon
Na walang katapusa’t wala nang pinatutunguhan;
Sa bawat paghakbang ng iyong dalawang talampaka’y
Mapapaisip ka na lamang:

Itutuloy ko pa ba?

Para sa mga taong mas maaga pang gumigising
Sa mayuming pagsulyap ng araw;
Gagawin ang lahat upang matamo ang bawat hangarin
Ng mga anak na nagbibigay-ningning sa kanilang mga mata;
Para sa mga magulang na labis kung magmahal
Kumakayod kahit pinagkakaitan ng suweldong inaasam:

Sana’y magpatuloy kayo para sa aming nangangailangan—
Nangangailangan ng makalingang init ng suporta
Sa panahong nakagigipit na ang lamig ng aming pagkabahala.

Para sa mga hindi na halos nakauuwi ng bahay
Para lamang unahin ang kaluguran ng mamamayan;
Napapagod, nasisiil, nakukulong sa makitid na pananaw
Ng nakatataas na uri’t mapanghusgang mga diwa.
Para sa mga empleyado’t manggagawa
Na mas masikap pa sa takbo ng umaga:

Ipagpatuloy ninyo sana ang paglilingkod:
Ang pagpili ng wasto, ng mabuti, sa kabila ng kasakiman
Magpatuloy sana kayo para sa ikauunlad ng ekonomiya’t lipunan.

Para sa mga mahahaba ang pasensya,
Walang maliw na umaaruga sa aming musmos pa sa kaalaman at karunungan;
At patuloy na lumalaban kahit kapiranggot na lamang ang kinikita.
Sa mga guro na pinipiling manatili sa lupang hinirang:

Salamat, at sana’y magpatuloy kayo
Dahil ang kailangan ng mga pag-asa ng bayan ay ang matatapang tulad ninyo;
Kailangan namin ng magtutuwid sa aming landasing walang katiyakan.

Para sa mga estudyante ng UPIS—ang mga iskolar
Na mapalad sa mataas at makatotohanang edukasyon
Sa pribilehiyong gamitin ito upang iligtas ang bayang nanganganib
Ngunit napapagod na sa yagit na ibinabato ng pamahalaan;
Ikaw na nagbabasa nito,
Na nag-iisip kung ang pagkilos para sa karapatan at katarungan
Ang pinakaangkop na solusyon:

Sana’y ituloy mo habang may oras ka pang natitira.
Magpatuloy ka sana—
Para sa aming patapos na.

Literary: Kampai!






Draft #1
          Naaalala ko pa noong mga bata pa tayo, noong edad nati’y nabibilang pa ng mga daliri ng dalawang munting kamay, kinaugalian natin ang paghahabulan sa damuhan. At kung sumunod tayo sa utos nina Mama na umidlip nang isang oras sa hapon ay papayagan pa nila tayong magbisikleta. Naaalala mo pa ba? Na lagi tayong nahuhulog at nasusugatan sa tuhod. Pero wala lang ‘yun, tinatawanan lang natin ito dahil tulad nga ng lagi mong isinisigaw sa tuktok ng mga padulasan, “Magaling tayo!”
          Ito ang pinakapinahahalagahan kong alaala natin…


Draft #7
          Noong tayo’y nasa elementarya na, tayo’y palaging magkasama tuwing recess para sagutan ang mga takdang-aralin. Iyon kasi ang payo nina Mama kaya hinayaan na lamang natin sa paglalaro ang ating mga kaklase. Naaalala ko pa, nagpapataasan tayo ng mga grado at aasarin mo ako dahil mas mataas ka palagi. At ito naman ako, maiiyak sa harapan mo. Ngunit dahil pusong-mamon ka, bigla ka ring maiiyak sa harapan ko! Ang sabi mo noon, umiiyak ka dahil magagalit sa iyo sina Titser… Pero alam kong sa loob-loob mo’y ang dahilan ay ito: ayaw mo ang nakikita akong malungkot.
Ito ang paborito kong alaala natin.
          Ito ang pinakanakatutuwang katangian mo.


Draft #14
          Pagdako sa hayskul, tayo pa rin ang magkasama. Patuloy na nagdebelop ang ating pagkakaibigan, ngunit sa kasamaang-palad… sumibol din ang lihim na pagtingin ko para sa iyo. Hindi mo lang alam na kinikilig ako sa tuwing magkasama tayo. Tumagal ito nang tatlong taon, akalain mo ‘yun? Ngunit pagdating ng Grado 9, nasaktan mo ako nang sobra.

          Bakit siya ang niyaya mo sa prom? Kahit ang pangako mo sa ’kin noong mga paslit pa tayo’y ang tanging dadalhin mo sa espesyal na gabing iyon ay ang pinakaespesyal na babae para sa iyo? Napakasakit nang malaman kong hindi pala ako iyon.


Draft #15
          Naaalala mo pa ba? Noong nasa Senior High na tayo’t panahon na ng pagkuha natin ng mga College Entrance Test? Todo-todo na ang pag-aaral ng ating mga kaklase, pero ito ako… naiiyak na lamang sa kaba. Gustong-gusto kong magpatulong sa iyo, pero may kasama ka nang iba. At hindi mo lang alam… pero ako’y umiiyak gabi-gabi dahil sa paghihirap, stress, at sakit na aking nadarama, hanggang naisipang huwag na lamang kumuha ng eksam.
          Pero hindi. Lumaban ako nang mag-isa.
          Nagpatuloy ako dahil matapang ako.


Final Draft
          Aking Erik, hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw ng iyong kasal. Matagal mo na itong hinihintay, di ba? Tingnan mo ‘tong ngiti ko… maniwala ka man o hindi, tunay na maligaya ang mga labi kong ito. Maligaya para sa iyo. Bilang Maid of Honor ninyo ngayong gabi, nais kong magpasalamat sa lahat ng alaala natin mula bata pa tayo, elementarya, hayskul, at hanggang ngayon. Pero nais ko ring humingi ng tawad dahil sa isang punto ng ating pagsasama’y tinalikuran kita nang biglaan.

          Nais kong malaman mong lumayo ako dahil napagtanto kong dati-rati’y sabay tayong nahuhulog, iiyak, at sabay babangon. Ngunit habang tumatanda tayo’y bakit tila ako na lamang ang bumabagsak? Parang ako na lang palagi ang nahihirapan at umiiyak, habang ikaw ay nakikita kong maniningning ang mga mata, napakasaya’t walang kaproble-problema.

          Pero ang mas importanteng bagay na aking natamo ay ito: Erik, ikaw ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa aking buhay. At kahit masaya ka na sa piling ng iba, hinding-hindi na kita tatalikurang muli, dahil kahit ganito ako―isang apoy na patuloy na nawawalan ng buhay, ikaw naman ang ningas na palaging bumubuhay sa akin. Sa tuwing kasama kita, ako’y lumalakas at tumatapang. Kapag nandito ka, patuloy akong nakababangong muli.

Literary: Piece of Paper




How does it feel?

It feels like a disaster
Like a callous hurricane in the somber aisles of dawn
Or a burning kiss of fire with agony that I cannot bear.
It terribly seems like an interminable gush of flood
Pouring all these spiteful blames on me.
So here I am – drowning
While everyone around me is breathing just fine.

I open my eyes and I’m surrounded by the finest goods and chattels,
A top-notch house for a well-heeled family
Apparently, I possess everything a person desires.
But in this partition between opulence and bliss,
I actually own nothing but the first one
And a shedload of profound longing for the other.
Sigh.

I then turn around to find myself lost in a room full of men in grey suits
All have stolid faces, hard-pressed at two in the morning.
I look down on a massive pile of paperwork, yet I only see one thing – remorse.
Why did I ever settle with pursuing this desperate endeavour?
Perhaps we always hurtle towards the easy choices –
The reckless choices that will eventually obliterate us.

And within a touch of flutter
Everything flashes back.

I glance down once more, towards a pile of paper
A different scatter this time – the one I had years ago
I curse my conscience with an inevitable feat of realization
About the fact that the littlest of things can cause the most grievous of disasters
And that little reason of mine is this piece of paper –
A college application.

How does it feel?

To go through whistling rapids and shallows
Just because I opted to take the course of eminence and wealth
And not the one I’m sincerely passionate about?

Literary: Lunch Time





Magkasama sa stone benches ang magkaklaseng sina Rodel at Karen at pagkatapos ng nakabubusog na tanghalian ay nakasandal na lamang ang dalawa sa mesa. Habang nagpapahinga’y pinatugtog ni Karen ang kaniyang paboritong OPM playlist at pinagmasdan ang mga pangyayari sa quad.

*Tumugtog ang kantang “Sila” ng SUD*

Rodel, kailan mo ba ako sasagutin?

HA?!

Hindi mo pa sinasagot ‘yung tanong ko kanina… Ang sabi ko, ano’ng special sa iyo na hindi makikita sa iba? Huwag kang mag-alala, para lang ito sa poll ng MC.


Ah...


Ano nga ba ang sagot sa tanong, Rodel. Bakit ka ba mahalaga, ha?

*Pinalitan ang kanta*

Hay… Ang KJ naman nito! Ako nga, walang special skills, eh. Kahit katiting na talento, wala. Tingnan mo ‘tong si Hazel.

Saan?

‘Ayun, o! Tingin ka sa kanan mo... bandang kanan pa… ‘Yan! Buti pa siya, napakagaling magdrowing. Nakikita mo ba kung paano niyayakap nu’ng kaliwang kamay niya ‘yung lapis na ginagamit niya ngayon? Mahinahon, pero sakto pa rin ang pagkakadiin ng lead sa papel; napakaganda pa rin ng pagkakaguhit ng mga linya ‘tsaka hugis!

Wow! Tapos may shadow-shadow pa. Ang husay!

At isa pa ‘tong si Eric. ‘Ayun siya o, ‘yung nasa sulok ng balcony. Buti pa siya, sobrang galing pagdating sa pagkuha ng picture. Naturuan na niya ako dati ng mga elements at principles sa photography, pero ang naintindihan ko lang, e, ‘yung rule of thirds. Wala na nga akong talento, ang bagal ko pang pumick-up. Tingnan mo siya… Nakikita mo ba kung paano ngumingiwi ‘yung mukha niya habang nakasilip sa kamera? Ang cute!

Buti pa siya.

Oo nga. Pero alam mo ba kung sino ang totoong special sa ‘ting magkakaklase? Si Mary Grace. Ang dami niyang talento—tunog-maya ang pagkanta niya at ang galing sumayaw. Minsan, matikas ang galaw niya, parang daloy ng kalmadong dagat. Pero kadalasan, mabilis at matulis ang mga galaw niya… Ang astig! Sa sobrang galing niya, puwede na siyang maging K-Pop idol!

*Tumugtog ang kantang “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads*

‘Uy, sakto! Bagay na bagay ang kantang ‘to kay ¬¬Mary Grace. My favorite! Tara, sabayan mo naman ako sa pagkanta. Ngunit ang paaaaborito, ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo! Nakakaindak… Nakakaaliw… Nakakatindig… balahibo, oooh!

Karen, alam mo ba kung ano’ng nakakatindig-balahibo?

Ano?

‘Yang mga mata mo.

Ha?

Gustong-gusto ko ang paraan kung paano nakakakita ang mga mata mong ‘yan. Napakalalim. Buong lunch time, inaya mo akong mag-aral para sa test sa Philo pero ang napag-aralan mo lang e ‘yung mga kaklase natin. Oo, nakikita mo ang lahat ng puwedeng makita sa mga tao…
Pero nakita mo na ba ang mga mata mong ‘yan?

Uhm… hindi pa, e.

At alam mo ba kung ano ang special sa ‘kin, ‘yung sagot sa tanong mo kanina? Ikaw. ‘Yung buong pagkatao mo. Hindi ka magaling magdrowing; hindi ka magaling kumuha ng picture; at hindi ka rin nabiyayaan ng katiting na galing sa pagsayaw; pero napakakulay naman ng pagtingin mo sa iba.
At Karen, iyon ang pinakamagandang uri ng sining na natanaw ng aking mga mata.

*Nabigla sa sinabi at titig ng katabi.* Tara na nga. Male-late na tayo sa next class.

Literary: April Skies x Endless Nights




April Skies

On cold spring nights like this…

I close my eyes
Which weep like woeful April skies,
I try to forget what I want to remember
Yet I only remember what I want to forget.

I take a deep breath
And inhale the scent of dead lilac and agony,
Its dust reminds me of the bittersweet memories of us;
Telling its tale of how pale the night will be.

I take a sip
Of the sparkling, yet monochromatic stars
Its taste never fails to remind me of you.
Because you used to be a dream so rich in color
‘Til you left me fading into a single hue of gray.

On cold spring nights like this…

I hear the whispers of new beginnings
But I refuse to listen.
For I always look for tomorrow
But tomorrow doesn’t ever look for me –
You are my future that isn’t meant to be.

Then I block my thoughts
And for a moment, all I do is feel
To remind myself that I don’t need stars to guide me.

Because I am a lost firelight
Still not aware of the heat it promises
And I don’t think I should perceive it –
Through time, I’d just be it.

So on cold spring nights like this,
I feel my heartbeat
And wait for the warmth of feeling to take me home.

Endless Nights

On cold endless nights such as this…

I glance at my right palm
And traced every curved line connecting my wrist to my fingertips
Trying to recall each story and how it was formed;
Stories that created bridges, but mostly scars.

I take a sip
Of my warm, yet bottomless cup of regrets
And its smoke whispers to me
The imprudent mistakes I’ve done to hurt you,
Plus, the squandered bliss that caused us affliction.

And with every single sip I take,
Its bitter aftertaste keeps on getting stronger.
Yet I still choose to seek for more
For it is the only substance that keeps me awake
During these busy night skies of April.

On cold, tiring nights such as this…

I hold my breath;
Slowly count up to three
And think of the elements that I miss most about you –
One – The redolent scent of your lilac hair;
Two – Those starry eyes of yours full of twinkling dust;
Three – Your personality so vibrant in every hue.

And once I exhale,
I get to release every vague emotion inside me
All of it, except for one – nostalgia.
Every night, I yearn for home
And every night, I realize
That I should have chosen passion over profession;
Maybe – I should’ve waited much longer and stayed with you.

So this frigid, yet hopeful night
I stood up from this tattered desk;
Let go of every pen and paper;
And finally break free from these latched doors of remorse.

Now here I am – reaching out to you, my firelight
I hope you wait for me.
For the warmth of your embrace is where I belong –
And once I find you, we’re home.

Literary: Here's To You





This is me –
Reaching out to the silent
Whose tongue is tied with secrets
But are tight-lipped as they come
To the riddles, out there, wrapped in enigma,
Here’s to you

To the repressed
Who are meant to stay at home,
Know that you have a voice.
Here’s to the good girls
Who want to break the rules.
Have courage to say no sometimes,
And learn to take control.

To the passionate
Who have the world but the warmth of support,
You are more than enough.
Here’s to the dreamers
Who have clipped wings.
Together, let us free our souls
And take flight without approval from others.

To the abused
Who are always there to forgive and forget,
Know that you have other choices.
Here’s to the loyal friends
Who choose to feel small rather than to be alone,
I hope that you choose yourself for once
Because self-love is not vanity,
It is sanity.
And those who invest in themselves
Will always go further.

To the innocent
But are arrested by illicit devotion,
It’s a beautiful thing to be inspired.
Here’s to the kids
Who are secretly in love,
Let us admire for our heart’s content
Even if it means to be from afar.

Here’s to the heartbroken
One step away from being numb,
I need you to move backwards –
One step at a time
And never forget that such divine feelings exist inside you
Because time will heal you
But love will drive out fear completely –
Will let you feel thoroughly.

These are for all of us;
Tired of getting lost in this labyrinth of secrets
But we have to be brave
Because letting our reticent selves go
With life’s natural flow
Is the only way out of the enigma –
The only way to break free

Literary: Himig ng Liham






Aking Melodiya,

            Bagong umaga na naman ang dumating, sana’y nakatulog ka nang mahimbing kagabi. Pasenya ka na’t wala ako riyan sa tabi mo ngayon dahil kinailangan kasi ako sa trabaho. ‘Di bale… susulatan na lang kita para maging maganda ang simula ng araw mo. 

Ang panguna sa listahan ng mga nais sabihin ng dalawa kong labi ay ang tatlong salitang ito:  apat na taon.

Ganito na tayo katagal na nagmamahalan at hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa buong pagkatao mo. Mula sa maningning mong mga mata, hanggang sa kahiligan mong humiga sa damo para maligaw sa kagandahan ng mga tala. Pero Mel, ang pinakanaibigan ko sa ’yo ay ang pagkahumaling mo sa pagsayaw.

Simula hayskul pa lang, sayaw na ang pinakamahal mo, lahat ay isasakripisyo mo para dito. At ang iyong paggalaw? Kahali-halina. Sabi mo nga sa akin, sa tuwing sumasayaw ka, lumalaya at lumiligaya ka. Pero para sa akin, Mel, lalo kang gumaganda.

Ang pangalawang bagay na nakapaloob sa liham na ito ay apat na pantig:  Pasensya na.

Araw-araw ko itong binibigkas sa iyo at hindi ako titigil magpakailanman. Pasenya na’t ganiyan ang kalagayan mo, dalawang taon na ang tagal. Kasalanan ko na inimbita kita noon sa perya para makinig sa mga banda, pero ang ginawa ko lamang ay uminom. At noong nagyaya ka nang umuwi ay hindi kita nasamahan dahil lasing na ako’t bawal nang magmaneho. Kung nasamahan kita, hindi ka sana naaksidente nang gabing iyon.

Pasensya na, Mel. Dahil sa akin, nawalan ka ng pandinig. At dahil sa akin, hindi mo na mapakikinggan ang musika na kailangan mo sa pagsayaw.

Pero nais kong magpasalamat dahil sa tuwing sinusulatan kita ng mga salitang “Pasensya na,” ang mga isinasagot mo pabalik ay “Pinapatawad kita.” At sa tuwing sinasamahan kitang sumayaw sa maliit nating kuwarto, na napakatahimik at walang musika, ibinubulong ng iyong mga labi ang linyang “Mahal kita.”     

Melodiya, mahal na mahal din kita.

Gusto kong malaman mo na hindi mo kailangan ng pandinig at boses para maipahayag ang mga nais mong sabihin, dahil mula nang mawalan ka nito, sayaw at simpleng paggalaw na ang lengguwahe natin sa isa’t isa. At ipinapangako ko na ako na ang magsisilbing melodiya mo, dahil ikaw ang sa akin.

Tandaan mo, uuwi ako nang maaga mula sa trabaho ko ngayon para makasama ka mamayang gabi. Araw ng mga Puso ngayon, nakalimutan mo ba? Huwag kang mag-alala. Papakainin kita sa paborito mong tapsilogan, at pagkatapos, buong gabi kitang isasayaw sa ilalim ng mga tala.

                                                                                                                     Nagmamahal,

Nimuel

Literary: Calico





There was an old maiden living across the streets of Auburn known for her eye-catching clothes. Her real name’s Marga, but her neighbors call her “The Lady in Odd Skirts.” Every day, she wears different patterned-sarongs that match her mood.

For the past 6 years, her favorite one was the tartan sarong. She put this on every time she felt grouchy, and that “every time” was always. Who could blame her? She had no family, no kids. She was lonely. But not until she found company, because it all changed the moment she met her dog, Calico.

Calico is a white poodle that Marga found abandoned on the streets and decided to adopt. Every morning, she walks him outside, as others accompany their children to school. Suddenly, her go-to long skirt switched from the tartan pattern to a paisley one. “I lost the tartan one at a laundromat,” she explained, but I oppose. The new pattern meant change. And that meant, deep inside, she was happier.

Once the afternoon sunlight has peaked through the old maid’s barred windows, she probably has settled in her living room by then to bond with the poodle. Wearing a damask sarong, she first grooms his white curly locks, then plays hide and seek with him. Marga likes to hide behind the dusty curtains that flows onto the floor, while Calico, never gets tired looking for her.

At nightfall, the maiden then reads ‘The Babies Boke’, a children’s story book, to her dog. Peculiar, yes. But every woman feels motherly to their loved ones every now and then. And to Marga, Calico is her child she never knew she’d have.

This daily routine went on. Through the years, it never changed. Marga takes care of Calico. Calico accompanies Marga. But apparently, routines come to an end, and it leaves you once every second of your life is consumed. Just like how Marga left Calico.

People came to visit her wake while some just sent flowers. Some even gave paisley-patterned postcards, for ‘The Lady in Odd Skirts’ to be remembered. But the old maiden, laid down in peace, wore no odd sarong, but a plain white dress.

As for Calico, the white poodle loved by the once grouchy lady, now belongs to a new family. But every once in a while, he retreats to its former home and lingers by the dusty curtains, where Marga used to be found.

Literary: Teoryang Karyoko





Teoryang Karyoko
Pinaikling “karma” at “ayaw ko”
Na iluminsayon sa bawat sandaling
“Ayaw ko sa’yo,” ang ibinubulong
Ng mga labi ng natitipuhan mo

Karma
Ito ang bukod-tanging sagot
Sa makasarili mong lungkot
Dahil muli’t muling babalik sa iyo
Aking pagdadalamhating iyong idinudulot

Ngunit ang pagbabayad-utang nga ba
Ang pangunahing simulain ng pag-ibig
Kung puro gantihan lang din naman
Ang ating kinahahantungan?

Sige
Ako na mismo’ng makikipagtunggali
Ipaglalaban kita kahit pa napakahapdi
Pasensya na’t nagpakabulag ang sarili;
Ang biglaang pagkatagpo mo ng kaligayahan mula sa iba
Na sa akin ay di mo nakita
Ay di kailanman naging pagkakasala

Dahil ang Teoryang Karyoko,
Kathang-isip lamang nitong nagkakaila kong puso

Ngayong nakahanap ka na
Ng tumugon sa’yo ng “Gusto rin kita”
Tiyak na hindi ka na kinarma
Dahil purong kaluguran ang iisa kong nadama
Nang ika’y pakawalan na

Literary: Mine x Myself





Mine

Your repetitive stories never come to an end, but your voice is my favorite melody
You give me never-ending headaches, but in the end, you’re my only remedy.

You’re a nightmare; most of the time, but also a dream come true
For you know how to cure my broken heart, but haven’t looked much deeper where it’s purely true
Why haven’t you?

You always brag to me about how almost all have fallen for you
And how you call them fools, but at the same time, feel sorry for each one too.

I tell you; this is the last thing I would ever want to feel
But just like any other girl, every whisper from my heart is real.

I’ve fallen for you, and I’m the biggest fool of all
You don’t want that, so this shall be my last call.

Boy, you really are a cliché in a poem, but you’re my favorite line
You’re my best friend, and I’m happy that you were once mine.


Myself

You were the reason my stories started, you brought upon my voice and its cadence
I may be a pain to be with, but in the end, we were always both at ease

I'm a nightmare and I'm better awake because when I am, there's you
But I'm afraid that I'm only a cure for your broken heart and nothing more
But there it still was---love

I've always boasted about how almost everyone has fallen for me
But I'm a fool, because I'm the one who has uncontrollably fallen for you

I tell you; this is the last thing I would ever want to feel
But just like any other boy, every whisper from my heart remained sealed

I’ve fallen for you, and I’m the biggest fool of all
You don’t want that, so this shall be my last call

My dear, you are the meaning between the lines, and you're the poem itself
But you were my best friend, I was afraid, so I kept the truth all to myself

Literary: Munting Kwento





Isang araw, may sumulat ng istorya
kung saan ang buhay ng bida’y mala-pantasya:
naisipang iaalay sa kanya ang prinsesa
isang perlas na ningning ay kakaiba,
ipagkakaloob sa kanya isang pangalang dakila
at... ginawa akong kalaban.

Ako lang naman ang patalo sa laro,
kapag may naganap na masama, sa akin ang turo.
Wala akong magagawa kung panira ako ng eksena,
para bang hindi inaasam na dalaw sa itinatanging alaala,
ako lang naman ang nahirang na basura ng istorya.

Maaari ngang ako’y napakasamang nilalang,
nilalang na mali ang pagkalikha kaya isinantabi na lang.
Ngunit, batid niyo ba na ako’y tao rin lamang?
At hindi niyo ba natanto, kahit minsan,
kahit isang saglit ba, sa isip niyo’y napadaan,
kung ano ang aking nararamdaman?

Sana, ako’y inyong pakinggan.

Takdang oras ay sumapit, aaminin ko na ang totoo:
ang buhay ng kalaban ay hindi ko ginusto.
Sa dinami-rami ng isda’y ako ang nahuli,
naakit, nalinlang, wala nang takas sa tali.

Sana iba na lang.

Nagsimula ang lahat sa isang maaliwalas na umaga,
umagang dinaig ang dilag ng isang estrelya.
Pagdilat ng mga mata’y nasilaw sa sumalubong na pag-asa,
pag-asang makalikha ng isang simula,
simula ng aking istorya.
Ngunit biglang dumilim
nang hablutin ang aking hiling,
nang malamang nasimulan na ang kuwento,
at iba ang sumulat, hindi ako.

Kung maaari lang balikan ang panahon at alaala,
kung maaari lang lokohin ang sanlibutan, matagal ko nang ginawa.
Gusto ko sana ng isa pang pagkakataong magsimula muli,
para maayos ang lahat ng gulo, maitama ang pagkakamali.

Ngunit, nasulat na ang katha mula umpisa hanggang huli.

Isang araw, sumulat sila ng munting kuwento,
wala na akong magagawa, maniwala kayo,
puno na ang blangkong papel ng aking pagkatao.
Ang lahat ng ito’y isang pandaraya
pandarayang hindi na mabubura...
Sana alamin niyo muna ang lahat bago basahin ang istorya.