Showing posts with label MCnasagot. Show all posts

Literary (Submission): Anong meron?




Bakit ba nila ako iniiwasan?

Buong araw ko nang napapansin ‘yung kilos ng mga kaibigan ko. Pagdating ko pa lang sa PA, ‘yung first class namin, nakita ko na si James, ang best friend ko. Kasama niya ‘yung mga kabarkada ko sa sulok ng classroom. May secret yata silang pinag-uusapan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sinisilip-silip lang nila ‘ko e, kaya nilapitan ko sila.

“Anong meron?”

“De wala!” patawa niyang sinabi sa’kin nang tapikin niya ‘ko sa dibdib. “Basta!”

Kumunot ang noo ko, pero nagsitawanan at naghampasan lang sa balikat ang mga kaibigan ko. Nagkamot ako ng ulo at tinanong ulit sila. “Ano ba kasi ‘yun?”

“Basta nga! Ang kulet nito o.”

“Ok.” Naglakad ako palayo sa kanila at umupo sa desk ko na nagtatampo. Nakita ko na lang sila na nagbubulungan, humahagikhik, at tumitingin sa akin. Mas lalo tuloy lumalim ang pagtataka ko. Paano kung may nangyaring ‘di maganda tapos may kinalaman ako dun? May katawa-tawa ba sa’kin? S’an ba talaga nanggagaling ‘yung pagbubulungan nila? ‘Di ko ma-piece together, clueless ako!

Dumating ang lunch break pero ganun pa rin sila. Pinaghahampas ako ni James ng isang rolyo ng blue na cartolina para paalisin ako sa bilog ng barkada namin sa sahig ng 3rd floor hallway.

“Aray! Bakit ba? ‘Di ba pwedeng kumain dito?”

“Bawal talaga, Par,” umiiling na sabi ni James. “Sumunod ka na lang kasi.”

“Bakit nga, sabihin niyo na kasi! ‘Di ako aalis dito hangga’t ‘di niyo pa sinasabi sa’kin.”

Nagtinginan lang na nakasimangot ang mga kaibigan ko. Nagkibit-balikat si James at nagsitayuan sila. Nanlamig ang pakiramdam ko at nangirot ang dibdib ko. Ni kailanman nila ‘kong hinayaan lang nang ganito. Sinundan ko sila sa room 132, pero pinagsaraduhan nila ako ng pinto at nagkulong sila sa loob.

“Hoy! Ano ba!” Kinatok ko nang malakas ang pinto.

Binuksan ni James nang kaunti ang pinto para makasilip sa labas. “Ang kulit mo talaga, Daniel. ‘Wag mo nga kasi kaming guluhin!”

Pinagsaraduhan ako ulit ni James. Sumilip ako sa salamin ng pinto pero tinakpan niya ito ng itim na colored paper. Nakakabastos! Napasigaw tuloy ako sa manggas ng summer uniform ko at napasipa sa basurahan ng hallway. Iniwan lang ako sa labas na nagdadagbog at walang alam ng mga kaibigan ko... kung mga kaibigan ko talaga sila.

Ang akala ko’y kaya nila akong pagkatiwalaan sa mga usapin namin, pero mukhang hindi pala. Kung may problema sila sa’kin, pwede naman nila akong harapin nang maayos. Hindi ‘yung ganitong nangangapa lang ako sa kanila. Hindi naman ganoon kahirap gawin ‘yon diba? Hindi nila naiisip ‘tong pag-aalala ko!

Lumipas ang mga natitirang klase at ‘di pa rin sila nagbabago. Mas lalo pa nga yatang lumala e. Kapag napapadaan ako sa harapan nila, umiirap ako. Pero kahit ganun ang gawin ko, parang invisible na lang din ako sa kanila. Sila-sila na lang ang mga nag-uusap at nagkakatuwaan. Ang layo sa pagsasama namin kahapon. Gulong-gulo na talaga ako.

3:30 PM na at dismissal na namin. Haharapin ko na dapat ‘yung mga kabarkada ko e, pero ‘di ko alam kung saan sila pumunta nung mga oras na ‘yun. Mukhang ‘di pa rin nila ako pinapansin.

Gusto ko na kasi sanang makipag-ayos sa kanila. Na-realize kong naging makasarili rin ako kanina nung lunch. Baka dahil sa ganung attitude ko kaya sila umiiwas sa’kin. Ewan ko ba. Responsibilidad ko naman din kasi talagang makipag-usap nang maayos sa mga kaibigan ko. Kailangan kong makipag-ayos sa kanila.

Anyway, baka dahil sa pagtulog ko sa klase namin sa Physics kaya ‘di ko alam kung saan sila tumakas. Ang sama tuloy ng tingin ng ST namin sa’kin nung nag-gogoodbye and thank you na kami. Gayunpaman, lumabas na lang ako sa may ramp. Nakita ko sa may guard house ‘yung mga kabarkada ko, at nakita rin nila ko sa pwesto ko. May kinukuha ata silang gamit galing sa labas. Naisip kong puntahan sila ro’n.

Habang naglalakad, iniisip ko na kung anong sasabihin ko kina James, kung paano ako hihingi ng tawad sa kanila. Pagpunta ko sa guard house, wala na pala sila ro’n. Nanlaki ang mga mata ko at nalungkot. Hanggang ngayon ba naman, ganito pa rin? Tatalikod na sana ako, pero bigla akong tinawag ni kuya guard.

“Ikaw ba si Daniel?” tanong niya sa’kin paglapit ko.

“Opo.”

“Sabi kasi nung mga kaibigan mo, bigay ko raw ‘to sa’yo pagpunta mo rito.” Iniabot niya sa’kin ang isang wamport na papel, nakatiklop sa kalahati. Kumunot na naman ang noo ko at binuklat ang papel. Isang note palang galing kay James.

“Sorry, Par, kanina ka pa namin iniiwasan. Hindi mo kasi talaga pwedeng malaman kaagad e. Alam mo namang mga kaibigan mo kami, kaya magtiwala ka naman sa amin kahit konti. Anyway, punta ka sa Room 111, nandun kami. Pag-usapan natin, ok?”

Napatulala ako nang ilang saglit bago ko ibulsa ‘yung papel sa slacks ko.

“Salamat kuya!” Nag-thumbs up ako kay kuya guard at nag-sprint papunta sa acad building. Parang TNF player ako sa bilis ng pagtakbo ko, walang pang hingal-hingal. Nakarating ako sa pintuan ng Room 111 at pumasok sa loob. Sabik na sabik na ‘kong makipag-ayos sa barkada ko.

Ang bumungad sa’kin sa loob ng classroom ay mga gupit-gupit na colored paper na parang mga makeshift confetti. Nakalat din sa sahig at sa buong paligid ang mga maliliit at makukulay na lobo. Nakaayos ang mahahabang table ng room na magkakadikit. Nakapatong dito ang mga box ng pizza, paper cups, paper plates, at softdrinks. Nakapaskil din sa pader gamit ang masking tape ang blue na cartolina. Nakasulat nang malaki sa gitna ang pangalan kong “Daniel” at may maliliit na talatang nakapalibot dito.

“Surprise!” sabi ng mga kaibigan ko.

“Sorry ulit, Daniel,” natatawang sabi ni James.

Napatulala ulit ako at bumagal ang mundo ko. Sa wakas, nabuo ko na rin ang mga nangyayari simula kanina hanggang sa mga nakikita ko ngayon. Bakit hindi ko kaagad napansin? Ako ata talaga ‘tong kailangang umintindi sa mga kaibigan ko. Bahala na si Batman!

Bigla akong napatawa habang nangingiyak-ngiyak. Tiningnan ko nang mabuti ang bawat isa sa barkada ko at nginitian sila.

“Ang aga pa guys,” sabi kong tumatawa. “Maling date talaga ‘yung nilagay ko sa Facebook... pero thank you.”

Literary (Submission): 5WH (from Wife to Husband)




Who are you when I’m not around?
What are you up to from dusk ‘til dawn?
Where are you when you’re nowhere to be found?
When are you going to stop from being gone?
Why can’t we just reach a common ground?
How can we fix this for our little son?

Literary (Submission): Caffeine




Ang init-init. Kagigising mo lang mula sa isang mahimbing na pagtulog. Buong araw ka na sanang ganito pero hindi na kinaya ng katawan mo. Napakatindi na ng temperatura, mga 40°C. Tulo nang tulo ang pawis mo mula ulo hanggang likod. Kahit ang kili-kili at tiyan mo ay basang-basa rin. Nangangati na ang iyong anit. Namimintig na rin ang ulo mo sa pahamak na migraine. Itatanong mo sa sarili kung paano nga ba umabot sa ganito ang panahon.

Kailangan mong humanap ng paraan upang kayanin ang tindi ng init. Sasagi sa isip mo: ano pa bang mas magandang solusyon dito, kundi ang isang malamig at masarap na inumin?

Pumunta ka sa pridyider ng inyong bahay. Dito bubungad sa ‘yo ang isang simoy na kay sarap at ginhawa sa pakiramdam. Bagamat presko sa balat ang hanging dadampi sa iyo, kailangang isara kaagad ang pridyider para hindi sayang sa kuryente. Bago isara, kuhain mo muna ang pitsel ng iced tea mula sa loob.

Maputi’t makintab ang ceramic na lalagyan. Mararamdaman din ang malamig na pamamasa sa labas nito dahil sa halumigmig. Kay sarap talaga. Kumuha ka ng baso at isalin ang mamula-mulang kayumanggi na likido dito. Ibang klaseng saya’t kilig ang daranasin mo sa tunog ng pagpatak. Tunggain mo ang iced tea.

Mabilis na kakagat sa gilagid at dila mo ang manamis-namis na lasa ng mansanas. Sisipa sa ulirat mo ang sayang mahirap ipaliwanag. Gagaan ang iyong loob at luluwag ang paghinga mo. Pipikit ka.

Ilang saglit lang at biglang manunuyo muli ang bibig at lalamunan mo. Mauuhaw ka ulit kaya magsasalin ka’t tutungga na naman ng iced tea. Mararamdaman mo ulit ang saya kanina pero mawawala na naman. Mahuhumaling ka kaya’t paulit-ulit mo itong gagawin hanggang sa maubos ang timpladong inumin. Hahapdi ang iyong mga mata at lalabo ang iyong paningin. Tutulo ang iyong mga luha.

“Bakit ba ganito?”

Literary (Submission): Zonrox




Araw-araw ginagamit ako
Kamisetang laspag, gulagulanit
Gamit na gamit, ayaw mo na
Masisira lang ako

Ang tela ko’y matibay
Hindi kailanman nasisira
Sinungaling ang nagbenta sa’yo
Nandito pa rin ako

Bawat patak ng pawis
Dugong lumalabas
Tulo ng luhang dumaloy
Nadudumihan, pero kaya pa

Kailan mo ako lalabhan?
Tulo na naman ang luha dahil sa dumi
Ayaw mo na akong makita
Gagamitin mo pa rin

Kay puti ko noon, kay puti ko ngayon
Hanggang kailan ang kaputian kong ito?

Literary (Submission): Chat




Anong nangyari sa atin? Masaya naman tayo diba?
9:30 PM

Hindi, hindi na tayo masaya. Pwedeng ikaw, oo, ako, hindi.
9:45 PM

Ano ba kasing nangyari? Magtatatlong taon na tayo o. Ngayon ka pa ba susuko?
9:46 PM

Matagal naman na akong sumuko. Ikaw na lang ang lumalaban.
10:15 PM

Ganun na lang? Mawawala na lang tayo bigla? Ang dami kong tanong sa’yo.
10:16 PM

Itanong mo na ngayon, dahil bukas, wala nang tayo.
10:30 PM

Bakit?
10:31 PM

Kasi ayoko na. Tama na. Tapos na.
10:43 PM

Bakit nga?
10:44 PM

Wala na akong oras sa’yo, hindi na tayo tulad ng dati kasi pagod na ako.
11:00 PM

Pagod ka lang naman pala e, magpahinga muna tayo.
11:01 PM

Hindi mo ba naiintindihan? Hindi gagana ang one-sided na relasyon.
11:05

Kapag ba naghintay ako, babalik ka pa?
11:05 PM

‘Wag ka na maghintay, hindi na ako babalik.
11:11 PM

Literary (Submission): Enjoying My Solitude




Why do I enjoy my solitude?
I want to stay away from people–
Invading my precious privacy
Demanding me to notice them
Forcing me to please everyone
How exhausting it is!
To belong with the noisy crowd
And be pushed by others

Why do I enjoy my solitude?
I want to spend some time for myself–
Restoring my enervated energy
Listening to peaceful classical music
Taking a break from social media
How relieving it is!
To recharge the drained batteries
And spend the whole day alone

Why do I enjoy my solitude?
I want to reflect upon my thoughts–
Pondering over my self-beliefs
Assessing my strengths and weaknesses
Setting my plans for the future
How empowering it is!
To have some time for self-talk
And become the master of my dear life

Indeed.
Staying away from people
Spending time for myself
Reflecting upon my thoughts
I enjoy my solitude.

Literary (Submission): A Poem Cannot Be Read The Same Way Twice




To write a poem is a landscape of the past and
the future at the same time. Yet it is nothing
but a mere poem even now, is it not? As if
we are left with nothing but our capacity
to think, to feel, to love in experiences where
we are the only ones who can. Experiences
in which we are the only ones who understand,
that in questioning the context we have and the
language we use, we get to see a different world.
Even if we are bound to the limits of our
own minds and forms, and our memories, we still see
this. This poem. And without a doubt we feel at home.

Literary (Submission): Pretty Mirror




We looked in the mirror
My mother said I looked pretty
With my smile so wide
And fake
And my cheeks so red
From crying

I looked in the mirror
To see if it’s true
But it seems as though
Every time I look at it
I see nothing
I’m not there

Where did I go?
Do I exist?
Am I here?
Can you see me?
Am I real?

If mirrors show truths
Then I’m not it
If I’m here
Wouldn’t I feel it?
If only I can feel me
If only I am here.

My mother smiled and said I looked pretty.

Literary (Submission): A Letter to Who I Hold Dear




I sit atop my cotton candy throne
High above the clouds and the bumblebees
Wondering, cupcakes or chocolates?
A madness spreading over me

Take me gladly
I won’t utter a plea
But dearest,
Would you take me at all?

If you knew that in reality
That I am quite mad
Darling, don’t you know?
I’ve a penchant for poems and coquetry

Take me gladly
I won’t utter a plea
But dearest,
Would you take me at all?

Even when my ears are filled with cotton
My heart, a rosebush wrapped in thorns
Sweetheart, would you hold these shaky hands?
Add to that my mind always high above the clouds

Take me gladly
I won’t utter a plea
But dearest,
Would you take me at all?

I promise I won't bite
And if you ask around, you'll find I can be quite nice
But honey would you take the leap?
If you would, my love, tell me please

For if you take me gladly
And you nor I utter a plea
Then dearest,
We can take it all

Literary (Submission): Sharing This Room





The room turned bright when she said, "You missed me little boy, didn't you?"

She raised me up and up above her head then held me close to her chest and shoulders. I didn't think that anything could make this room any brighter until she said, “I have a surprise for you.”

“What is it? What is it?” I asked, but of course all she heard were my giddy “arfs” and “woofs.”

I sniffed her bag. Nope, not my favorite treat. I sniffed again. Nope, it does not smell like a brand new toy.

On the third sniff, I gave up and barked at her. “Okay, okay. Calm down,” she said as she put me down. She unzipped her big, big bag to let out a small, small surprise.

What is it? It looks like a ball of fluff--a toy afterall!

...But it seems a bit different compared to the ball she gave me on my last--what did she call it?-- bow-day? bird-day? birthday? Yes! I think that's right.

She put it down next to me and I noticed that it is quite odd with those two shiny beads embedded on it. I ambled towards it to take a closer look. Wah! It moved! Am I seeing things right?

And a one, two, three--it does move!

I stared at it and it let out a little “woof.” It looks just like me!

“Are you glad to have a new friend?” she asked.

Literary (Submission): Tell Me




13/4/2019

Mi querido amiguito,

¿Cómo estás? I have neither seen nor talked to you for almost four years. To be honest, I thought you already forgot me as your mejor amigo.

It is such an agony, considering that we have shared a lot of memories since grade school. Not to mention, we would pluck some herbs from the lush arbustos of Alhambra Park. Then we would talk about the secrets of your favorite Latin restaurants in Los Ángeles. When we get home, we would cook our favorite achiote-filled tamales. And most of all, we would indulge in them.

Through those eight years, we have built our friendship. We are like that sticky piece of tamale, I would tell myself every now and then. I would imagine our bond with each other is indestructible. Time, distance, and other people might do everything to pull us apart, but we would remain close to each other. Remember the promise we had before graduation? We pledged we would be juntos amigos, ¡para siempre!

The time zone acá might be different from yours. Manila and Los Ángeles might be miles away from each other. We might have made new friends now that we study in different schools. Pero I swear, I did everything whatever I could so that we could still keep the friendship.

I would contact you via Facetime and Messenger hartas veces, but you would not respond. I would tag you in the posts I share in Facebook, but you would neither comment nor like them. You would insist before that I go back to Los Ángeles, pero cuando I requested you to go here every verano, you would refuse to. At this rate, we might not be able to rekindle our so-called “tamale moments” anymore.

I have a lot of questions in my mind right now. But I am afraid to ask all because I might be tactless in doing so, and we might eventually cut off the friendship. Solamente una pregunta. Dime. Tell me why you would not want to talk to me.

Is it because you’re demasiado ocupado in your projects as vice president of Alhambra High School? Is it because of your hectic schedule in worship service? Or is it because you decided to make your tamales with someone else?

Te lo pido. ¡Porfa! Tell me, would you still want to be my friend?

*This is part of the 'Confide in Me' Series: https://upismc.blogspot.com/2019/04/literary-confide-in-me.html

Literary (Submission): Lupa and Princess




Lupa is starving
Meat is her craving
She stalks prey on the roads and fields
Large fangs and claws she wields

Is Lupa bound to the ways of a primal beast?

Princess is starving
Dried pellets are her craving
She awaits her master’s return
Obedience to her master is her only concern

Is Princess a slave to her master’s feast?

Lupa leads her pack
Coordinating their attack
Using generations of evolutionary instinct
Her primal will survives those now extinct

Is Lupa strong for clinging to the past?

Princess dons a pink skirt and dances
On a long log she balances
Learning new tricks everyday
Training with master the whole day

Is Princess smart for having knowledge so vast?

Lupa and Princess both have needs
That they achieve through their own deeds
In their own way, they are strong
To them, what they do is not wrong

Is Lupa bound to the ways of a primal beast?
Is Princess a slave to her master’s feast?
These bonds do not place them among the least

Is Lupa strong for clinging to the past?
Is Princess smart for having knowledge so vast?
Looking back and forward does not place them among the last

Literary (Submission): Is It You?




Once upon a dream,
I heard the gentle melody of a dearest tune
As the sunlight filtered through above me
I lay upon the cotton sheet
And the lull of notes do put me to sleep

Because of a dream,
It was quite right
After all, it had to be
If not they, then who could it be?
You, The One, who'd play the piano for me

But it was not a dream,
The unsteady clunking of nervous keys
As the cloudy night sky twinkled idle by
You invited me upon the creaky seat
And together we deciphered the tune

Are you not a dream?
It wasn't quite right
In the end, did I care for it to be
If not they, then who could it be?
You, The One, who'd play the piano for me

Literary: Musikero




Ang tugtog ng puso ko
Naririning mo ba ito
Para akong musikero
Na nagtatanghal sa entablado

Binibigay ko ang lahat sa aking palabas
Kung saan tinutugtog ko ay piano
Ang iyong paborito
Pero ang iyong kilay ay tumataas

Tayo’y lalong nagkakakilala sa bawat araw na lumilipas
Pero parang ang lakbay nati’y walang wakas
Dahil ako’y walang pupuntahang landas
Hindi masisigurong magiging maganda ang bukas

Dating kaibigan ng kaibigan lang kita
Dahil hindi pa talaga tayo magkakilala
Pero ngayong magkaklase na
Pasimpleng umaasa sa pag-uusap nating dalawa

Para akong nagbabasa ng bagong nota
Hindi ko alam kung paano ito mapapaganda
Dahil hindi pa kita ganoong kakilala
Parang bagong bili na nota

Sapagkat ako’y iyong napapasaya
Sa ating munting pagkikita
Sa paaralan o sa group work makita
Dahil sa personalidad mong kakaiba

Ako’y nahulog sa’yo, o aking diyosa
Kahit ikaw man ay kakaiba
Mamahalin kita taos-pusong nawa
Pero may hinihintay ang munting makata

Kapag sinabi ko ba sa’yo ito ay pag-iisipan mo pa ba ako
O magiging estranghero na ako sa mata mo
Dahil sa onting oras na nakilala kita
Kakaiba ka talaga, o aking diyosa

Kaya tinatanong ko ang aking sarili
Aaminin ko ba ang pagmamahal ko sa’yo
O itatago ko na ito mula sa mata mo
Dahil ayokong mawala ang kaibigan ko

Ang relasyon natin ay tulad ng isang piano
Kapag napatid ang isang teklado
Mawawala ang tunog nito
At ikaw ang tunog sa aking puso

O diyosa na aking nakita sa mundong ito
Sasagutin mo ba ang tanong ko
Kung mamahalin mo rin ba ako
Dahil ikaw ang kumukumpleto sa musika ko

Literary: Burnt




Here I stand in the grasp of the light
It pierces my eyes as it glows so bright
This fire “definitely” burns what’s true
Then it attacks when it’s close to you

Before it attacked, I inched way too close
Reaching, it’s flame’s burning, I didn’t know
Like a firefly, allured by the light that I’ve seen
‘Til I did learn that it’s hostile and mean

Fire, why does your body burn when I touch it
And keeps me at bay whenever it’s lit?
I’m suffering, yet you are still ablaze?
Do you not see my struggles in this constant haze?

Why do your embers dance all around me?
Taunting me with all the red that I see
This inferno sizzles my very bones
As you throw me all of your sticks and stones

Literary: Pagod na.




Mabilis. Masyadong mabilis ang takbo ng paligid sa aking buhay, sa bahay at sa eskwelahan. Ang isang tulad ko’y halos ‘di na makasabay. Para bang patuloy akong pinapaikot-ikot ng isang malakas na buhawi. Magulo at mabilis ang paligid at wala akong magawang paraan para pahintuin lahat.

Mabilis.

Mga gawain sa eskwela, matapos pagpuyatan ang isang deadline, kinabukasan ay may paparating na naman na para bang walang pahinga. Matapos ang mahaba at magulong araw sa eskwela, magcocommute para makauwi. Makikipagpatintero sa mga jeep para lang makasakay, malalanghap ang usok ng mga kotseng dadaan na parang kidlat sa iyong harapan saka ka pa lang makakarating sa bahay.

Magulo.

Pagod na ngunit bawal huminto. Oras nang magluto ng hapunan. Di pa nakakauwi si Mama. Wala pa kaming kakaining magkakapatid. Pumasok ako sa kusina saka ko lang napagtantong naputulan na naman pala kami ng kuryente. Parang kababayad lang kahapon, may bagong bill na naman.
Siguro kailangan ko nang mag part-time para matulungan si Mama sa gastusin, halos di na nga siya umuuwi katatrabaho. Isang siyang kasambahay na bumubuhay sa tatlo. Hinding-hindi talaga kasya ang sweldo. Naisip ko nga minsang huminto na sa pag-aaral para mabawasan na ang gastusin sa pamilya ngunit umaalingawngaw ang mga salita ni Mama. “Hindi anak, iyan lamang ang ating pag-asang makaahon sa hirap.”

Matapos pakainin ang mga kapatid ko ay dumiretso ako sa likod ng bahay. Malamig na pawis ang tumulo sa aking noo habang naglalaba ng kaisa-isa kong uniporme. Kailangan ko nang patuyuin ito agad para masuot bukas kaso imbes na bilisan ang paglalaba ay nalunod ako sa dagat ng pag-aalala.

Sobra na.

Marami akong tanong at masyadong mabilis ang mga pangyayari sa aking buhay. Kulang ang dalawampu’t apat na oras. Umiikot ang aking pangingin. Mabilis at magulo! Kailan kaya gagaan ang buhay? Saang mundo ba natatagpuan ang pahinga at kaginhawaan? Pwede bang ihinto ang oras kahit panandalian? Kasi ako’y…

Literary: An Ode to Who I've Become




Who are you?
Who is that in front of me?
Standing beyond the reflecting wand
To seem as if I've somewhere to go
But somehow, someway
I've found that I'm naive

Where am I?
Where's this place I've come to be
A strange unfamiliar land
Someplace I never thought I'd go
But somehow, some way
I don't think I want to leave

What is that?
What's all these things I've come to see
Something strange upon my hand
An oddity I love it so
But somehow, some way
There's more of this I want to perceive

Is it me?
Is it you I see in front of me?
A sorry one? An odd new brand?
It rattles me to and fro
But somehow, someway
If you left today I'd grieve

Literary: Alin ang Unang Papansinin?




Alin ang unang papansinin?

Kung sa paggising sa umaga,
trapiko ang bubungad,
Pipigilan kang maging maaga
sa pag-aaral o trabahong iyong hinahangad.

Pinapaalalahanan kang maging problemado
sa bansang kinabibilangan mo
sapagkat isa lang ito sa mga problemang
kinakaharap din ng libu-libo

Alin ang unang papansinin?

Kung sa bawat pagkakataong babagsak ang ulan,
mapupuno ng maruming tubig ang mga daan,
kung saan samu't saring basura ang lulutang
hihilingin mong sana ay umaraw na lamang

Alin ang unang papansinin?

Kung ang pagiging parte ng kabataan ay kababaliwan
papasok ka ng napakaaga pero tulog pa ang katawan
sa taas pa ng temperatura,
uuwing mabaho at tagaktak ang pawis

At dahil wala kang sasakyan na susundo sa'yo
mamamasahe ka kasama ang 'di mo kilalang mga tao.
'Di mo malalaman kung kailan ka tututukan ng baril o kutsilyo,
at sasabihan na lang bigla ng "Holdap 'to."

Kaya’t ano ang unang papansinin?

Tingnan ang sarili sa salamin
Kakayahan nati’y ating alamin
Antas sa buhay, ‘wag munang isipin
Ating potensyal ang unang pansinin

Kaya’t mahirap o may kaya,
Huwag magtiis sa maling pamamahala
Isantabi ang pagkakaiba at tayo’y magkaisa
‘Pagkat bansa nati’y may pag-asa pa

Literary: Mga Tanong Na Hindi Ko Masagot




May mga tanong sa isip ko kung bakit ako ganito ngayon,
Mga tanong kung bakit sa paggising ko’y masakit ang aking puso,
Mga tanong na magbibigay rason kung bakit pa rin ako umiiyak,
Mga tanong kung bakit bigla ka na lang nawala sa piling ko.

Ilang taon ang lumipas bago ko nararamdaman na unti-unti na akong nakalalaya.
Nakalalaya ako mula sa malala kong pagluksa.
Ilang taon bago ko mapigilan ang mga maalat na luha,
Ngunit ang sakit pa rin ay malala.

Bakit ka nga ba nawala?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit hindi mo ako hinintay?
Bakit, Mama?

Ilang minuto na lang bago ako makarating sa’yong kwarto,
Ngunit bakit hindi mo ako hinintay?
Hayaan mo,
Malaya ka nang namamahinga.
Mapayapa.
Tahimik.

Ito na ang simula para tanggalin ang sakit na nararamdaman ko,
Kahit anong mangyari’y hindi ka mawawala sa isip ko.
Paalam, Mama.
Ikaw ang forever love ko.

Literary (Submission): ❤?




Hala, paano na ‘to?
Anong pakiramdam ito?
‘Yung puso kong tibok nang tibok…
Tuwing ikaw ang kasama
At tuwing ikaw ay nakikita

Pakinggan mo o.

Dug dug, dug dug…
Rinig mo ba?

Ano kayang gagawin ko?
Ugh ‘di ko alam!

BAM, bigla niya nalaman,
Kung bakit tuwing nakikita siya,
At tuwing kasama siya
Ay nagkakaganito ang kanyang pakiramdam.

Na sumisikip ang dibdib,
At ang gaan-gaan ng pakiramdam.
Lumilipad-lipad.
At pangit ngiti nalang...

Is this love?
Hala, oh my god!
Gets ko na.

Gets ko na that...
I Love yo-




IN LOVING MEMORY OF: Persona

December 5, 1999-April 2, 2019

‘Yung persona ay namatay dahil sa isang heart attack napasobrahan ang pagkain ng lechon noong kaarawan ng kanyang kaibigan. Ang kanyang lamay ay dinaluhan ng kanyang magulang, mga kapatid, mga kaibigan, at ang kanyang bagung-bagong mahal sa buhay.

At nakalagay sa kanyang tombstone.
“I love yo-your food. Maraming salamat dahil namatay ako habang kinakain ang paborito kong food.”