chapter 4,

Pusong Bato (Ikaapat na Sagutan)

2/14/2014 08:05:00 PM Media Center 6 Comments

Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


-----



January 7
4:42 n.h.

Manuel!

Narinig mo ba ‘yung mga pumutok sa may PA? Grabe ‘no! Marami raw natakot. Akala nila sumabog yung oven. Nagtakbuhan pa nga ba ang mga estudyante? Grabe, malakas na rin yun kasi maraming nakarinig. At in fairness, nag-trending siya. 

Nadaanan mo na ba ‘yung PA Pavillion? May mga nasira agad! ‘Yung ceiling tiles laglag-laglag na, puro cracks na sa mga dingding.. Shucks naman, parang ang hina ng gusali natin. Alam naman nilang nasa ibabaw tayo ng Marikina Fault tapos ganito ang kalidad ng bago nating building… Tsk… tsk…

May iba ka pa bang balita tungkol sa nangyari kanina? Nakakatakot na kasi.

Natalie

-----

January 8
8:14 n.u.

Natalie,

Oo nga’t kakaiba talaga ang pagputok na iyon kahapon. Kahina-hinala nga rin na may nakapagpuslit ng kahinahinalang plastic bag sa loob ng paaralan na siyang dahilan ng kaguluhan at takot kahapon… Kasalukuyang nag-iimbestiga ang eskuwelahan ngayon tungkol sa pangyayaring iyan. Tunay na nakapagtataka ang mga pangyayari kaya wala pang kongklusyon ang lahat…

Pero ako meron. At kilala ko rin kung sino ang utak sa ganyang mga bagay.

Sa pagkakataong ito, Natalie, huwag ka nang magpaka-inosente pa. Nakita ko ang kababalaghan mo kahapon. Hindi oven ng PA Lab ang sumabog. Ang nangyari kahapon ay resulta ng pagkakaiwan ng plastic bag na may paputok sa may oven. Natural, nainitan, sumabog!

At ikaw, Natalie, ikaw! Alam kong may dala kang PAPUTOK dito sa eskuwelahan!

Natanaw kitang may dalang supot at pilit mo pa ngang itinatago ang plastic bag habang papunta sa baking class. (Lumusot ka na naman sa mga guwardiya natin!). Huwag kang magkamaling magkaila, dahil pareho ang deskripsyon ng mga nagkaklase at ni Ma’am Ruph sa plastic na naiwan doon. Pasalamat ka’t iniisip nilang ingredients sa baking class ang laman n’on. Alam mo bang malaking gulo ang idinulot mo? Natakot ang lahat, lalo na yung mga nagkaklase sa room. At sa gulat ng isang bata na nasa kabilang kuwarto, naihagis niya ang Frisbee at tumama sa mukha ng kaklase. Ayan, bawal na tuloy maglaro ng Frisbee.

Ano na naman bang pinaggagawa mo? Maswerte ka at ako lang ang nakakaalam sa totoong nangyari. Kapag nalaman ito ng admin, patay ka. Tiyak yun!

Manuel

-----


January 8
11:26 n.u.

Manuel,

HUWOW HA! Pwede, wait? Kalma! Ako na naman ba, ha? Hindi ka ba nagsasawa? All eyes on me? Bakit napaka-stalker mo! Porket ba may masamang nangyari, ako kaagad?! Grabe magbintang ha!

Pero...pero...peroooooo, ako talaga may kasalanan eh huhuhu. Shh…ka lang!! Please… please…please…please…please…please…please…pleeeeeaaaaaaaaaase… Hindi ko pa panahon ma-evict sa school. :(

Kasalanan ko ba kung feel na feel ko ang 2014? :( Quiet ka lang, wala na dapat ibang makakaalam. Let’s pretend na hindi ako ‘yun o kaya naman na mali sila at oven na pumutok yun. Okay? Okay! :D

NAGMAMAKAAWA,
Natalie
P.S. Talagang lulusot ako sa mga guwardiya! Nakita mo ba sistema nila? Upo, lingon dito, lingon doon. Hala sige pasok lahat. Baka feel din nila ang 2014?

-----

January 8
2:43 n.h.

Natalie,

Ano ba 'yang sinasabi mo? Napakastrikto ng mga guwardiya. Kahit nga si Kuya McDo hindi pinapapasok. Kailangan mo pang sunduin ang pina-deliver mo. Kunsabagay, makakalusot ka siguro talaga. Malay ba nilang may katulad mong nag-aaral dito. Gusto mo bang napapansin ka? Pinapansin naman kita lagi.

Iba ka na. Iba tililing mo sa utak, binibini.

Isa pa, Natalie, pagtatakpan na naman ba kita? Hindi naman iyon kasama sa trabaho ko bilang Pangulo ng KA! Sa katunayan nga ay dapat ilaglag na kita sa lahat ng mga pinaggagawa mo. Tigilan mo ako. Akala ko pa naman inaalala mo ko kaya ka sumulat. Kakausapin mo lang ako kung may kailangan ka eh. Baka naman panahon na para harapin mo ang mga kasalanan mo?

Manuel 

-----

January 9
7:29 n.u

Manuel,

Feel ko kasi talaga yung new year eh, ‘di ko napigilan na hindi mag-celebrate hanggang dito sa school. It’s a free country! YOLO!!!

Sige, okay, harapin ko parusa, alis na lang ako. Ano sa tingin mo, takot ako matanggal sa eskwelahan na to? N-O. Mas masaya nga eh, hindi na ako mag-aaral. Sapat naman na nalalaman ko. Hindi ko na kailangan ‘yang mga nakakainis na triangles, limits, at kung anu-ano pang dragon’s world na ‘yan. Sige lang magsumbong ka lang hangga’t gusto mo, kawalan mo naman ‘yan eh. Mami-miss mo locker ko.

NatalieP.S. Bakit, anong klaseng estudyante ba ako para sa’yo, aber? Ako, nagpapapansin? Excuse me… di ko kailangan n’on marami nang pumapansin sa akin.

-----

January 9
10:55 n.h.

Natalie,

Tigas mo rin e ‘no? Para kang bato. Pero hindi ko alam kung anong mahika inilalaglag mo sa akin at bigla-bigla na lang akong maaawa sa ‘yo. Ilang buwan na lang din kasi bago tayo grumaduate, ngayon pa kita bibigyan ng dahilan para ma-expel. Kaso nakakainis ka na e. Pero nakakaawa ka rin. Dapat pala hindi na kita sinulatan noon pa. Humihirap lang trabaho ko sa ‘yo.

Pasalamat ka at ako lang talaga nakakita sa‘yo. Ayon naman sa iba, inaakalala ng admin na ang mga oven at gas lang ang dahilan ng pagputok na iyon. Imbes na ikaw ang matanggal, si Ma’am Ruph pa ata ang masisibak sa puwesto. Maswerte ka na rin at walang CCTV ang school. Makakahinga ka na nang maluwag. Alam ko namang ayaw mong magkaproblema dahil malapit na ang Prom. May tsansa ka na ngayon na makasama kung sinoman ang gusto mong ka-date.

Manuel


ITUTULOY.

You Might Also Like

6 comments: