cedric jacobo,

Mga magulang nagtipon para sa General PTA Assembly

10/12/2017 08:02:00 PM Media Center 0 Comments



Dumalo sa General Parent-Teachers Association Assembly ang mga magulang mula Kinder hanggang Grado 12 noong Setyembre 30 sa UPIS Gymnasium.

Nagtipon-tipon ang mga magulang para sa isang pangkalahatang pulong kung saan iniharap ang bagong Board of Directors ng PTA para sa Akademikong Taon 2017-2018. Nahalal bilang pangulo si Gng. Dolly Eloriaga at pangalawang pangulo si Dr. Lorina Calingasan kasama ang labintatlo pang PTA Presidents ng bawat grado.

Ilan sa mga napag-usapan sa PTA assembly ang paghaharap ng ulat-pinansyal ng nakaraang pamunuan ng PTA at ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng nito gayondin ang pagpopondo sa iba’t ibang gawaing pampaaralan tulad ng Leadership Camp at Varsity Program.

Ipinakilala rin sa mga magulang si Dr. Lorina Calingasan bilang bagong prinsipal kasama ang kanyang mga katuwang na prinsipal na sina Prof. Rachel Ramirez (Assistant Principal for Academic Programs), Prof. Portia Dimabuyu (Assistant Principal for Administration) at Prof. Czarina B. Agacaoili (Office of Research and Development Program) gayondin ang mga puno ng bawat departamento. //nina Cedric Jacobo at Gian Palomeno


BAGONG YUGTO. Inilatag ang mga plano para sa A.T. 2017-2018 sa General PTA Assembly na ginanap sa UPIS Gymnasium. Photo Credit: Prof. Grace Sumayo

You Might Also Like

0 comments: