filipino,

Literary: Alin ang Unang Papansinin?

4/27/2019 08:33:00 PM Media Center 0 Comments




Alin ang unang papansinin?

Kung sa paggising sa umaga,
trapiko ang bubungad,
Pipigilan kang maging maaga
sa pag-aaral o trabahong iyong hinahangad.

Pinapaalalahanan kang maging problemado
sa bansang kinabibilangan mo
sapagkat isa lang ito sa mga problemang
kinakaharap din ng libu-libo

Alin ang unang papansinin?

Kung sa bawat pagkakataong babagsak ang ulan,
mapupuno ng maruming tubig ang mga daan,
kung saan samu't saring basura ang lulutang
hihilingin mong sana ay umaraw na lamang

Alin ang unang papansinin?

Kung ang pagiging parte ng kabataan ay kababaliwan
papasok ka ng napakaaga pero tulog pa ang katawan
sa taas pa ng temperatura,
uuwing mabaho at tagaktak ang pawis

At dahil wala kang sasakyan na susundo sa'yo
mamamasahe ka kasama ang 'di mo kilalang mga tao.
'Di mo malalaman kung kailan ka tututukan ng baril o kutsilyo,
at sasabihan na lang bigla ng "Holdap 'to."

Kaya’t ano ang unang papansinin?

Tingnan ang sarili sa salamin
Kakayahan nati’y ating alamin
Antas sa buhay, ‘wag munang isipin
Ating potensyal ang unang pansinin

Kaya’t mahirap o may kaya,
Huwag magtiis sa maling pamamahala
Isantabi ang pagkakaiba at tayo’y magkaisa
‘Pagkat bansa nati’y may pag-asa pa

You Might Also Like

0 comments: