edgewright,

Literary: Ganun Talaga

4/13/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments




Sa panahon natin ngayon
Sa internet na matatagpuan ang bilyon-bilyong impormasyon
Na makikita lamang sa iba’t ibang libro noon

Pero sa dami man ng impormasyon dito
Limitado lamang ang kakayahan nito
Na kahit isang makina, hindi nito laging makikita ang hinahanap mo

Di’ ko lang talaga kasi maintindihan
Lahat ng kailangan mo, sa internet na daw matatagpuan
At kahit nga personal na impormasyon ko’y nalalaman

Pero malalaman ko ba sa pag-Google kung may pag-asa pa ako sa kaniya?
Mapapanood ko ba sa YouTube ang dahilan kung bakit ako’y iniwan niya?
O di kaya, nakasulat ba sa Wikipedia na hanggang kaibigan lang kami pala?

Sa lahat ng tanong na ‘yan, “hindi” ang sagot
Pero okay lang naman ito sa ‘kin
May mga bagay talaga sigurong hindi ko na malalaman ang sagot
Kahit napakaraming tanong sa isip ko’y bumabalot

You Might Also Like

0 comments: