DiMaAninag,

Spoof News: UPIS 7 – 12 Canteen, magkaka-zero percent off sale

4/05/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



Magkakaroon ng kauna-unang zero percent off sale sa mga pagkaing ibebenta ng UPIS 7 – 12 Canteen sa darating na Mayo 28.

Pinaplano ng mga guro ng Departamento ng Sining Praktika na babaan ang mga presyo ng mga lunch meals at meryendang kanilang ibebenta bilang pagdiwang sa huling araw ng pasukan ng taong pang-akademiko 2018 – 2019. Gayundin, nagkatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga estudyante at guro. Ayon sa kanila, "mahal" ang mga bilihin ng canteen.

Narito ang listahan ng kasalukuyan at magiging presyo ng mga pagkaing ititinda:

Ayon sa isang estudyanteng ayaw magbigay ng pangalan, "Sabik na sabik ako sa darating na zero percent off sale ng canteen... sulit na sulit 'to!" Samantala, inamin ng isang tindera ng canteen, "Ayan ha! Mas magiging mura na ang mga pagkain ng canteen sa araw na 'yon – sana di na magreklamo 'yung mga estudyante!"

Inaasahang magkakaroon muli ng zero percent off sale sa Agosto 7, ang unang araw ng pasukan ng susunod na taong pang-akademiko. //ni Nunca Jamás 

You Might Also Like

0 comments: