DiMaAninag,

Spoof Feature: Napa-Dan na Feature Article

4/05/2019 08:40:00 PM Media Center 0 Comments



Kung inaakala mong si Dan de Leon ng 11-Washington V. Banzon parang napadaan lang, ikaw ay tama. Ngunit ika’y ngumiti, kung panalangin sana’y marinig abutin man ng (December Avenue, 2016) -- ay pasensya na, sapagkat si Dan ay mayroong sakit na kaniyang natamo dito sa Pilipinas.

Si Dan ay dumadaan buhat ang kaniyang bag papunta sa paaralan. Retrieved from: www.joserizal.com/childhood-jose-rizal/

Ito ay ang Napapakantus Biglaus.
Ang Napapakantus Biglaus ay isang sakit na nakakahawa. Ang layunin nito’y magbigay kaligayahan sa iyong ngiti, ako’y nahuhumaling, ibig kong sabihin, sa maraming tao.

Ngunit bakit, sa tuwing ako’y lumalapit, ika’y lumalayo? (First Circle, 2002) Ibig kong sabihin, ngunit para sa maraming tao, isa itong nakakainis na sakit. Dulot nito ay maraming mas pipiliing lumayo kay Dan. Bukod pa rito, nagresulta sA ILALIM NG PUTING ILAW (Labajo, 2018) Ay, sorry. Bukod pa rito, nagresulta si Dan sa pangmatagalang lungkot dahil madalas siyang nag-iisa.

Ayon sa mga doktor, ang kaniyang sakit ay GONNA SWING FROM THE CHANDELIEEER, FROM THE CHANDELIIIIIIIEEEEEEEER (Sia, 2014). Ibig kong sabihin, ang kaniyang sakit, ayon sa mga doktor, ay lumilitaw lamang kapag si Dan ay nasa estadong tinatawag natin na “lutang” o “sabaw”.

Ayon din sa mga doktor, si Dan ay mas madalas maging lutang sa tuwing sasapit ang dilim, maghahasik na ng lagim. Ang mga kaaway (Parokya ni Edgar, 2005). Ibig kong sabihin, sa tuwing sasapit ang hapon. Ito’y para sayooooo, ako’y magbabago. Kahit mahiraaaAAAaap (Parokya ni Edgar, 2005). Ibig kong sabihin, ito’y dahil sa panahong hapon na ay pagod na si Dan at kung kailan pauwi na siya at miss nA KITA BABY HINDI KO NA KAYA (PDL, et al. 2018). Ibig kong sabihin, sa tuwing miss na ni Dan ang kaniyang tahanan, ang kanilang BAHAY KUBO, KAHIT MUNTI ANG HALAMAN DOON, ay sorry, SARI SINGKAMAS AT MANI (n.a. or si Dan na lang para cute, n.d.). Ibig kong sabihin, hapon na sa tuwing miss na ni Dan ang kanilang bahay.

Pinapakita ni Doktor kay Dan ang resulta ng kaniyang mga lab tests. Nakuha mula sa: fhm.com.ph/trending/the-most-hilarious-doc-memes-we-ve-seen-so-far-a00195-20180521

Maaaring para sa iba ay nakakaawa si Dan sapagkat hindi MAN TAYO HANGGANG DULO ‘WAG MONG KALIMUTAN (Silent Sanctuary, 2007). Ibig kong sabihin, sapagkat hindi niya napipigilan ang mag-isip ng mga kanta. Bukod pa rito, maaaring maraming tao na ang naiinis sa kaniya dulot ng paulit-ulit niyang pagkanta. Ngunit ating tandaan na hindi niya ito kasalanan at ito ay dahil sa kaniyang sakit na Napapakantus Biglaus.

Upang malaman kung ikaw ba’y nakakaranas ng Napapakantus Biglaus, ito ang ilan sa mga sintomas:
1. Hindi
2. Mo
3. Malilista
4. Ang
5. Mga
6. Sintomas
7. Kasi
8. Isa
9. Lang
10. Naman
11. Yung
12. Sintomas
13. Charot
14. Biglaang pagkaalala sa isang kanta
15. Biglaang pagkanta sa naalalang kanta

Kung ikaw man ay nakararanas ng ilan sa 15 na sintomas ay kumonsulta agad sa isang Shushician upang agad maagapan ang iyOOOOOONG GANDAAAA’Y UMAABOT SA BUWAN (Labajo, 2018). Ibig kong sabihin, ang iyong sakit bago pa ito umabot sa malalang kalagayan. //ni Nyek Pacutelan

You Might Also Like

0 comments: