Showing posts with label tips. Show all posts

Feature: How Not To Survive Hell Week



Hindi na bago sa atin bilang mga estudyante ang hell week. Ito ang dalawa o tatlong linggo bago ang Periodic Tests kung kailan tinatambakan tayo ng mga kailangang gawin. Para bang nakatakda na tayong dumaan sa ganitong paghihirap tuwing patapos na ang kwarter. At dahil lahat tayo ay naghihirap sa mga ganitong pagkakataon, narito ang ilang dapat tandaan upang HINDI mo ma-survive ang hell week.

1. Rest and Relaxation
https://i.pinimg.com/736x/d1/df/6f/d1df6f9e05d7fb68363e3df2fafc7908--study-techniques-study-methods.jpg

Kung ika’y pagod, matulog ka. Kung marami kang gagawin, matulog ka. Kung nasa klase ka, matulog ka. Pangunahing elemento ang pagtulog upang wala kang magawang requirements. Dahil paano ka nga naman magbabasa, magsusulat, at mag-aaral kung okupado ka sa pag-idlip at pagbibilang ng mga tupa?

2. Amnesia Therapy
https://hitraveltales.com/wp-content/uploads/2015/04/sophie-scholl-memorial-scattered-papers-in-munich.jpg

Mabuti ang hindi paglilista ng mga kailangan mong gawin upang makaligtaan mo ang lahat ng ito. Projects? Homeworks? Deficiencies? Wala ‘yan! Hintayin mo na lang na mabanggit ‘yan sa usapan ninyong magbabarkada. At kapag narinig mo na ang mga salitang “reflection paper” ay mapapasigaw ka na lang bigla at magbe-breakdown sa canteen dahil noong araw na iyon na pala ang deadline.

3. Travelling and Wanderlust


Dahil marami ka ngang gawain, ito ang perpektong oras para ika’y gumala. Pumunta ka sa mall, sa parke, sa Mars, o kaya sa bahay ng kaibigan mo para may karamay ka, basta hindi sa bahay! Mainam ito upang maubos ang oras mo na dapat ay nakalaan sa paggawa ng mga takdang-aralin. Kunwari na lang marami ka pang oras at malayo pa ang deadline ng suring-pelikula mo, o ‘di kaya ng reflection paper mo sa STSE. Kasi nga naman, mas masaya talagang gumastos sa kung anu-ano at magpakasaya kaysa sa umupo sa bahay… Boriiiing.

4. Recreation
https://hitraveltales.com/wp-content/uploads/2015/04/sophie-scholl-memorial-scattered-papers-in-munich.jpg














Maganda ang pagsubok sa mga bagong libangan tuwing hell week. Matatanggalan ka na ng stress, dagdag creativity points pa! Gamitin mo na ‘yung watercolor mong inaalikabok na. Ilabas mo na ang panggantsilyo ni Lola. Gusto mo mag-silk screen printing sa mga damit? GO! Nakatutulong ang paggawa ng mga bagay na wala namang grade at pampersonal lamang para tunay na bumaba ang grado mo, mapa-minor man ‘yan o major subject.

5. Bonding Time with Friends
https://i.pinimg.com/736x/d1/df/6f/d1df6f9e05d7fb68363e3df2fafc7908--study-techniques-study-methods.jpg
Alam nating lahat na mahalaga ang mga tao tulad ng mga kaibigan sa ating buhay. At sa mga panahong gahol ka na sa oras at damang-dama mo na ang stress—
kailangan mo ng karamay. Ngayon mo sila pinaka-kailangan! Magyaya ka ng biglaang outing, kumain kayo sa labas, kahit makipagkwentuhan ka lang, sapat na. Sulitin mo na ang mga taong nagmamahal sa ’yo. That’s what friends are for nga, di ba?

Ilan lamang ang mga ‘yan sa mga dapat tandaan para mawala ang stress na dulot ng hell week. Oo, wala kang magagawang requirements, pero kalmado naman ang utak mo at super ready ka na para sa Periodic Test (hindi ka nga lang nakapag-aral)! //ni Storm Gatchalian

Literary (Submission): 10 Tips on How NOT to Fall for your Best Friend



1. When he hugs you tight and keeps you close, do not think anything of it. When he smiles at you and you see the twinkle in his eyes, make sure yours do not shine brighter. When he tells you he loves you so nonchalantly, say it back as if you didn't mean it in any other way but friendship.

2. When he stares at you with his orbs of brown, don't act as if you would fall right into the depths of his enchantments. Smile, chuckle, and finally, painfully look away.

3. When he doesn't reply after a few hours, forgive him too easily. When he brushes off his late reply, brush it off harder, as if this would make it easier to bear the shallow pain of unmet expectations.

4. When he holds your hand, clutch it tightly and then let go. His hand is like his love: it is in your grasp but you must let it go; it is not yours. His love is like wet sand. It escapes quickly from your tight grip, pouring into someone else's ocean.

5. When he spends time with you, know that those precious seconds, minutes, hours, are only his excess. Remember that his time is only found, not made.

6. When he tells you his secrets, keep them close to your heart. It's the least you could do since you can't tell him of the secrets you keep about how you wish he was yours, that he loved you the way you love him, how you wish he wasn't hers.

7. When he shows you the ways to his heart, do not use them. Stop yourself from using them. It is for her disposal and her alone.

8. When he gives you a gift, say thank you and accept it without pretense. He does not need to know that even the gift of his words are hidden away in the corners of your mind, inducing a plethora of emotions you wish to forget.

9. When he needs comfort, freely give it to him. When he is hurting, be his rock when she is his waters. Don't take it to heart when you give him comfort but it is still she that he chooses. After all, you are the best friend.

10. You just can't.

Feature: Mga Kailangang Gawin Upang Makapasa ng UPCAT


Feature: Hanggang Saan Ka Dadalhin Ng Init?

Hindi ba nakapagtataka na papasok na ang tag-ulan pero nag-aala-daing na bangus pa rin tayo sa katuyuan? Nagsisimula na tayong makaramdam ng malamig na ihip ng hangin, ngunit hindi ba malagkit pa rin sa feeling? Halos araw-araw nating sinasabing, “Ang init!”, pero anu-ano nga ba ang ginagawa natin para masolusyunan ang walang kamatayang problemang ito?

May kanya-kanyang paraan ang mga estudyante sa pagpawi ng init at tumatagaktak na pawis sa kanilang katawan. Ilan lamang ito sa napakaraming tips kung paano makaka-survive sa eskuwelahan sa tindi ng sikat ng araw.

1. Magdala ng pamaypay na pang-donya. Yung di ka mo na kailangang mag-effort para I-spread ito. Mas makaka-save ka pa ng oras. Aminin, gustong-gusto mong marinig yung malutong na tunog ng pamaypay na isinasara.

2. Bumili ng thermos na jug. Tapos lagyan mo na rin ng yelo yung tubig. Mahirap kasing mag-akyat-baba papunta sa fountain. Lalo na kung galing ka sa fourth floor. Conserve energy.

3. Magdala ng yelo at maupo sa harap ng electric fan. Kahit ilang beses ka pang sitahin ng subject teacher mo, nananaig pa rin ang kagustuhan mong mapawi ang init. Paano ka naman makakapag-concentrate sa lesson kung pinagpapawisan ka na't lahat-lahat? Ang pangit kaya sa feeling. Nakakaapekto rin ito sa grades.

4. Habulin ang pag-ikot ng ceiling fan. Magpaalam ka lang sa nakaupo sa mga dadaanan mo.

5. Huwag masyadong maging clingy sa mga tao. Hindi sa lahat ng oras ay dapat kasama mo ang syota---- este, mga kabarkada mo. Mas nakadaragdag ito ng body heat. Isa pa, ayaw mo rin naman sigurong mag-sorry sa tuwing nagrereklamo sila sa init. Am I right or am I right?

6. Labagin ang uniform protocol. Tanggalin ang polo at iwan ang undershirt, mag-tsinelas imbis na mag-black shoes, o kaya wag na lang mag-undershirt at mag-polo na lang. It's all about your fashion statement. May iba nga naka-jacket pa rin kahit pawis na pawis na e. Di naman na uso ang pink slip, diba?


Kung hindi pa rin tumalab sa'yo ang mga tips na yan... Aba'y isa na lang ang natitira kong payo sa'yo, at ito ay:

7. Pumunta sa Arendelle. If the cold never bothered you anyway.

(c) eonline.com
 / ni Christine Bailon

Feature: 10 Things To Do Kapag Alam Mong Nanganganib Kang Hindi Grumaduate


Feature: Prom Tips (for Boys)


Feeture: Dummie's Guide to Passing High School