alon,
Kaguluhan o kinabukasan?
Iyan ang laging tanong ng kabataan,
Hangad lamang ay kapayapaan.
Bakit nagbabakbakan?
Sa gitna ng tahimik na kagubatan.
Sinira ang lahat ng paaralan,
Nagngangalit na mga putok ang laging kalaban.
Hindi alam kung saan ang tatakbuhan,
Bitbit ang aklat ng karunungan.
Poot at pighati ang sa puso’y nananahan.
Sariling lupain sa Mindanao ang kinakamkam
Ng mga minerong nasisilaw sa yaman kaya nakikialam
Nang wala man lang paalam.
Kailan ito mapaparam?
Madugong karahasan, ang saysay ay ano
Singhalaga ba ng pilak ang buhay ng tao?
Niyuyurakang karapatan
Sa tubig, ilaw, tahanan, kabuhayan
Batayang kailangan ng bawat nilalang
Ano’t pilit pang inaagaw
Ng mga labis na ang salapi’t kapangyarihan?
Bakit kailangang kabataang lumad ang nagsasakripisyo?
Karapatang makapag-aral lamang ang kanilang punto.
Bakit ngayon ipinagkakait ng mga dayo?
Edukasyon lamang ang kanilang isinasamo
Sa pamahalaan na mapagbalatkayo.
Lahat sana ng tanong ay masagot sa tamang panahon.
Ang malagim na kahapon
Ay atin nang ibabaon.
Tayo ay babangon.
Minimithing kapayapaan ating ipaglalaban ngayon.
Literary: Sa Puso ng Kabataan o Kaguluhan?

0 comments: