chapter 5,

Pusong Bato (Ikalimang Sagutan)

2/28/2014 08:02:00 PM Media Center 24 Comments

Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


-----



Peb. 11
8:37 n.u.

Mr. Manuel,

Magandang hapon sa pinakamabait at pinakagwapo kong kaibigan! (Hahahaha) May request sana ako… Kasi ganito..I admire this guy very much tapos… ‘di ba sabi mo dati pwede kong makasama kung sinong gusto ko sa Prom? Well hindi ko magagawa ‘yun kung hindi ako lalandi. Joke. I mean, ano… gusto kong mag-prompose kay Marco… sa rooftop... ng school! HEHEHEHEEHEHEHEHHEHEHE

And ‘yun, alam kong bawal sa rooftop pero imagine sunset tapos magkikita kami tapos OMG… ang romantic ‘di baaa. :) At ikaw, bilang matipuno, gwapo at napakatalino kong kaibigan, ang tutulong sa akin na magawa ang mga plano ko. May mga nagbabantay-bantay rin kasi ‘dun kaya medyo mahirap. Puwede mo bang magamit ang connections and powers mo bilang KA president para makalusot ako? Mabilis lang ‘yun promise, sa Valentines day. Huwag mo sana akong isumbong o ibuking, heto na ang panahon para maawaka ulit sakin pleaaaaaase? :) Payag ka ba? Payag na yaaaaaan.

Natalie

-----

Peb. 12
9:00 n.u.

Natalandie,

Napakagaling mo, ano? Naging kaibigan mo ako bigla! Akala ko ba ako ‘yung nakakainis na nagpapaka-Guidance Counselor na nagdidikta ng mga ginagawa mo? Aba, gumwapo akong bigla, tumalino akong bigla, porket may kailangan ka. Miss Natalie, hindi mo ako laruan na gagamit-gamitin mo lang para sumaya! Tumakbo ako sa posisyon ko para maglingkod at gabay ko ang mga patakaran dito. Sobra-sobra na iyang hinihingi mo, balak mo bang sulatan ako kada-buwan para humingi ng pabor?!

Ah basta! Bawal kang umakyat ng rooftop at lalong bawal mong maging ka-date si Marco!

Manuel

-----

Peb. 13
7:52 n.u.

Manuel,

Ang sungit! Naku naman, at bakit naman hadlang na hadlang ka na maka-date ko si Marco, aber? Nakakainis! Oo, magaling talaga ako, very very much! Panira ka talaga oh, ‘di bale, hindi naman kita kailangan para maka-date si Marco ‘no! Oo na, ang dami dami mo pang eksplenasyon na pinagsasabi na naman diyan. Kung ayaw mo akong tulungan, e ‘di wag! Keri ng ganda ko ‘to ‘no! Akala mo! Hindi ikaw ang sisira sa mga plano ko! May nakapigil na ba sa mga gusto ko? Basta itutuloy ko ‘to bukas. Bahala ka pero hindi ako mahuhuli, magiging romantic kami sa pagluboooog ng araw…

Natalie

-----


Peb. 14
4:34 n.h.

Natalie,

Nakita kita kanina.

Alam kong itutuloy mo ang mga balak mo kahit hindi kita tulungan, kaya naman nang matapos ang mga ginagawa ko, nag-abang na ako sa taas. Naabutan ko na lang ang pagbaba mo sa ladder ng rooftop. Huwag ka mag-alala, hindi naman kita isusumbong. Pero nagulat ako sa nakita ko. Umiiyak ka Natalie. Okay ka lang ba? Kakausapin sana kita pero baka wrong timing lang ako. Kaya naisipan kong sumulat ulit kasi hindi maalis ang pag-iyak mong iyon sa isipan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kurot din sa puso ko nang makita ko ang pag-iyak mo. Nag-aalala ako. Ano bang nangyari?

Manuel

-----
-----
-----

Peb. 19
11:31n.u

Natalie,

Limang araw na ang lumipas nang huli akong sumulat sa iyo at wala pa rin akong natatanggap na sagot. Kung alam mo lang ay nag-aalala na ako sa ‘yo. Kaya kung pagpapaumanhin mo ay nais ko sanang puntahan ka mamaya. Baka sakaling kausapin mo naman ako at ayun, bawal kang umangal. Gusto kong ikuwento mo lahat ng nangyari noon at kung anong magagawa ko para mapangiti ka kahit papaano. Hindi ko kayang nakikita kang malungkot, at ngayon, gusto ko lang mapasaya ka kahit papaano.

Manuel

P.S. Huwag lang hahaba hair mo, ginagawa ko to bilang mabuting KA…At bilang kaibigang hindi ka iiwan.

-----

Peb. 19
4:21n.h

Manuel,

Sa totoo lang Manuel, marami akong hindi nasabi sa’yo noong nag-usap tayo kanina. Unang-una, gusto kong magpasalamat sa concern at oras na ibinigay mo sa akin para makinig sa mga pagda-drama at kasawian ko. Shet lang kasi talaga ‘yung lalaking ‘yun eh…..ay wait, lalaki ba yung ganoon? Akala mo kung sino para i-reject ako. Tapos pagka-reject pa sa’kin nakita ko… ARTE NI KOYA, CHUMOOSY PA. Sarap tirisin ng pinong-pino. DUWAG. ANG DUWAG DUWAG NIYA! Sa sobrang gigil ko, nalukot ko na ‘tong papel na ‘to URGHHHHHHH.

Basta ayun. Thanks.

Nanggigigil,
Natalie

-----

Peb. 20
1:43n.h

Natalie,

Hindi naman ako mapapagod kailanman na makinig sa mga hinaing mo, eh.

Smile ka naman. :)

Will you go to prom with me?

Manuel


ITUTULOY.

You Might Also Like

24 comments:

  1. AHHHH! Manuel pls be mine. :">

    ReplyDelete
  2. Anong sagot ni Natalie?! More more MOOOOOOOORE! :D

    ReplyDelete
  3. Nako Nako Nako AHAHAHAHA NICE MC, TALAGA NGA NAMANG KAABANG-ABANG ANG SUSUNOD N A KABANATA :)))

    ReplyDelete
  4. MANUEL PLS OMG AAAAHHH <3

    ReplyDelete
  5. Dear Marco,


    Die pls.




    Thanks. <3

    ReplyDelete
  6. Dear Kathniel article,

    3 years ka na. Ibigay mo naman slot mo sa most popular sa chapter na to, please?

    Thanks. <3

    ReplyDelete
  7. Manuel Fan club reprezent!!! <3

    ReplyDelete
  8. NAKOOOOOOOOOOOO say YES PLS.

    ReplyDelete
  9. SHET NEXT CHAPTER PLS. SML FOR THIS CHAPTER! <3 MC 2 RAWKS.

    ReplyDelete
  10. Kung ganito lang ang pagpromposal ng mga tao siguro nag yes na lahat ng babae :)))

    ReplyDelete
  11. Natalandie just say yes alreadyyyyy! <3 :""""">

    ReplyDelete
  12. Mas kinilig ako dito kaysa sa nangyayari sa G2B =)))

    ReplyDelete
  13. No! ako na lang please!

    ReplyDelete
  14. Gawa tayo fb page ni manuel <3

    ReplyDelete
  15. G2B? kathniel? no. more like manuel <3

    ReplyDelete
  16. MAY NAKAPANSIN BANG IBA? 'YUNG TIME NG HULING SAGOT NI MANUEL! 1:43!! am i overthinking things.

    ReplyDelete
  17. Pusong bato > G2B

    ReplyDelete
  18. kahit ilang beses mong basahin KIKILIGIN KA PARINN. talunin na yang kathniel na yan

    ReplyDelete
  19. under war ang kathniel at pusong bato ahhhhhh. iba na reach nitong story na ito.

    ReplyDelete
  20. Real life Manuel pls. Ako naman sulatan mo Manuel, mag-aapply pa ko for a locker if you want. :"> hihi

    ReplyDelete
  21. manuel ako nalang! susunod ako sa lahat ng school rules and regulations <3 <3 <3 <3 <3

    ReplyDelete
  22. Nasan na chapter 6? I cannot wait hehe. :">

    ReplyDelete
  23. ILABAS NIYO NA PO YUNG CHAPTER 6! LIKE NOW NA PO!!

    ReplyDelete