DiMaAninag,

Spoof Sports: Pagalingan sa Pagulungan, kinagalitan ng magulang

4/05/2019 08:25:00 PM Media Center 0 Comments



Nagdulot ng kontrobersya ang ginanap na taunang kompetisyon ng pabilisan sa paggulong ng katawan pababa ng Ramp ng UPIS noong Marso 28.2019. Nagsimula ito sa ganap na ika-5 ng umaga sa pangapat at panghuling palapag ng UPIS 7-12 building.

Pinamunuan ito ni Mr. Paul Mapacquiao na nag-silbi ring reperi. Nakaabang din ang on-site medical assistance si Mrs. Nurse Grace.

Sinalihan ito ng tig-iisang kinatawan mula sa bawat grado mula sa Grado 7 hangang Grado 10. Ngunit si Dr. Lorina Calikasan lang ang tanging miyembro ng mga manonood.

Kumpara sa mga nakaraang taon, wala nang kalahok ang malubhang nasugatan o nabalian ng buto, ngunit mayroon pa rin mga naitalang nagkabukol matapos bumangga sa pader ang kanilang ulo dahil hindi sila mabilisang nakaikot sa mga sulok.

Nanalo ng unang gantimpala si Jeremiah Nozid ng 7-Uranus dahil sa kanyang pamamaraan ng pagtiklop ng kanyang katawan sa hugis bilog. Nakababa siya sa first floor sa loob lamang ng 4 na minuto at 20 na segundo. Sinundan siya ni Ezekiel Chibogsky ng 9-Kryptonite na nakatapos sa loob ng 7 na minuto at 50 na segundo.

Sinabi ni Nozid na mula noong magsimula pa lang ang akademikong taon ng UPIS, naghanda na siya para sa kompetisyong ito.

“It was hard po, kinailangan ko magpataba para dumagdag yung pagkabilog ng katawan ko para mas mabilis maka gulong ang katawan mula sa fourth floor. Grabe po talaga, the struggle was real,” banggit ni Nozid.

Dahil sa pagkapanalo ng unang gantimpala, binigyan siya ng ₱69.42 medical voucher para sa St. Damaso Catholic Hospital, isang taon ng membership para sa Simon’s Bowling Alley at Johnson's Baby wipes upang gamitin habang nag-babanyo dahil sa kawalan ng tubig sa UPIS.

Ang ibang nanalong manlalaro ay binigyan ng sertipiko ng pagkikilala na sulat-kamay ng Prinsipal sa one whole intermediate paper.

Ngunit matapos ang gawad talumpati ni Jeremiah, dumating sa harap ng paaralan ang mga magulang ng iilang mga estudyante ng UPIS, upang magprotesta laban sa tradisyon ng pag-gulong. Pagkatapos ng dalawang oras ng pagproprotesta, sama-sama silang nagtungo sa Commission on Human Rights (CHR) upang maghain ng reklamo para ipahiwatig at ipaglaban ang mga karapatan ng mga manlalaro. //nina Soy Neil Texan at Gabby Rainday

You Might Also Like

0 comments: