Showing posts with label gaudium. Show all posts

Literary: Langit at Lupa




Lupa

Napakasaya sa pakiramdam na ika’y makasama.

Sa tuwing may gagawin ka; may kailangan bilhin, asikasuhin, kitain, o kahit sa tuwing gusto mo lang kumain sa labas, madalas mo akong kasama. Busy kasi ako sa school at training, pero sinisiguro ko namang kapag may oras ako, nakakasama ako sa’yo. Hindi ka pa nakukuntento sa isang gawain lang, lagi kang maghahanap ng gagawin kapag nasa labas tayo. Kailangan kapag namili tayo, kakain tayo pagtapos, o kapag may inasikaso kang errands, pupunta rin tayo pagkatapos sa mall. Bibilhan mo ako ng mga gamit at bakas pa ang saya sa iyong mukha sa tuwing bumibili ka, kaya kahit hindi ko naman talaga iyon kailangan ay tinatanggap at ginagamit ko na rin, dahil ikaw ang nagbigay sa akin. Minsan nga, pinipilit mo pa akong sumama kahit busy ako, kaya kapag lumabas na tayo, nakasimangot lang ako, na tila ba napilitan lang at labag sa loob ang ginagawa. Kapag ganoon, bumabawi ka, sasabihing “Minsan lang naman ‘to” at yayayain akong kumain, kaya magiging okay rin tayo pagtapos. Mayroon namang mga araw na ikaw ang namimilit na sumama sa akin, tulad na lang ng enrollment sa paaralan. Gusto mo, kasama ka kapag nag-enroll ako. Nagtatampo ka pa nga kapag hindi kita sinama, kaya kahit inis na ako sa iyong pamimilit na sumama dahil kaya ko naman mag-enroll mag-isa, sinasama pa rin kita. Tulad ng nakasanayan, matapos ang ating gawain, yayayain mo akong kumain at mamili bago umuwi, kaya hindi na rin nagtatagal ang aking inis. Kahit may mga araw na ganito, hindi naman nagtatapos ang araw ng ating pagsasama nang hindi tayo masaya sa piling ng isa't-isa.

Palagi tayong ganito hanggang unti-unting nabawasan ang ating pagsasama.

Bukod sa naging busy ako lalo sa ensayo dahil nagsimula na ang aming kompetisyon, unti-unting lumala ang iyong mga karamdaman. Napadalas ang iyong hirap sa paghabol ng hininga dahil mabilis ka nang mapagod; pumapayat ka na dahil nawawalan ka ng ganang kumain nang marami; napapadalas ang iyong pag-ihi ngunit kahit madalas lang ay masakit naman ‘pag nangyayari; paminsan-minsan pa'y mayroon itong spotting, at napapadalas na rin ang pagsakit ng iyong balakang at tuhod. Hindi ko naman inakala na lalala nang ganiyan ang iyong mga karamdaman dahil naisip ko, normal na sigurong madali ka nang mapagod dahil lagi nga naman tayong lumalabas, tapos hindi ka naman ganoon kalakas kumain, at isa pa, tumatanda ka pa lalo. Nakakapagtaka dahil malusog ka naman dati at malakas ang pangangatawan. Regular kang umiinom ng vitamins, at nakakatulog naman sa tamang oras.

Noong mga panahong ‘to, hindi kita masyadong naalagaan dahil hindi ko alam kung paano kita isisingit sa iskedyul ko, kaya ang iyong pamangkin na lang ang nag-alaga sa’yo. Pangungumusta na lamang ang aking nagagawa at kung may oras na ako’y nagkukuwentuhan tayo hanggang sa makatulog ka. Noong una, okey lang ito sa akin, lalo na’t alam kong mabuti naman ang nag-aalaga sa’yo. Ngunit ‘di nagtagal ay na-guilty na rin akong hindi kita naaalagaan, kaya noong naging bakante na ang aking iskedyul ay nakapaglaan na ako ng oras para sa iyo. Natuwa ka naman na mayroon na akong oras para alagaan ka, kaso ang kulit mo rin talaga, 'no? Kaya nga ako naglaan ng oras para sa'yo dahil ikaw ang iintindihin ko, kaya dapat intindihin mo rin ang sarili mo. Ngunit imbes na sarili ang iniintindi mo, mas inuuna mo pa ako. Kadalasan nga, lalapit pa lang ako sa'yo para yakapin ka't kumustahin, tatanungin mo na agad ako kung paano ko pinalipas ang araw ko. Lagi kang ganoon; inuuna mo pa ang pag-intindi sa mga tao sa paligid mo, kahit na ikaw mismo’y nahihirapan na sa kalagayan mo. Nagpatuloy ang ganitong eksena; aalagaan kita pagtapos ng aking ginawa sa eskwelahan, magkukuwentuhan tayo at tatanungin mo kung paano ko pinalipas ang araw ko habang inaalagaan kita. Hindi nagtagal, nawalan ka na rin ng oras sa pag-iintindi sa mga tao sa paligid mo dahil mas kinailangan mo nang intindihin ang sarili mo, hanggang sa iyong huling paghinga.

Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi natin namalayan at walang nag-akalang sintomas na pala ng cancer ang iyong mga nararamdaman bago ka pumanaw. Iyong pananakit ng balakang, madalas na masakit na pag-ihi, senyales na pala 'yun. Malakas ka naman kasi para sa iyong edad, kaya sinong mag-aakalang ang mga sakit na iyon ay sintomas na pala ng malalang sakit? Sa totoo lang, hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang nangyari. Hindi pa rin nagsisink-in sa aking puso’t isipan na hindi na natin magagawa lahat ng ating nakasanayan. Hindi ko matanggap na wala ka na.

La, bakit ang bilis mong nawala?

Langit

Napakasaya sa pakiramdam na ika’y makasama.

Sa tuwing may kailangan akong bilhin, asikasuhin, o kahit ano man, madalas kang nasa tabi ko. Tinatanong kita kung ano ang ginagawa mo sa eskuwelahan at minsan, ang dami mong kuwento tungkol sa iyong mga guro, kaibigan, o kaya volleyball training. Naaalala ko ang kuwento mo tungkol sa kung gaano na kahirap ang paksa niyo sa math. May isang beses naman na nagkuwento ka tungkol sa mga kaibigan mo at kung ano ang plano niyo para sa prom. May mga panahon din na nagkukuwento ka tungkol sa iyong mga paghahanda dahil malapit na ang tinatawag niyong volleyball season. Oo, may mga araw rin na wala kang masyadong kinukuwento sa akin, ngunit ang katotohanan okey lang naman iyon. Masaya lang ako na kasama kita. Masaya ako basta alam ko na okey ka at masaya ka sa buhay mo.

Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya at nagpapasalamat sa mga sandaling pupunta tayo sa mall o lalabas lang para kumain o kahit sa mga panahong ako naman ang sumasama sa iyo. Ang dami na nga nating nagawa at kung hindi dahil sa iyo, hindi siguro magiging ganoon kasaya ang mga araw na iyon. Para sa akin, hindi mo kailangang ngumiti sa bawat sandali o dumaldal buong araw para lang sumaya ang pakiramdam ko. Basta kasama kita, kuntento na ako. Naaalala ko nga noong mas maliit ka, kapag hinahawakan mo ang kamay ko tuwing tumatawid tayo ng kalsada, kumpletong-kumpleto na ang araw ko. Mukha rin namang nag-e-enjoy ka. Tuwing tumitingin ka sa akin at ang laki ng ngiti mo o ‘di kaya’y maririnig ko ang iyong pasalamat lalo na kapag may binibili ako para sa iyo, lumuluwag ang pakiramdam ko dahil alam kong masaya ka rin.

Siyempre, hindi naman lahat ng sandali masaya. May mga panahong pinipilit kitang sumama kahit alam kong marami kang ginagawa. Minsan naman, gusto kong sumama sa kung saan ka man pupunta pero ayaw mo kagaya ng mga araw na kailangan mong mag-eenroll sa paaralan. Ang cute mo nga kapag nakasimangot ka minsan. Kamukhang-kamukha mo talaga mga magulang mo. Pagpasensiyahan mo na ako at hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Mas masaya ang mga bagay-bagay kapag kasama kita. Kaya niyayaya na lang kita na kumain para hindi ka na magalit sa akin, nagbabakasakaling bumalik ulit ang ngiti mo, at kapag bumalik na, bumabalik din ang saya ng araw na iyon.

Palagi tayong ganito hanggang unti-unting nabawasan ang ating pagsasama.

Kahit gusto ko, alam kong hindi ako aabot sa pagtanda mo-- sa pag-graduate mo, kapag nagpakasal ka man, kapag may sarili ka nang pamilya. Unti-unti na akong nagkakasakit at unti-unting dumami ang ginagawa mo. Ayoko nang paalahanin sa iyo ang sakit na pinagdaanan nating dalawa. Alam kong nagi-guilty ka na hindi na tayo lumalabas kagaya ng dati pero gusto kong tandaan mo na hindi natin kailangan lumabas para maging masaya. Masayang-masaya pa rin ako kapag kinukuwentuhan mo lang ako habang nakahiga ako sa kama. Nagpapasalamat ako sa mga oras na inilaan mo para lang alagaan ako kahit busy ka, pero alam ko ring marami ka talagang ginagawa. Ako nga yung nagi-guilty na kailangan mo pa akong alagaan e. Ayaw kong dumagdag pa sa mga responsibilidad mo. Tumatanda ka na. Alam ko iyon. Ayaw kong pahirapan ka pa lalo. Ngunit hindi ko na rin kaya. Susulitin ko na lang ang mga panahong nandito pa ako kasama ka. Sana patawarin mo ako.

Kung ako’y tatanungin, isa sa mga biyaya na binigay sa akin ng Diyos ay ang makita kang tumanda, mula sa isang nakakagigil na sanggol, isang masiyahing bata, at ngayon, isang napakaganda at matatag na dalaga. Ang laki ng pasalamat ko sa mga oras na ginugol natin kasama ang isa’t isa. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang mga sadaling iyon para sa kahit anong bagay sa mundo.

Kahit wala na ako, panalangin ko na maging masaya ka. Pasensya na kung para sa iyo nawala ako kaagad. Alam kong handa ka nang ipagpatuloy ang buhay mo kahit wala na ako. Tandaan mo lang na ngumiti at higit sa lahat, sana tandaan mo na palaging may nagmamahal sa iyo.

Salamat sa mga alaala. Apo, mahal na mahal kita.

Literary (Submission): The Woman in the Bell




I’m the woman inside the bell
I hear it ring, I feel like hell
The sounds, they echo in my ears
Another ring is my big fear

I can not leave these walls of gold
I’m chained in here, if truth be told
The walls they rattle, ding, and shake
Another bang, my mind will break

I’m trapped inside my enemy
Trapped in a bell designed by me
I pound and wallop, stomp and kick
But it fights back so very quick

It bangs, and rings, and hurts my ears
I scream and shout and cry out tears
Please help the woman trapped in here
But danger comes if you are near

‘Cause others tried to pull me out
Not knowing what it’s all about
It’s huge and wide and hefty too
It’s a big bell, what can you do?

You’re also filled with blaring sounds
Like endless barking from dark hounds
I’ll tell you this, but don’t you groan
You’re in a bell, all on your own

Literary (Submission): Pretty Mirror




We looked in the mirror
My mother said I looked pretty
With my smile so wide
And fake
And my cheeks so red
From crying

I looked in the mirror
To see if it’s true
But it seems as though
Every time I look at it
I see nothing
I’m not there

Where did I go?
Do I exist?
Am I here?
Can you see me?
Am I real?

If mirrors show truths
Then I’m not it
If I’m here
Wouldn’t I feel it?
If only I can feel me
If only I am here.

My mother smiled and said I looked pretty.

Literary: Cloud Nine




In soft gentle clouds and angels' chorus
I dwell right beneath the stars in the sky
With sweet windy whispers and soft beaming light
I dance among the feathers without fear of heights
For the height scares not my innermost instincts
But the freedom and new sensations I feel
Instead of sweet butterflies flying inside me
I’m the one fluttering and gliding through air

With worlds painted honey and caramel too
I gaze at the moon and the sun intertwined
Lighter than air, I stroll with the wind
Calmly, I fly with caution and care

Wrapped in the soft embrace of clouds and sunlight
Lullabies sung by heralds and stars
Moon gazing into my ecstatic, curious eyes
Birds flying freely in heavenly light

Right between night time, and glittering sunshine
I wander throughout the strange skies of this world
Above stable grounds, a joy I never knew
Knowing I'm here on cloud nine with you

Literary (Submission): Breaking Up: A Simple Shakesperian Sonnet




To see, to smile right now is my despair
for I cannot go live another day;
Without your wonder gaze which will repair
The torture that does stress the eyes at bay
For in thine heart of cries that come to pass
there lie the tears of broken people's past
for in your voice thee speaks out to the mass;
In honey sweet and love, thine flavors last.
I shall compare thee to the cold cool night,
though it does not in truth tell how I feel
for words they limit yet they feel so right
your cold but tender touch it feels so real.
In life of tragic seconds, thee I see
in ill contempt, forgo me at your knees

Literary (Submission): Active 1 Hour Ago





ACTIVE 1 HOUR AGO 


9:08 PM




Psst.

May nagawa ka na bang reqs?

Ako kasi wala pa HAHAHAHA.

Gara, ang hirap kasi mag-isip ng topic para sa MCSagutan.

Actually nahihirapan ako gumawa ng kahit anong lit.

Hello?

Ay joke, baka tulog ka na.

Sige di na muna kita iistorbohin.




9:21 PM



WALA AKONG MAISIP NA TOPIC

Actually meron, pero kailangan makapal mukha ko para gawin ko talaga HAHA

Gising ka naaaaaa?

Kailangan mo pa gumawa ng reeqqqsss.




9:35 PM



May plano talaga ako para sa topic ko pero hindi ko alam kung papayag ka.

Actually medyo nakakahiya rin siya para sa ’yo haha.

So… sana gumising ka na ngayon para masabi ko…




9:53 PM



Uyyyyy.

Gising ka naaaaaaa.


10:49 PM

Okay, feeling ko hindi na aabot ‘yung topic na ito para sa lit, so mag-iiba na lang ako ng topic.

Pero kahit di ko na isa-submit, may gusto pa rin akong tanungin sa ’yo.

Halatang hindi ito promposal kasi naunahan mo na ako haha.

Nakakagulat nga eh, babae nag-ask sa lalaki.

Pero ang gusto kong tanungin mas personal… Mas importante sa prom.

Mmmm

Di ko alam kung paano ko sasabihin haha.

Sige, ito na.

Medyo matagal ko nang gusto tanungin sa ’yo pero nahihiya lang talaga ako.

Halos lahat ng mga panahon na naiisip ko ‘yung tanong na ‘to, naiisip ko na baka makasira pa ito sa pagkakaibigan natin.

Ayoko sana maging awkward sa ating dalawa, kaya di ko na tinanong ‘yun.

Tapos bigla kang nag-prompose sa ’kin.

Nagulat talaga ako at sobrang nasiyahan.

Naisip ko na gumawa rin ng promposal para sa ’yo, pero naisip ko okay na rin ‘yung ikaw ‘yung nag-prompose.

Dahil dito, naisip ko na baka may chance pala ako sa ’yo.

Naisip ko rin na baka mas okay through chat kaysa through lit, kasi baka mapahiya lang ako sa klase kung through lit.

Pero kung puwede, gusto ko sana harapan tayo.

Kung puwede, gusto ko sana special ‘yung moment na tanungin ko ito sa ’yo.

Hindi ko alam kung bakit dito at ngayon ko tatanungin, pero dahil nasimulan ko na, tatapusin ko siya.

Sige ito na.

Ito ay magiging kauna-unahang beses na sasabihin ko ito sa kahit sino.

At plano ko ring gawing huling beses.

Ehem ehem.

Will…

Will you be my girlfriend?




ACTIVE 1 HOUR AGO 

11:56 PM

Bakit?

Ay wait, ang bagal ng internet.
Gawin ko muna ‘yung frog stuff sa Science habang naghihintay na masend

Bye~


12:03 AM

mmm, late sendddd

Also, slr. Ang bagal kasi ng internet, also yeah

nakatulog ako

hahaha

Wait, ang dami mong sinend. Scroll up muna ako.


12:10 AM

Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

WHAT

Jhkjcgjhejhvcjhbejhbcjhebjhcbjcckjenkj

Hoyyyy, gumising ka!!!

Ang daya moooo
Hoy!!!

Sirena missed a call from you


12:08 AM

Call Again

Hoooy, nasaan ka na???

mmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

Wait lang. Mag-iisip ako...


2:34 AM

Hi

Wala lang
Hindi ako makatulog... At hindi ka pa online...
Iniisip pa rin kita at hindi na ako makahintay
Honestly, parang ang bilis ng lahat
I mean, sa lahat ng nangyari, takot pa rin talaga ako sa
mga bagay
hindi ko alam

Ang weird ng buhay
Mas gusto ko sana kung sa totoong buhay tayo nag-uusap.
Mas gusto ko sana kung pUwede lang tayo magkasama kahit
sa school

Pero alam mo naman kung bakit hindi.

Alam mo ‘yung takot natin sa ibang tao, alam mo ang
takot ko sa sarili ko, at alam mo rin kung gaano
tayo kabilis
Nagprompose nga ako sa 'yo, pero sino’ng may alam?
Special sa akin kung anong meron tayo. Importante
sa akin pagsasama natin, ang mga kuwentuhan, iyakan
tawanan, at lalong-lalo na…
Ikaw ay importante sa akin.
Ayokong isipin kung ano’ng mangyayari sa 'yo at
ang sasabihin ng iba
Siguro sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon, walang
duda

Mag-ooo ako
Pero ngayon, may isa lang akong hiling...
...Hintayin mo ako
Sabi mo, ngayon ‘yung kauna-unahang beses na sasabihin
mo 'yun sa kahit sino at plano mo ring gawing huling
beses.

Pero kung puwede, 'wag sana ito ang huli mo
Kung puwede tanungin mo ulit ako 'pag handa na ako
Kung puwede, sana nandito ka sa tabi ko hanggang
dumating ang panahon na iyon
Kasi........

hahaha

Sabihin ko na lang sa totoong buhay.
May mga nagbabasa ng messages natin, eh.