astraea,

Literary (Submission): Piitan

10/13/2017 09:58:00 PM Media Center 0 Comments





Nananahimik at naguguluhan,
Siya’y nalulunod sa sarili niyang mga kasalanan.

Nahihirapan at nasasakal,
Tila ‘di na makakalaya sa mga kamay na bakal.

Humihiling at humihiyaw,
Sa kanyang hinagpis, wala man lamang tumanaw.

Umiiyak at umaayaw,
Nawalan na siya ng pag-asang masilayan pa ang araw.

Kasuklam-suklam ang kanyang pinagdaanan,
Pilit siyang tumatakas sa kanyang nakaraan.

Subalit dulot nito’y pagbalik sa pagkakalugmok,
Hindi na… Hindi na siya makakaalis sa kanyang pagsubok.

You Might Also Like

0 comments: