filipino,
Literary: Musikero
Ang tugtog ng puso ko
Naririning mo ba ito
Para akong musikero
Na nagtatanghal sa entablado
Binibigay ko ang lahat sa aking palabas
Kung saan tinutugtog ko ay piano
Ang iyong paborito
Pero ang iyong kilay ay tumataas
Tayo’y lalong nagkakakilala sa bawat araw na lumilipas
Pero parang ang lakbay nati’y walang wakas
Dahil ako’y walang pupuntahang landas
Hindi masisigurong magiging maganda ang bukas
Dating kaibigan ng kaibigan lang kita
Dahil hindi pa talaga tayo magkakilala
Pero ngayong magkaklase na
Pasimpleng umaasa sa pag-uusap nating dalawa
Para akong nagbabasa ng bagong nota
Hindi ko alam kung paano ito mapapaganda
Dahil hindi pa kita ganoong kakilala
Parang bagong bili na nota
Sapagkat ako’y iyong napapasaya
Sa ating munting pagkikita
Sa paaralan o sa group work makita
Dahil sa personalidad mong kakaiba
Ako’y nahulog sa’yo, o aking diyosa
Kahit ikaw man ay kakaiba
Mamahalin kita taos-pusong nawa
Pero may hinihintay ang munting makata
Kapag sinabi ko ba sa’yo ito ay pag-iisipan mo pa ba ako
O magiging estranghero na ako sa mata mo
Dahil sa onting oras na nakilala kita
Kakaiba ka talaga, o aking diyosa
Kaya tinatanong ko ang aking sarili
Aaminin ko ba ang pagmamahal ko sa’yo
O itatago ko na ito mula sa mata mo
Dahil ayokong mawala ang kaibigan ko
Ang relasyon natin ay tulad ng isang piano
Kapag napatid ang isang teklado
Mawawala ang tunog nito
At ikaw ang tunog sa aking puso
O diyosa na aking nakita sa mundong ito
Sasagutin mo ba ang tanong ko
Kung mamahalin mo rin ba ako
Dahil ikaw ang kumukumpleto sa musika ko
0 comments: