filipino,
Teoryang Karyoko
Pinaikling “karma” at “ayaw ko”
Na iluminsayon sa bawat sandaling
“Ayaw ko sa’yo,” ang ibinubulong
Ng mga labi ng natitipuhan mo
Karma
Ito ang bukod-tanging sagot
Sa makasarili mong lungkot
Dahil muli’t muling babalik sa iyo
Aking pagdadalamhating iyong idinudulot
Ngunit ang pagbabayad-utang nga ba
Ang pangunahing simulain ng pag-ibig
Kung puro gantihan lang din naman
Ang ating kinahahantungan?
Sige
Ako na mismo’ng makikipagtunggali
Ipaglalaban kita kahit pa napakahapdi
Pasensya na’t nagpakabulag ang sarili;
Ang biglaang pagkatagpo mo ng kaligayahan mula sa iba
Na sa akin ay di mo nakita
Ay di kailanman naging pagkakasala
Dahil ang Teoryang Karyoko,
Kathang-isip lamang nitong nagkakaila kong puso
Ngayong nakahanap ka na
Ng tumugon sa’yo ng “Gusto rin kita”
Tiyak na hindi ka na kinarma
Dahil purong kaluguran ang iisa kong nadama
Nang ika’y pakawalan na
Literary: Teoryang Karyoko
Teoryang Karyoko
Pinaikling “karma” at “ayaw ko”
Na iluminsayon sa bawat sandaling
“Ayaw ko sa’yo,” ang ibinubulong
Ng mga labi ng natitipuhan mo
Karma
Ito ang bukod-tanging sagot
Sa makasarili mong lungkot
Dahil muli’t muling babalik sa iyo
Aking pagdadalamhating iyong idinudulot
Ngunit ang pagbabayad-utang nga ba
Ang pangunahing simulain ng pag-ibig
Kung puro gantihan lang din naman
Ang ating kinahahantungan?
Sige
Ako na mismo’ng makikipagtunggali
Ipaglalaban kita kahit pa napakahapdi
Pasensya na’t nagpakabulag ang sarili;
Ang biglaang pagkatagpo mo ng kaligayahan mula sa iba
Na sa akin ay di mo nakita
Ay di kailanman naging pagkakasala
Dahil ang Teoryang Karyoko,
Kathang-isip lamang nitong nagkakaila kong puso
Ngayong nakahanap ka na
Ng tumugon sa’yo ng “Gusto rin kita”
Tiyak na hindi ka na kinarma
Dahil purong kaluguran ang iisa kong nadama
Nang ika’y pakawalan na
0 comments: