Showing posts with label gendry. Show all posts

Literary: Ang Pag-ulit ng Kasaysayan






Pananakot at Militar

Nasasandatahang hukbo
Ang naging susi ng dating pangulo
Sa pagpapatakbo ng mga pulo
At pananatili sa puwesto
Tumahimik ang bansa
Hindi dahil mapayapa
Kundi sa takot na naghari
Sa puso ng mga inapi.


Matinding Pagdurusa

Libo-libong pagkulong
Libo-libong pagtortyur
Libo-libong pagkawala
Libo-libong pagpatay
Libo-libong nagdurusa
Ang nangyari sa kaniyang diktadura
Kahit inosente’y walang magawa
At pag lumaban ka, finish na.


Naipong Galit

Bawat pagtitimpi
Bawat lihim na pighati
Bawat sigaw na paloob
Bawat pagtitiis ng kirot
Ay naipon at nagsama-sama
Hanggang sa umapaw ang galit sa sisidlan
Sa pang-aabuso ng punong sukab
Poot ng madla’y naglalagablab


Nagkaisa


Sa EDSA ay nagtipon-tipon,
Lahat ng taong napilitang itago ang kanilang emosyon
Lalong-lalo na ang kanilang galit at dalamhati
Sa araw at lugar na iyon,
Nailabas nila ang kanilang nagbabagang damdamin
Sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon
At dahil sa kanilang pag-iisa,
Nagwakas ang tiraniya


Umuulit na Kasaysayan

Kontrol ng presidente sa militar?
Libo-libong nawawala?
Libo-libong hindi na muli nakita ng pamilya?
Libo-libong pinapatay?
Libo-libong biktima ng inhustisya?
Pamilyar ba ang mga eksenang ito?
Bakit tila bumabalik lamang tayo
Paulit-ulit ang malupit na siklo?


Galit na (Naman na) Mamamayan

Dahil sa kasaysayan ng bayan
Ang mga Pilipino ay natuto na
Walang kalapastanganan sa kababayan
Na palalampasin basta na lamang
Ang mga mali ay itatama
Di madadaan sa “Move on na lang”
‘Pagkat ang sugat kung maghilom man
May iniiwang pilat na di mapaparam


Pagkakaisa
?

Pangako sa ati’y pagbabago
Sa ganitong klase ng pamumuno?
Yumuyurak sa karapatang pantao
Di nakikinig sa mga pagsusumamo
Nagpapanatili pa rin sa mga abusado
At naglulugmok pa sa ating lalo?
Ang mga pagkakamaling ito na bumabalik
Sa pagkakaisa lamang natin maitatama ulit.

Literary: Social Media Friends



Para sa mga kaibigan kong mas madalas magparamdam sa social media at bihira kong makausap sa personal, #Goals pa rin tayo kahit ganito, sobrang solid niyo! Peace out!

Para kay Myspace
Okay ka na ba? Sapat na ba ang space na ibinigay namin sa’yo? Sorry na kung ngayon lang ako naglakas loob na mag reach-out sa’yo. Miss ka na ng buong tropa, paramdam ka naman. Kung sakaling gusto mong malaman ang mga pinagkakaabalahan namin, pwedeng-pwede mo kaming i-message ni Facebook para maisend niya sa’yo ‘yung My Day namin. Sabihan mo lang siya kung gusto mong sumama sa mga lakad. Pero kung pipiliin mong hindi magreply at magsolo diyan sa maliit mong space, huwag mo kaming sisihin kung malimutan ka na namin. #sorrynotsorry. Syempre, joke lang yun. Hang out soon pls!

Para kay Facebook
Uy pre kamusta? How are you feeling right now? Paki-pusuan naman ‘yung dp ko oh. Pa-share na rin hehe para ma-like ng libu-libo mong friends. Alam mo namang lodi kita pagdating sa dami ng likers. Oo nga pala, ang benta nung meme na tinag mo sa akin. HAHAHAHAHA. May tinag din ako sa’yo, tignan mo. Last na talaga, may ginawa akong bagong group. Mga petmalu ‘yung andun so mag-join ka na dali! Sigurado akong magiging famous ka doon.

Para kay Twitter
Hey bro! When will you update your thread, #hugotseries? It’s been like a week since you last updated it. I’m missing your feels na. Nako, you will lose your followers, baka magsisi ka. ‘Yung ratio mo will get ugly. Tsk. Btw, I’m at Starbucks Katip rn, baka you want to come and chill. Alam mo naman I’m so #stressedthesedays kaya I need to relax once in a while. Ooops, I gotta go, ma-t-tweet limit na.

Para kay Instagram
Outing-outing na lang inaatupag mo ah? Grabe, can’t be reached ka na talaga. Isama mo naman kami sa travels at escapades mo. Palagi ka na lang naka #solotraveler, mas masaya kaya kapag marami! Ikaw lang ba may afford mag-LA, HK at SG? Teach me how to take the perfect shots too. Inggit ako sa #feedgoals mo.

Para kay Gmail
Masaya ako para sa’yo. Mabuti at naka-move on ka na rin dun sa ex mo na hindi ka sineryoso, puro paglalaro at pakikipag-usap lang sa iba ang inatupag. Pero brad, medyo kasalanan mo rin eh, puro ka kasi business talks tapos may pa sincerely at yours truly ka pasa dulo. Huwag masyadong seryoso sa buhay. Sumama ka sa mga gala minsan at i-enjoy mo ang lyf, brad.'

Para kay Yahoo
Napag-iwanan ka na ng panahon at ng tropa. Ikaw na lang ang hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Wala ka bang balak umayos? Ang gusto ng mga tao ngayon ay ‘yung maaasahan at kayang maging responsable. Eh ikaw? Ang bagal-bagal mo pa rin at puro kalokohan at spam lang ang inaasikaso mo.