filipino,
Napatitig
sa kisame
naririnig
ang kuliglig
ang simoy ng hangin
sa katahimikan
ng gabi
sa pagdampi
ng lamig
kasabay ang
pagkulong
sa akin ng lungkot
pagkadena
sa akin ng mga alaala
pagpapasakit
sa akin ng mga tanong
Gusto ko pa ba itong ginagawa ko?
Bumisita
ang pag-aalinlangan
ang sakit at
ang lumbay
Dinalaw
ng luha
at hikbi ang kasabay
Bakit pa ba ako nandito?
Iniwan nila akong lahat
hanggang sa
ako na lang
mag-isa
hanggang sa
wala na ako
wala na akong maramdaman
Sino ba talaga ako?
Nagising sa aking pagkatulala
sa kisame
Pinilit makaramdam ng
kahit anong totoo
Pinilit maghanap ng
sagot sa mga tanong ko
Iniwan nila akong lahat
Hindi ko man lang
naramdaman na
basa ang mga mata at
bakante ang puso
Huminga
Pumikit
Sabay-sabay silang bumalik
Niyakap ko at
tinanggap ang
lahat ng sakit
Pinahirapan ako
hanggang
di makahinga
Pagkatapos ay
dahan-dahan nila
akong pinalaya
Literary: Pagbisita ng Gabi
Napatitig
sa kisame
naririnig
ang kuliglig
ang simoy ng hangin
sa katahimikan
ng gabi
sa pagdampi
ng lamig
kasabay ang
pagkulong
sa akin ng lungkot
pagkadena
sa akin ng mga alaala
pagpapasakit
sa akin ng mga tanong
Gusto ko pa ba itong ginagawa ko?
Bumisita
ang pag-aalinlangan
ang sakit at
ang lumbay
Dinalaw
ng luha
at hikbi ang kasabay
Bakit pa ba ako nandito?
Iniwan nila akong lahat
hanggang sa
ako na lang
mag-isa
hanggang sa
wala na ako
wala na akong maramdaman
Sino ba talaga ako?
Nagising sa aking pagkatulala
sa kisame
Pinilit makaramdam ng
kahit anong totoo
Pinilit maghanap ng
sagot sa mga tanong ko
Iniwan nila akong lahat
Hindi ko man lang
naramdaman na
basa ang mga mata at
bakante ang puso
Huminga
Pumikit
Sabay-sabay silang bumalik
Niyakap ko at
tinanggap ang
lahat ng sakit
Pinahirapan ako
hanggang
di makahinga
Pagkatapos ay
dahan-dahan nila
akong pinalaya
0 comments: