dandelion,

Literary: Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit?

4/06/2019 08:14:00 PM Media Center 0 Comments




Kinagabihan habang ang tulog ay mahimbing,
Naliligaw sa sariling kathang-isip
Kuryosidad ay tumataginting
Nakapagtatakang panaginip

Sisimulan ko sa aking nakita
Lilang-bughaw na kalangitan ang eksena
Hamog na may pinagtatakpan
Ano ang ikinukubli nitong kahulugan?

Napag-alaman kong may sapa
Paglayag ng mata sa tubig
Repleksyon ay hindi ko makilala
Sino ang aking maibubukang-bibig?

Senaryo ay ibang-iba sa kinasanayan
Dito, lahat ay posibleng makamtan
Pero ang lahat ng tagpuan ay biglang nagbabago
Saan kaya mahahanap ang lugar na perpekto?

Ramdam ko sa aking sarili
Malapit na akong mamulat
Sa wakas ay makaaalis na rin
Ngunit kailan kaya malilimutan ang lahat?

Bumukas ang nagluluhang mata
Na mayroong tinatandaang pantasya
Madalang na lang ang ganoong pangyayari
Bakit ba kasi nag-iiba ang panaginip at sarili?

You Might Also Like

0 comments: