filipino,
Minsan, napapaisip ako kung ang ako sa mundong ito ay sumaya na sa iba pang mga mundong umiiral.
Sa ibang mundo, siguro makulit ako. Laging nilalapitan ang mga tao kahit hindi ko sila kakilala. Hindi iniisip masyado kung tama ba ang aking mga ikinikilos. Hindi pinoproblema kung tatanggapin ba ako ng mga taong nasa paligid ko, basta ang mahalaga, kilala ko ang sarili ko.
Sa ibang mundo, siguro ipinaglalaban ko kung ano ang gusto ko dahil buhay ko ito. Hindi ko pipiliting sabihan ang puso ko na ilagay sa ilalim ng lupa ang pagmamahal ko sa sining dahil di ako matutulungan nito, dahil hindi ito ang gusto ng magulang ko.
Sa ibang mundo, siguro malaya ako’t hindi nakagapos sa sari-saring paniniwala ng aking mga magulang. Hindi nabibingi ang aking mga tainga sa mga salitang: “Ito ang mali… ito ang tama…” Mga salitang nakabatay sa sarili nilang kagustuhan.
Sa ibang mundo, siguro hindi ko pinipilit ang sarili kong tuparin at mahalin ang mga pangarap ng aking mga magulang na hindi nila natupad noon. Siguro sa ikaapat na mundong iyon, tinutupad ko na ang aking sariling mithiin na hindi ko maatim-atim dito sa mundong ito.
At minsan din, napapaisip ako, kung ang ikaw ba sa mundong ito’y matatagpuan ko sa iba’t ibang uri ng daigdig.
Sa ibang mundo, siguro, isa ka sa mga taong nilapitan ko. Baka naging magkaibigan tayo... Baka rin hindi. Ngunit sigurado ako na isa ka sa mga taong ninanais kong makasama nang matagal katulad ng nararamdaman ko sa mundo natin ngayon.
Sa ibang mundo, siguro hindi ko pilit na ibinaon sa ilalim ng lupa ang mga gusto kong sabihin saiyo. Hindi ko siguroipinagpipilitang palitan ang iyong pangalan dahil sa takot, takot na baka magalit ang aking mga magulang ‘pag nakita nila ang pangalan mong nakaukit sa aking puso. Hindi ko siguro sinunog ang mga liham na isinulat ko para sa iyo, na dapat nababasa mo upang malaman mo na ang pagmamahal ko saiyo ay totoo. Hindi ko rin siguro pinunit ang mga ginuhit na pahinang may sari-saring reaksyon ng iyong mukha.
Sa ibang mundo, siguro malaya ako’t nakaalis na sa gapos ng mga ekspektasyon ng aking mga magulang na hindi ko kayang abutin dahil iba ang daang nais kong tahakin. Ang mga mali at tama ay hindi nakabase sa kanilang mga paniniwala. Isang mundo kung saan alam ko sa aking sarili na hindi mali ang aking mga nararamdaman para sa iyo kahit na ilang beses pa akong nasasaktan sa mundo natin ngayon.
Sa ibang mundo, siguro habang minamahal ko ang aking sariling pangarap, ikaw pa rin ang aking musa sa bawat pahina na ginuguhitan.
Sa iba’t ibang mundong umiiral, kung nasaan ka man at kung nasaan man ako, alam kong ikaw pa rin ang unang minahal ko.
Literary: Kung Nasaan Ka Man

0 comments: