Showing posts with label Macy Miles. Show all posts

Literary: Party No More



Here I am again,
Offering my body,
Playing along with the sounds,
Every night with the crowd.

Having parties all night long,
One-night stands for so long, they keep
Playing with me like a toy, then I always
End up losing my dignity.

Hear this sound inside me,
Opposing me and wanting me to
Press the mute button to
End this all.

Here then comes a follower,
Opening my heart and
Placing me in the presence of our Almighty God who
Encourages me to go to my deserved path.

Hearing His voice
Overture me that He’ll
Protect me and
End these disco ball parties.

Literary (Submission): Sirena




Isang gabi, habang nagsasaya sa perya
Himig ng isang dalaga’y pumasok sa ’king tenga
Hindi man kita ganap na napagmasdan
Sigurado akong nais kitang mahagkan

Nang lumalim na ang gabi, lahat ay nagsiuwian
'Di ako mapakali at ika'y gustong puntahan
Pero paano? Hindi ko alam ang ‘yong pangalan
Ipinagdasal sa Diyos na aking matuklasan

Sa sumunod na gabi, ako'y nagpuntang muli
Sa lugar kung saan tinig mo'y wari humuhuni
Nang ako'y lumingon ay hindi ko maiwaksi
Ang aking puso'y tumibok nang matindi

Ikaw ay nakita at ako’y sumaya
Ngunit may pagkakaiba sa’yong itsura.
Paa mo ay nawawala
At ika’y wala rin sa lupa

Ang tinig mo'y totoong napakaganda
Na sa akin ay nakapagpapagana
Hindi lubos maisip na rito makikita
Tinataglay mong pambihirang ganda

Buong gabi ika'y pinagmasdan
Ang kagandahan mong pangkaragatan
Ang 'yong buhok na ubod ng ganda
Hanggang sa'yong buntot ako'y napamangha

Nang matapos ang iyong pagtatanghal, ako'y lumapit
Nabighani sa'yong mga matang napakarikit
Labis mo akong napapaibig sa iyong tinig
Pakiusap sirena, hangad kong pangalan mo'y masambit

Nang sumunod na gabi
Hinanap kitang muli
At agad kitang napansin sa sulok
Nakitang ika'y bumabaluktot

Ika’y agad nilapitan
Tinanong kung ayos ka lamang
Walang atubiling ika’y sumagot
Sinabing katawan mo’y kumikirot

Kirot na gawa ng amo mo
Dahil sa ayaw kang palayain nito
At makipaghalubilo sa mga tao
Kaya ika'y ikinulong sa isang kwarto

Matapos ang ating pag-uusap
Amo mo'y aking hinanap
Hangad kong siya'y makaharap
Alisin ka mula sa kaniyang pagpapahirap

Laking tuwa nang ika’y mahagkan
Naialis ka sa’yong kahirapan
Nangangakong ika’y di ko sasaktan
Ibibigay sa’yo, wagas na kaligayahan

Literary: Pag-ibig





Pag-ibig,
Pag-ibig na aking hinihiling.
Hiling na ika'y mapasaakin.
Mapasaakin at bigyang-pansin
Ang mga matang sa’yo lang nakatingin.

Nakatingin sa tala tuwing gabi,
Inaalala ang mga bawat sandali.
Sandaling hiniling kay Bathala,
Na sana makasama ka sa pagtanda.

Ngunit heto ako, takot na iyo ring iwan
Iwan ang alaala ng ating mga pinagsamahan.
Pinagsamahan na hindi ginustong kalimutan.
Tulad na lang ng aking mga nakaraan.

Sa bawat sandaling magmamahal,
Mundo ko’y bumabagal.
Bumabagal at biglang bibilis
Bibilis hanggang sa ika’y umalis.

Isang tao ang dumating
Upang puso ko’y muling buoin.
Binuo ngunit ito’y muling wawasakin.
Wawasakin ang pusong mahabagin.

Isang taong nakapagsabi,
Na gusto niyang manatili.
Manatili at di na magkunwari,
Upang tayo’y magmahalan muli.

Ngayo’y pinag-iisipan,
Kung ikaw ba’y pagbibigyan.
Pagbibigyan na tayo’y muling magmahalan,
Magmahalan at wala nang iwanan.

Ngunit umalis at muling naghanap ng iba,
Iba na sa kaniya'y mas lumigaya.
Ligaya na sa akin ay di mo nadama.
Dahil sa pader na nakaharang sa ating dalawa.

Nakababaliw mang isipin,
Na iba na ang iyong kapiling.
Kapiling sa bawat sandali,
Tanging yakap mo lang ang hiling.

Hiling na sana ay madama kong muli ang pag-ibig.
Pag-ibig na aking ipinangakong tatanggapin,
Na ikaw ay lumaya na sa akin
At sumaya na sa kaniyang piling.

Literary: Gabi ng Lagim





Pagmulat ng aking mga mata,
Lungkot ay napalitan ng saya.

Sa bawat pagsikat ng araw,
Mga sinag nito'y aking natatanaw.
Nanunumbalik ang sigla
'Pagkat bagong umaga'y parating na.

Umagang tanging bigay ay ligaya.
Ligayang sana'y wag nang mawala pa.

Kasiyaha’y ramdam kasama ang mga kaibigan,
Pawis ay tumutulo dulot ng takbuhan.
Hindi na iniinda ang sakit ng katawan
'Pagkat sa gabi'y may mangyayaring kababalaghan.

Pinagpapawisan at kinakabahan,
Pagpatak ng luha sa kobre-kama’y walang humpay.

Nagsusumamong pakawalan
Ngunit walang nakaririnig na sino man.
Kahit napaos na dahil sa paulit-ulit na pagsabihan,
Ako'y hindi tumitigil na lumaban.

Pagkagat ng dilim ay muling naalala
Mga pananamantala ng tagapag-alaga;
Sa murang edad ko’y bulaklak ay nawala
Nang walang tigil dahil sa pagnanasa.

Ayoko nang matapos ang pagsikat ng araw
Dahil ito ang oras na sa aki’y walang gagalaw.
Paningin sa sarili'y kalapating ibinubugaw
'Pagkat sarili kong bantay ang dahilan ng takot kong nag-uumapaw.