Showing posts with label zach jugo. Show all posts

Feature: Devour: A Gallery Walk through Man’s Avarice



To eat greedily is to devour.

Katti Sta. Ana, through her ceramics and stone wares, illustrated how people consume flora and fauna, in her exhibit fittingly entitled “Devour.” She highlighted humanity’s relationship to flora and fauna, especially man’s greed, and eventually, abuse. She emphasized that these will lead to the diminishing number of flora and fauna, specifically in the Philippines.

SENOR KALAW. This sculpture of a Kalaw, an endangered species of a bird that can be found in the Philippines that symbolizes him as a hunter’s prize, is found on the 2nd floor landing of the UP Vargas Museum. Photo credit: Rachel Siringan
In the beginning of the gallery, an unglazed stone sculpture stands atop two stacked metal cages. The stone sculpture shows a kalaw wearing a business suit and a watch. The kalaw, an endangered species of forest-dwelling birds in the Philippines, is said to be a natural timekeeper of the farmers, as associated with the wrist watch on the sculpture. Due to deforestation and hunting, their numbers have diminished. The metal cages and the sculptures’ position relative to the cages symbolize how kalaws are hunted to be prized possessions, as well as a source of income. The metal cages can also be seen as an image of a skyscraper that symbolizes modernization and leads to deforestation in many parts of the country. The human phallus suggests a kalaw owner’s pride. The kalaw’s business attire also signifies how they are servants to businessmen.

MAN’S BEST FRIEND. Sculptures of three dogs in different positions show their different emotions towards each of their situations. Photo Credit: Hazel Romero

As you enter the second floor, you will be greeted with sculptures of three dogs in varying positions. One of the dogs lies on its back, waiting for someone to scratch its belly. This exemplifies a dog’s role as a pet and a family member in a household. Another dog is poised for an attack which indicates its role as a guard in Filipino homes. The last and most disturbing dog hangs on the wall like meat seen in markets. This hints on dog-eating culture in some parts of the Philippines and the festival in China called the Yulin festival where thousands of kidnapped, stolen, and captured dogs are eaten.

BON APPETIT. A dining set includes three different chairs and a glass table that exhibits “live” fish on the table similar to those in Chinese restaurants. Photo Credit: Hazel Romero


To the left of the second floor, you will find a simple dining set with a table and three chairs. Looking closely at the table, you will find ceramic fishes trapped in a maze-like aquarium. This artwork brings to life the atmosphere in a Chinese restaurant where diners can pick live fish to be cooked and served to their tables. This exposes the poisonous cyanide fishing technique used to catch these fishes alive, which causes a decrease in the population of fishes and the destruction of corals. The aquarium symbolizes a human’s small intestines where digested fish go through. Not only does it mirror the danger caused by cyanide fishing, but also the slavery that aquatic animals experience in the hands of humans.

Paintings and photographs of farm animals from Jorge B. Vargas’ collection hang as you stroll around the hall. This gives the feeling of being surrounded by animals and flowers used only for human consumption. Aside from being used as sources of food, farm animals, like chickens, pigs, and horses, also serve different purposes. Chickens are used for cockfights and horses are used in kalesas. This symbolizes the use of animals as mere objects for mankind’s convenience.

Lastly, as you enter the room at the end of the hall, you will feel intimidated by the peculiarity of Queen Devour, a life-sized sculpture sitting at the end of the room. She is made of ceramic and crowned with a reptile. She sits blankly on her throne surrounded by leaves. Her upper body is covered with roots and her skirt is made of peacock feathers. Upon her feet lies a dead sow. As you walk through the room, you will see her collection of elegant lady slippers. By looking closely, you will be able to observe ceramic orchids of different species in the form of slippers.

THE QUEEN. A life-sized sculpture of a “Royal Highness” made out of a ceramic that represents an avaricious queen. Photo Credit: Hazel Romero

Queen Devour is a representation of Imelda Marcos as implied by the collection of shoes. It vivifies how humans get a hold of flora and fauna to use as commodities. Soon, these species become endangered due to the exploitation of their commercial value.

These artworks do not have mere aesthetic value but also feed our minds with knowledge. They also serve as an advocacy or visual representation of what is happening around us. Aside from appreciating these works, let us never forget the message behind it.

Katti Sta. Ana’s Devour ran from November 3 to December 1, 2017 at the 3rd floor of the UP Vargas Museum.

Visit the UP Vargas Museum for future exhibits. //Aldous dela Pena, LM Gacad, Zach Jugo, Hazel Romero, Rachel Siringan

Ask.MC: Anong pinakagusto mo kay teacher?



Ngayong Oktubre, ipinagdiriwang ang World Teachers’ Month kung saan binibigyang pagkilala ang mga dakilang guro na itinuturing din nating mga nanay at tatay. Ano ang bagay na paborito mo sa iyong guro? Kung ang mga tulad naming nasa hayskul ay tiyak na maraming masasabi sa tanong na iyan, ano naman kaya ang pagpapakahulugan ng mga estudyanteng nasa K-2 sa kanilang mga guro?





Sa likod ng kanilang mga simpleng kasagutan masasabing malaki ang parte ng mga guro sa kanilang mga buhay. Kapuri-puri talaga ang ating mga guro dahil sa kanilang ‘di-matatawarang dedikasyon sa pagtuturo. Hindi lamang sila nagtuturo ng Math, Science, English o Filipino, kundi pati ng mga bagay na hindi natututunan sa kahit anong asignatura.

Kahanga-hanga talaga ang kanilang tibay ng loob, walang-sawang pagtitiyaga at pagiging mabuting halimbawa. Kaya para sa lahat ng aming mga guro, maraming salamat sa araw-araw na pagpasok sa paaralan upang kami’y maturuan. Isang maligayang Buwan ng mga Guro po sa inyong lahat! //nina Max Salvador, Zach Jugo at Hanna David

Ask. MC: Kung may huling litrato kang kukuhaan, ano o sino ito?



Sa ating modernong panahon, ang pagkuha ng larawan ay simbilis ng isang pindot. Subalit, sa sobrang uso ngayon ng digital cameras at memory cards, minsan nakakalimutan na natin ang halaga ng isang larawan.

Pero isipin ninyo… Sige pumikit kayo… Paano kung bumalik tayo sa sinaunang panahon kung saan film pa ang gamit sa mga kamera, kung saan ang bawat shot ay mahalaga? Paano kung iisang shot na lang ang natitira sa rolyo ng film mo? Sino o ano ang iyong kukuhanan?



Para sa mga batang ito, ang kahuli-hulihang film ay gagamitin nila para sa mga importanteng bagay o tao sa kanilang buhay. Maraming sumagot na nais nilang kuhanan ng litrato ang kanilang pamilya, para sa simpleng dahilan na mahal nila ito. May iba namang kukuhanan daw ang mga bagay na nagpapaligaya sa kanila, paboritong hayop man ito o paboritong lugar.

May mga bagay pala na simple man para sa karamihan ay nakapagpapaligaya na sa iba. Marami palang mumunting bagay sa buhay at sa mundo na pwedeng maghatid ng saya, kung magmamasid lang tayo nang maigi. //nina Hanna David at Zach Jugo

Opinion: Indie-mand?






Kamakailan lamang ay idinaos ang Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP na nilahukan ng labindalawang independent o indie films mula sa iba’t ibang genre. Nagtagal ito ng isang linggo, mula Agosto 16 hanggang 22, at ipinalabas ang mga pelikulang ito sa buong bansa. Dinagsa ito ng maraming manunuod at tagapagtangkilik na silang gumawa ng ingay sa social media kaya’t mas marami ang nagkaroon ng interes. Noong papalapit na ang katapusan ng pagdiriwang, marami ang nagnais na mapahaba pa ang screening ng mga pelikula. Dahil dito, nadinig ang kagustuhan ng samu’t saring mga manonood at napahaba ang screening time ng tatlo sa pinakasikat na pelikula sa PPP, ang Patay na si Hesus, Bar Boys, at 100 Tula Para Kay Stella.

Talagang marapat lamang na pinahahalagahan ang Filipino independent/local films katulad ng pagpapahalagang ibinibigay natin sa mainstream films. Marami na sa mga palabas na ito ang nakapagbigay-karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng paglahok sa mga patimpalak at pag-uwi ng karangalan mula sa mga prestihiyosong film festivals sa ibang bansa. Halimbawa, nakuha ng pelikula ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo ang pinakamataas na karangalan sa Venice Film Festival noong 2016. Dahil sa mga ganitong tagumpay, mas nakikilala ang Pilipino sa kanilang husay sa pagbuo at paglikha ng mga pelikula.

Dapat ding bigyan ng kaukulang pansin ang indie films sapagkat sinasalamin ng mga ito ang kultura at realidad sa bansa. Madalas, patok ito sa panlasang Pinoy dahil ang ginagamit nilang iskrip at istorya ay sumasalaysay sa mga problema at buhay ng Pilipino. Dulot nito, nagiging bukas ang isipan ng mga manonood sa mga isyung panlipunan na hindi lubusang natatalakay sa mainstream films.

Sa kabilang banda, naipakikita rin naman ng mainstream movies ang mga nabanggit, madalas sa mas magaan at kaaya-ayang paraan. Ngunit dapat tandaan, na ang pangunahing layunin ng mainstream films ay kumita, kung kaya’t maaaring mawala ang katapatan ng mga ito sa pagbibigay ng makabuluhan at orihinal na istorya.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na mas kaunti ang badyet ng indie films sa produksyon. Mas nakakahanap kasi ng puhunan at resources ang nagproprodyus ng mainstream movies sapagkat mayroong malalaking studios na sumusuporta sa kanila. Tinatangkilik ang ganitong mga pelikula ng mga ordinaryong manonood dahil sa mga kilalang artista, epektibong promosyon, at mas mahabang oras ng pagpapalabas sa sinehan na hindi nagagawa ng independent films. Sa kabila ng mga salik na nabannggit, nakalilikha pa rin ng de-kalidad na pelikula ang independent filmmakers, na siyang patunay na hindi hadlang ang limitadong resources sa pagpapamalas ng talento ng mga Pilipino.

Nakatutuwang makita na sa mga nagdaang taon ay unti-unti nang nakikilala at nakikipagsabayan ang indie films sa mainstream movies, kung saan nabibigyan ito ng pansin at suporta. Dagdag pa rito, naisasama na rin ang mga ito sa lokal na film festivals, na noo’y puno ng mainstream movies tulad ng MMFF o Metro Manila Film Festival, kagaya noong nakaraang taon. Dahil sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa mga ganitong klase ng palabas, mas lalo silang nakilala at nabibigyang-halaga.

Dagdag pa rito, ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino partikular na sa indie films, ay nakakatulong sa lokal na industriya ng pelikula sa ating bansa sa maraming paraan. Isa na sa mga ambag nito ay ang pagpapa-unlad sa mga taong bumubuo sa mga pelikula tulad ng mga artista, direktor, mga manunulat at iba pa. Nabibigyan sila ng oportunidad na maipamalas ang kanilang talento sa ibang bansa na maaaring magresulta sa mas marami pang proyekto at makapagbigay-karangalan sa Pilipinas.

Sa kabuuan, ang independent films ay dapat pahalagahan at bigyan ng suporta sapagkat malaki ang naiaambag nila sa pagsulong ng sining sa bansa. Nakakakuha sila ng papuri’t tagumpay sa iba’t ibang international film festivals. Sinasalamin nila ang kultura ng mga Pilipino, at kahit sa maliit na badyet kumpara sa mainstream movies ay de-kalidad ang mga pelikulang nabubuo ng mga tao sa likod ng bawat palabas.

Ang mga pelikulang ito ay tulad lamang din ng mainstream movies na binuo at pinaghirapan ng mga Pilipino para sa mga Pilipino. Kaya naman, ipakita natin ang ating suporta sa mga pelikulang Pinoy, mapa-mainstream man ito o indie. // nina Jo-ev Guevarra, Zach Jugo

Sanggunian:
http://entertainment.inquirer.net/201276/lav-diazs-ang-babaeng-humayo-wins-golden-lion-in-venice

ASK. MC: Isang Salita para sa Isang Taon



Para sa UPIS students, nagbago na ang ibig sabihin ng pagdating ng buwan ng Hunyo. Dati’y hudyat ito ng bagong simula, isang bagong akademikong taon. Ngunit ngayon, ito ay buwan na ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang klase at pagsisimula ng “summer break”. Na-implementa na rin ang K-12 sa mga paaralan sa taong ito at hindi naiiba ang UPIS dito. Sa kasalukuyan, mayroon nang kauna-unahang Grado 11 sa paaralan na binubuo ng UPIS Batch 2018.

Kaugnay nito, hiningan namin ang ilan sa kanila ng isang salitang makapaglalarawan sa naging karanasan nila nitong akademikong taon.











//Nina  Joev Guevarra at Zach Jugo



MC2018 stages first MCLive event



When your own words fail to speak for you, allow us to be your messengers.

For the first time in its history, the UPIS Media Center (MC) opened its doors to the UPIS community in an offline event called MCLive, with the theme “Unsaid, Untold, Unspoken” last May 18 and 19.

It’s not every day that Room 115, more commonly known as the MC Room, gets a make-over, but for two nights, it was completely different from its usually formal and classroom-esque feel. Blankets were strewn across the floor with random pillows here and there, and as the fairy lights cast their glow on the whole venue, the atmosphere was perfect for a night of your favorite acoustic melodies and unspoken words.

Days before the event, the staff wasn’t quite sure how far this would go, but much to our surprise, the event was a success, with the second day greeted with a full house. Hours before the doors even opened, the corridor was already packed with students lining up in hopes of getting a chance to witness the performers light up the stage.

BLOCKBUSTER. A long line awaits the doors of MCLive as students eagerly anticipate the much-awaited event. Photo Credit: Media Center 2018 

Unsaid: If this is my last night with you...

To set the mood for the first night, MC 2018’s very own Carlos Laderas performed his first Spoken Word piece "Ayokong Matapos Ang Gabing Iyon."

Tripolar, Cosmos, Denice Palicte and Rene Rollon, Elkan Reyes, and Wim Rollon then serenaded the audience.

MC 2014’s Lance Reblando also owned the stage by singing and sharing experiences as a former Art Director of MC.

The second night was kicked-off by Cedric Jacobo and his piece, entitled “Rason.” For the rest of the night, FLL, Amamimamols, Hally Hernando, Keio Guzman and Patience Ventura, and Caitlin Norona and Adrian Bornilla took the MCLive experience to a whole new level.


SETTING THE STAGE. MC’s very own Cedric Jacobo had the audience mesmerized with his Spoken Word as the opening of Day 2. Photo Credit: Media Center 2018
Caitlin Norona’s performance was particularly astounding as she stole the hearts of the audience when she hit every note of Adele’s "All I Ask" perfectly.

But the whole affair wouldn’t have been an event of MC 2018 if we didn’t have performances of our own. Members of the staff stepped up to the challenge and delivered heartfelt acoustic songs, most of which were OPM, and gut-wrenching Spoken Word pieces for both nights.

“It was very frightening to perform in front of so many people, but I had fun even though I made a few mistakes,” admitted Fiel delos Reyes, one of MC 2018’s performers for Day 1.
Many on-the-spot performances and talents were also discovered during the open mic part of the program, where the audience and MC staff did not miss the chance of sending their messages through songs and poetry.

Untold: Bakit nga ba hindi mo nasabi?


ANSWERS TO WHY. Bits of unspoken thoughts from both staff and audience were poured out onto small pieces of paper on the Freedom Board bearing the heart-tugging question. Photo Credit: Media Center 2018

Other than the performances, another attraction for the whole event was the freedom board where the the question “Bakit hindi mo nasabi?” was asked. Answers like “I missed my chance”, “May thesis pa kami”, “Nasabi ko pero delivered lang”, “Naka-block ako”, and other answers laced with the woes of romance and what not were written on post-its and taped to the board.

It was quite amusing to read each of the answers because they served as a glimpse into the thoughts and emotions of the audience. Students and MC members alike flocked around the board as they read the musings and miseries of their schoolmates.

The audience was also encouraged to visit the “Say It With MC” booth, where they had the chance to request hand-written postcards, bearing their untold messages or random thoughts. Some of them even created their own works.

Unspoken: Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat.

The celebration also showcased an MCPakisabi Photo Exhibit dubbed “Pahaging”. Weeks before MCLive, the staff collected over 31 submissions from various students, as part of the event’s promotion. Short but captivating, the chosen statements were a perfect fit for the creative shots MC used for the display. “Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat” and “Invisible tears are the hardest to wipe away” are but two of the entries which could have sparked the interest of anyone who passed by the gallery to read them.

The funny thing was, there were only 6 submissions during the first week, but when the Documentation and Promotion committees got the bright idea to take their laptops and personally ask for submissions from the students walking around the first floor corridor, they were able to raise the number of submissions to 31. It was fulfilling to know that the students were curious about the event and were quick to share their own one-liners.

Despite the many obstacles that the staff had to endure, like the overwhelming requirements of Grade 11 students, the task of selling tickets over a limited period of time, the arduous task of moving around furniture amidst the unbearable heat, and preparing the venue for our eager audience, MCLive was definitely a success in our books. We may have had doubts about how the event would be received by UPIS, but the overwhelming support from teachers and students did not disappoint.

But behind the staff that took up the challenge of organizing MC’s first offline event are the Learning Coordinators who have stood by us since the start of our journey as MC 2018. To close the second day, Ma’am Cathy and Ma’am Wena expressed their utmost thanks for the support that MC has received, both online and offline. They shared their hopes that, in the very near future, MCLive will be brought to an even bigger stage, for an even bigger audience. (And we all sincerely hope you’ll come along for the ride.)

We all entered the room with things unspoken, but as the night came to a close, we knew that our messages have been told, with nothing left untold and unsaid.

‘Til the next offline event!// By Hannah Manalo, Marianne Sasing and Chesca Santiago with reports from Cedric Jacobo, Zach Jugo and Hanna David 

Feature: How to be you?


Maraming mga estudyante ang nasasabik sa pagsapit ng Marso sapagkat ito ay hudyat na ng pagtatapos ng kanilang klase. Ibig sabihin, malalaman na kung sino ang mga naging natatanging mag-aaral na pararangalan dahil sa kanilang kahusayan. Espesyal o kaya ay naiiba ang UPIS Parangal sa taong ito dahil sa Academic Calendar shift. Sa halip kasi na Marso, ginanap ang Parangal 2017 nitong nakaraang Mayo 5 na may temang “Iskolar ng Bayan, Manindigan sa Karapatang Pantao”.

Mayroong mga natatanging mag-aaral sa bawat asignatura at mayroon ding mga Manlalaro ng taon, Model Student at Leadership Awardee. Sa taong ito, nakamit ni Wenona Catubig ng 10-Yakal ang Model Student Award at si Roan Ticman naman mula sa 10-Molave ang nakakuha ng Leadership Award. Isang malaking karangalan ang mahirang o mapili bilang Model Student at Lider ng isang batch, kaya naman hindi masama na hangarin ng marami na makakuha ng ganitong pagkilala.

Ano nga ba ang mga hakbang o mga katangian na dapat taglayin upang maging isa ring natatanging mag-aaral tulad nila?

Ayon kay Wenona Catubig, ang pagiging isang modelong estudyante ay hindi lamang nakukuha sa pagkakaroon ng matataas na grado sa eksam, sa aktibong pagsali sa mga organisasyon sa eskuwelahan, at maging sa pagkakaroon ng perpektong attendance sa klase. Nangangailangan din ito ng higit na kumpiyansa sa sarili, positibong pag-iisip at ang pagiging resilient sa anumang dumating na trabaho’t gawain.

PAGPUPUGAY. Nagbibigay ng talumpati at pasasalamat ang nahirang na Model student na si Wenona Dawn Catubig. Photo credit: Media Center

Hindi naman naiiba sa ating lahat si Wenona pagdating sa pag-aaral. Tulad ng marami sa atin, binibigyan din niya ng oras ang kaniyang sarili para magpahinga mula sa sunod-sunod na pagrerebyu lalo na sa panahon ng periodic exams. Dagdag pa rito, hindi rin niya pinababayaan ang sarili na tuluyang “mabaliw” sa lahat ng trabahong dumadagsa sa kaniya kung kaya’t mas pinipili niya maging chill sa pagharap sa mga ito. Isa rin sa mga bagay na lubusang tumulong sa kaniyang pag-aaral ay ang kaniyang planner sapagkat dahil dito ay mas nagiging organisado’t maayos ang lahat ng gawaing kailangan niyang simulan at tapusin.

Sa pagtamasa naman ng kaniyang karangalan, isa sa mga naging motibasyon ni Wenona ay ang kaniyang nanay. Isa pa rito ay ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ang edukasyon lamang ang makatutulong sa kaniyang sarili para maka-angat sa buhay. At maging ang simpleng biro lamang sa kanilang pamilya na siya ang magiging unang abogado sa kanila ang nakapagtulak din sa kaniya upang magpursigi pa lalong gawin ang lahat ng kaniyang makakaya.

Para sa mga nangangarap ding umakyat ng enteblado at maparangalan katulad ni Wenona, ang payo niya ay simple lamang. Sinabi niyang hanapin natin ang motibasyon na magsisilbing dahilan para tayo’y patuloy na ganahan, hindi mapagod at mawalan ng pag-asa sa pagtatamasa ng karangalang katulad nito, na hindi naman imposibleng maabot ng bawat isa sa atin.

Ngayong alam na natin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang model student, kilalanin naman natin ang nagkamit nng Leadership award na si Roan Ticman.

“Background”. Ito ang salitang ibinigay sa amin ni Roan nang amin siyang tanungin kung anong klaseng leader ba siya. Ayon sa kanya, siya ang klase ng pinuno na mas pinipiling magtrabaho sa likod ng kurtina kumbaga “behind the scenes” o mas kilalang “lowkey” sa millennial language, na siyang kaiba sa ibang mga lider na mas sanay mamuno sa “spotlight”. Dahil para sa kanya, ang isang mabuting namumuno ay dapat ding magaling sumunod, ika nga sa tanyag na kasabihang “to be able to lead, one must learn to follow”. Sa ganitong paraan, makikita at malalaman at maiintindihan daw ng isang lider ang mga nangyayari sa kanyang mga pinamumunuan, dahilan para mas magkaroon sila ng mabuting working relationship.

TAGUMPAY. Hawak ni Roan Ticman ang sertipiko ng pagiging isang mahusay na lider kasama ang kanyang ama. Photo credit: Media Center

Dahil sa nature ng trabaho ng isang lider, normal ding makaranas sila ng mga problema at mahihirap na gawain. At para kay Roan, ang pinakamahirap na task na ipinagawa sa kanya ay nang mag-facilitate siya sa Mural painting sa Balik-tanaw UPIS Week noong nakaraang taon dahil nagkasabay-sabay daw ang mga activities noon kaya naman kinailangan niyang mag take in charge.

Truth be told, napakahirap maging isang lider sapagkat responsibilidad mo ang lahat ng iyong pinamumunuan ganundin ang kanilang mga gawain. Ngunit naniniwala si Roan na sa pamamagitan ng tamang time management at paggawa sa mga bagay-bagay one step at a time, makakayanan ng isang pinuno na pamunuan nang mabuti ang kanyang team.

Ilan lamang ito sa mga payo na sinabi nila upang maging awardee din ang mga kapwa nila isko at iska. Maaaring gamiting gabay o inspirasyon ang kanilang mga sinabi para sa susunod, mas maraming isko at iska ang makakatanggap ng mga parangal na ito. //nina Jo-ev Guevarra, Zach Jugo, Danna Sumalabe

Feature: Paano ba mag-POST wisely?




Sa panahon ngayon kung saan napapadali ang lahat sa isang simpleng click, mabilis na nating nagagawa ang mga bagay-bagay na mistulang imposibleng gawin noon.

Dumami ang mga paraan ng paglilibang natin sa sarili, bumilis ang pagpunta natin sa ibang lugar, bumilis ang pakikipagkomunikasyon natin sa ibang tao. Lumawak ang circle of friends natin dahil sa mga Social Networking Sites o SNS . Hindi maikakailang karamihan, kundi man halos lahat tayo, ay gumagamit na ng iba’t ibang SNS tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, at marami pang iba. Dito, naipapahayag natin sa mas mabilis at madaling paraan ang ating ginagawa, kinakain, lokasyon, mga pinoproblema, at iba pang nais ibahagi sa ating friends at followers.

Sa kabila nito, dapat alam natin kung paano gamitin nang tama at ligtas ang mga SNS. ‘Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na kabi-kabila ang nabibiktima ng iresponsableng paggamit ng mga ito. Para manatiling ligtas sa paggamit ng Social Media, mahalagang tandaan ang mga sumusunod na paalalang pang-think-before-you-click.

1. Limitahan ang impormasyon

Sa SNS posting, hindi mo dapat ilagay ang lahat ng bagay tungkol sa iyong sarili. Iwasan ding maglagay ng personal information dahil sa panahong sumali ka sa social media, nagiging publiko ang impormasyon. Maaaring manakaw dito ang iyong pagkatao o identidad at magamit ito sa masasamang gawain. Tandaan, ang lahat ng ilalagay mo online, makikita at mababasa ng maraming tao.

2. Huwag makikipag-usap kung kani-kanino

Malaki ang mundo ng social media. Maraming kang taong makakasalamuha, makikita, at makikilala. Gayunpaman, laging dapat tandaan na mag-ingat sa mga taong kinakausap. Hindi mo dapat kinakaibigan o kinakausap ang mga taong hindi mo kilala. Huwag na huwag makipagpalagayan ng loob sa mga taong bagong friend mo lang. Hindi dahil mabait ang hitsura o magaan silang kausap ay mabuting tao na sila. Hindi ka nakasisiguro sa mga pakay niya, maaaring may iba pa siyang motibo.

3. Maging sensitibo sa ibang tao

Maraming tao ang makakakita ng mga inilalagay mo sa social media. Pag-isipang mabuti ang mga sasabihin o inilalagay rito. Gumamit ng mga angkop na salita at hindi mapanira sa kapwa. Iwasan ding ipagyabang ang mga bagong gamit dahil baka magkaroon ng negatibong pagtingin sa iyo ang tao o magamit ito sa masama tulad ng pagnanakaw.

4. Siguraduhing totoo ang iyong sasabihin

Maraming tao ang napapahamak sa pagbabanggit ng maling datos sa kanilang posts. Kaya naman, bago ka magpasyang ito’y i-post, subukan mo munang mag-fact check nang masigurong ang mga detalyeng iyong ilalagay ay totoo. Hindi mo lamang tinutulungan ang sarili mo, tinutulungan mo rin ang iba na malaman ang katotohanan.

5. Huwag kang magpopost kung buburahin mo rin

Huwag mo nang i-post ang mga bagay na sa tingin mo’y hindi mo kayang panindigan. Alalahanin, maaaring nabura ito online, ngunit posibleng na-save na ito sa devices at isipan ng mga tao.


Alam nating lahat na ang social media ay isang lugar kung saan malaya tayong makapagpapahayag ng ating mga opinyon, narararamdaman, at naiisip. Ngunit hindi naman ibig sabihin na maaari na nating ipost ang lahat dito. Tandaan na pag-isipan nang dalawa o tatlong ulit bago ang pindutin ang Post button. Magsilbi sana itong paalala na maging responsable sa paggamit ng mga SNS. //nina Jo-ev Guevarra at Zach Jugo

Spoof Feature: Summer Uniform 4 Ways



DON'T TRY THIS AT HOME AND IN SCHOOL.



Hey, hey MC Peeps here! Since summer is in full swing, we decided to enrich our creativity under the blessing of the sun. So we thought of fun and fresh things to do and lo and behold we thought of one that will definitely make use of our passion for fashion. And that is what we are going to show you peepz tonight! Tonight, we are turning our plain summer uniforms into magical, trendsetting, and fabulous OOTDs! Without further ado, I’m now goin’ to show you 4 simple and easy styles to turn our summer uniforms into a blast! So without further ado, let’s get started!

First, let them die! Oh wait up! By dying, I mean tie-dye! Apply what you learned in PA 6 and imagine just how these dyes can turn your shirt into something cool and pleasing to the eyes. Just in time for summer! This design is suitable for both girls and boys! Kaya you can have couple shirts with your crush din! #UniformGoals

Next, cut them into two! Oh I mean cut the sleeves into two to turn our shirt into a tank top. Show off those sexy shoulders and nagsisiputukang muscles that you’ve been working hard for years. But don’t forget to keep your underarms clean and fresh! I recommend using tawas to keep the B.O. and darkness away from your kili-kili. This design is recommended for boys.

The third design is what we called the Wolverine Style inspired by the sharp and dangerous claws of Wolverine that could shred literally anything. These many butas also give off a cooling effect to whoever dares to wear this masterpiece kaya it’s really perfect for the intense summer heat. It’s also perfect for the guys out there with yummy pandesals, iykwim.

The fourth and final one is what we call the Pre-debut Photoshoot Style inspired by Aladdin’s carpet that flies away whenever there’s a strong wind. The summer winds will make the flap fly ,fly, away just like Mang Aladdin’s carpet. This flap flap away thing also serves a dual purpose by acting as a pamaypay when the heat is just so intense you can’t take it anymore. This design is perfect for the sassy girls.

So what are you waiting for? Slay them with your OOTDs and show them the real meaning of LIT.
Hope you enjoyed our video! Don’t forget to hit the like button and the subscribe button as well. Anyway, see you on our next video and please remember that the views and opinion in this video do not reflect that of the MC and our school.

Tata!! *flying kiss* / by Zach Jugo, Chesca Santiago

Spoof Sports: Kauna-unahang siomai eating competition, idinaos



Sa unang pagkakataon idinaos ang siomai eating competition sa University of the Philippines Integrated School 7-12 canteen.

Ang nasabing kompetisyon ay ini-sponsoran ng tinaguriang Siomai Queen na si Aling Bowling. Ang mga tatayong referee ay sina Pretty Boy Alhane at Lover boy Will Iam.

Bukas ang kompetisyong ito sa lahat ng seksyon sa Grado 7-11. Kailangan nilang muabos sa piakamaiksing oras ang dalawang kilong siomai at isang basong gulaman. Ang tatanghaling panalo sa bawat batch ang makikipagtunggali sa ibang batch.

Tinaguriang “Last Man Standing” si Big Bonfits na nagwagi ng unang gantimpala at nag-uwi ng 1 buwang suplay ng siomai, isang boteng toyo, 3 kilong calamansi, 2 box ng toothpick, at 200,000 peso worth of gift certificate sa Siomai Prince. Ang first runner up na si Dane Jamandron ay mag-uuwi ng siomai stand (na wala pang legal franchise), kawali, mantika, at siyanse. Ang second runner up naman na si Andrew B ay mag-uuwi ng tindero na magsisilbi bilang siomai cooker sa loob ng 3 araw. At hindi uuwing gutom ang mga sumali dahil mag-uuwi sila ng buto ng calamansi, paper plate at chili flakes.

Dahil sa matinding pagnanais na makuha ang grand prize, magkakaroon ng isa pang kompetisyon sa darating na Parangal 2017. Tatanghalin kayang Siomai Eating Grand Slam Champion si Big Bonfits? Abangan. // nina Nathan Ramos at Zach Jugo

Spoof Sports: Kyete named Cart Racing Grand Prix Legend



Showcasing an exceptional amount of speed and determination, Kyete came out victorious and was thus proclaimed the first ever Cart Racing Grand Prix Legend in the first ever Cart Racing Grand Prix, held in the Super Mega Ultra Arena.

Despite not having much rest in between, Kyete came out on top in the 3K, 5K, and 1K meter run, in short, all of the events. They were all tightly-contested races but he was still able to post record numbers that will last a lifetime.

Kyete clocked in at 9 minutes in the 3K run, 8 minutes and 30 seconds in the 5K, and an outstanding time of 8 minutes (you saw it right, 8 freaking minutes!) in the 10k run while only spilling 1 cup of gulaman in the process.

Like all other contestants, Kyete was given a cart with 50 (yes 50!) cups of gulaman in it. The goal is to not spill the gulaman while pushing the cart as fast as they can. The first person to reach the finish line with the most cups of gulaman in the cart intact wins the race.

Snakgaroo, the owner of the limited edition flying carts, indestructible suspensions and bulletproof set of wheels, is the event’s principal sponsor and the main reason why there is an event in the first place.

Asked about how he was feeling right after the race, Kyete said: “I actually did well even though I did not complete my training during the off-season. I even banged my knee hard during the 10k but I knew I could finish it. I could not say that I did my best because I’m not a hundred percent but hey I’m bringing home the bacon and that’s what matters the most right? And oh yeah shoutout to my fans, my family, friends and my pet rabbit, Hamber! Got 3 gold medals so we bout to pour some champagne tonight at my place ayt?!?”

We also got an insight on what coach Lactumniss thought on Kyete’s performance: “Man am I honored to have coached the greatest that ever lived. He is a sure fire hall of famer in my book. Someone special will have to be in the same conversation as him. Come on, he won 3 gold medals with a broken freaking knee!”

As bonus rewards, Kyete was given a 6 month free pass in the Super Mega Ultra Arena, 3 kilograms of sago (but no gulaman) and he was rewarded all the carts (and I mean all) used in the competition.

This will truly go down in history as the greatest set of performances put on by an individual. The next grand prix will be held sometime during the summer break. Will somebody be able to match up to the Phenomenal Kyete? I guess we’ll find out! // by Nathan Ramos and Zach Jugo

Feature: A Classic Remastered: Beauty and the Beast



Photo Source : Disney Movies UK

More than two decades have passed since the love story of an odd girl living in a small village and a cursed prince enchanted the hearts of viewers. Now, sixteen years later, Disney’s live-action remake of Beauty and the Beast will take you on a magical journey filled with fascinating animations and Broadway vibes that will make you want to sing, dance, live, and love.

Launched in the country last March 16, the movie was warmly welcomed by fans and newcomers alike. Years after playing Hermione Granger from the Harry Potter franchise, Emma Watson stars as the lovely Belle who unexpectedly meets the frightening Beast, played by Dan Stevens. Celebrities such as Josh Gad, the voice of Olaf from Disney’s Frozen, provide the comedic side of the movie while the narcissistic evil antagonist Gaston is brought to life by Luke Evans. Joining the remarkable cast are popular personalities Ian McKellen, Emma Thompson, Gugu Mbatha-Raw, Ewan McGregor, and the adorable Nathan Mack who voiced talking ornaments Cogsworth, Mrs. Potts, Featherduster, Lumiere, and Chip, respectively. Directed by Academy-Award winning director Bill Candon, the movie has amassed around $690 million dollars since its global premiere.

A tale as old as time

The story of the Beauty and the Beast is instilled forever in the hearts of every Disney fan. Seeing it in live-action made us feel nostalgic about our childhood and made our inner child’s hearts light up knowing that the plot stayed close to what we expected.

During a ball teeming with the wealthy and the elegant, the handsome prince of the castle was faced with the dilemma of dealing with an old lady asking for help. Little did he know that his response to this seemingly trivial encounter would change his life, and those of his people, too. On the other side of the story enters Belle, a girl who, with her books and inquisitive nature, is deemed quite different from everyone else in her village. The fates of these two characters are tied as Belle comes to her father’s rescue after being caught unawares in the prince’s castle.

Unbeknownst to them both, this was the start of a romance that is deeper than skin and a love that sees with the heart, and the rest of the story unfolds in a flurry of strange encounters, musical numbers, and unexpected discoveries.

A song as old as rhyme

This movie didn’t just bring us to a trip down memory lane; it also brought an exemplary whole-package experience to its audience. All of the songs that were sung expressed genuine emotions, making its listeners feel the shift from one lyric to another. Aside from this, the cinematography of the film was beyond what we expected. The colors weren’t at all binary and each frame in the film gave us a clear depiction of what was really happening in the actual scene. We also commend how they presented this classic fairytale in a more realistic and thrilling approach.

The costume and design deserve praises, too. It made believe that what we were watching then was really happening in Paris in the 1700s.

In addition, the cast must be commended for their incredible performance. No matter how small or big their part is, they have this energy that makes the whole picture come to life. It felt as if there were no lead, supporting, and extra actors or actresses because every one of them performed their hearts out. And we believe that these are the small contributions that make a great movie.

A dream come true

We never expected to see the 1991 animation to come to life so vividly. The movie that was once a child’s storybook was turned into something big, influential, and magical. Because this movie wasn’t just made for popularity or fame, it is also a call to every girl to look up to and be like Belle. Watson perfectly portrayed her as a strong, independent woman that would never let a man stand in her way. Also, Belle showed the lengths that one would go for family, especially since her father was all she had left.

Beauty and the Beast also left us an important message in life: we should treat everyone equally, regardless of their looks. We should look deeper than what we see on the surface. Also, it gives people the idea that selfishness is not something you should keep inside heart. We must give, and give, and give as it is the key that will lead us to our happily ever after.

Watching this movie was truly a complete escape from reality. We were enchanted by the capability of one kind soul to change a cold-hearted beast. And we want all of you to watch it and to see the wonders of love and all its magic. //by Hanna David, Jo-ev Guevarra and Zach Jugo

Ask.MC: Pebrero on and on and on



Mayroong dalawampu’t apat na oras sa isang araw.
Pitong araw sa isang linggo.
Apat na linggo sa isang buwan.
At labindalawang buwan sa isang taon.

Sa kabuuan, mayroong 365 na araw sa isang ordinaryong taon habang 366 naman tuwing leap year. Ngunit, kung magkakaroon ng isang himala at tayo’y madaragdagan ng isa pang araw sa Pebrero, anong gagawin mo sa araw na ito?


Feature: Kumpletos Regalos


Mapupuno na naman ang kalsada ng mga may bitbit ng bulaklak, tsokolate, lobo, at mga naglalakihang teddy bear. Magiging pula ulit ang paligid, dahil sa mga pusong nagkalat sa bintana ng mga establisimyento at sa suot ng mga holding-hands-while-walking couples.
Baka naman sawang-sawa na si Mahal sa mga tsokolate at rosas mo at kulang na lang ay pati ikaw magsawa na. Nais mong maiba pero ayaw mo rin namang madismaya siya sa ibibigay mo. Kung ganyan ang problema mo, heto ang limang kakaibang regalo para sa iyong sinisinta:

1. Food bouquet ka ba?
Mcdonald's
Bouquet namang may chance ako sa’yo?
Ito ang bago at kakaibang regalo ngayong Pebrero -- isang bouquet ng pagkain na hinding-hindi malalanta (tulad ng pagmamahal mo), bagkus siya’y mabubusog pa!


2. Hard drive ka ba?
Pinterest

‘Cuz ur driving me crazy.
Kung sawang-sawa na si mahal kay Cardo Dalisay at sa OST nitong “Kung Wala Ka Nang Maintindihan,” ito ang swak na swak na regalo para kay movie buddy. Pwede mo siyang pa-iyakin, pakiligin, patawanin at higit sa lahat, paibigin nang paulit-ulit sa pamamagitan ng mga pelikulang pinaghirapan mong i-download at i-save sa bagong bili mong hard drive. Effective ang mga pelikulang One More Chance at That Thing Called Tadhana para di kanya makalimutan.


3. Tarantula ka ba?
Cafe Press

Kasi natatarantulala ako sa’yo eh.
Madalas nating inireregalo ang mga kyut na kyut na aso, pusa, isda, kuneho, at ibon. Pero kung gusto mong maiba, bigyan mo siya ng tarantula! Tatagal rin ang buhay nito hanggang sa golden anniversary ninyo. Hindi mo na kailangang paliguan, ang pagkain pa nila ay matatagpuan lamang sa inyong bakuran. Hindi na siya mahirap alagaan tipid pa ang hubby mo sa pagkain ng kanyang bagong alaga.

4. Bulletin Board ka ba?
365PSD.com

Kasi hindi ko na-boboard tuwing kasama kita.
Palasak na ang mga scrapbook, love letters at e-mails na ‘yan. Bakit hindi mo i-upgrade ito sa bulletin board na magsisilbing disenyo o wall paper ng kanyang kuwarto. Lagyan na rin ito ng mga mensahe mong siguradong nakakakilig at mga larawang makakapagpaalala sa masasayang panahon ng inyong pagsasama.

5. Audio splitter ka ba?
www.musicmotion.com

Audio-sko, sagutin mo na ako!
Sa halip na magkanya-kanya kayo ng pinakikinggan, bakit ‘di na lang kayo sabay na makinig sa mga paborito ninyong kanta habang naglalakad, at magkahawak ang mga kamay nang walang kamalay-malay?

Kakaiba man, tiyak na maa-appreciate ito ni Bh3! Ang mga regalong ito’y ilan lang sa aming mga suhestiyon para mapaligaya ang mga taong may puwang sa inyong puso. Kahit hindi pangkaraniwang regalo, basta galing sa puso mo, siguradong tatanggapin niya ‘to nang buong-buo. // nina Hanna David, Jo-ev Guevarra, Zach Jugo at Paola Pagulayan

Feature: Serbisyong Totoo


HAPPY RETIREMENT. Nagsagawa ng sorpresang selebrasyon ang mga kasama sa trabaho ni Gng. Lita Capones para sa kaniyang pagreretiro. // Photo credit: Prof. Rachel Ramirez

“Ano pong maitutulong ko sa inyo?”

Ito ang popular na pambungad na tanong ni Gng. Carmelita Capones, o mas kilala nating lahat bilang si Ma’am Lita sa mga estudyante at Ate Lita naman para sa faculty at staff. Nobyembre ng taong 1980 nang una siyang magtrabaho bilang isang clerk sa UP. Dahil sa kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho, unti-unti siyang na-promote hanggang naabot niya ang posisyong Senior Administrative Assistant ng UPIS na kumatawan din bilang sekretarya ng Prinsipal.

Ngunit, sa halos apat na dekadang pananatili niya sa paaralang ito, nakapagtatakang isipin kung paano nga ba siya nagtagal. Ayon sa kanya, ilan sa mga dahilan kung bakit siya umabot ng 37 taon ay: una, ang mga pribilehiyong natanggap niya mula sa prestihiyosong unibersidad; pangalawa, ang kaniyang mga nakasama; at siyempre, ang pagmamahal niya sa kaniyang trabaho.

“Si Ate Lita? Mabait ‘yun! ‘Di madamot, masipag! Isa siyang mentor na tuturuan ka kapag may gusto kang malaman,” kuwento ni Ma’am Domino na isa sa mga nakatrabaho niya.

“She may not be around all the time, but when she is, she does things efficiently,” dagdag naman ni Prop. Donkor, Assistant Principal for Administration.

“Okay na okay! Very accommodating at kapag may problema, kaya niyang i-solve!” sabi naman ni Gng. Lani Zamora, isang malapit na kaibigan at katrabaho rin ni Ma’am Lita.

Mula sa kanyang mga nakasama sa trabaho, naging napakubuti, matulungin at maaasahang empleyado si Ma’am Lita. Hindi lamang niya ibinuhos ang kaniyang sarili sa mga gawain kundi binibigyang-pansin rin niya ang pagkaroon ng magandang relasyon sa kaniyang mga katrabaho at mga pinaglilingkuran. Ipinapakita nitong hindi lamang isang empleyadong nagretiro sa UPIS, kundi isang kaibigan at miyembro ng kanilang pamilya.

Sa kaniyang pagreretiro, nais niyang higit na mapabuti at magkaroon ng mas maraming suporta mula sa Unibersidad, at magkaisa ang buong komunidad ng UPIS. Para naman sa mga susunod sa kanyang yapak ipinapayo niyang maging matiyaga, pasensyoso at maging laging handa sa trabaho. Higit sa lahat, huwag nilang makalimutang ngumiti.

Lubos na nagpapasalamat ang UPIS sa naiambag at naitulong ng nag-iisang Carmelita Y. Capones.// nina Zachary Jugo at Jo-ev Guevarra

Feature: Pinoy Style Christmas



Mula sa pagsapit ng unang araw ng Setyembre, si Jose Mari Chan na ang bumubungad sa ating umaga. Mga kantang Pamasko na rin ang paulit-ulit nating naririnig saanman tayo pumunta. Kinagabihan naman, malamig na simoy ng hangin na ang ating nararamdaman, kasabay ng mga nakabubusog pagmasdang Christmas lights na kumukuti-kutitap sa ating kapitbahay.

BITUIN. Ang parol ay isa sa mga simbolo ng kapaskuhan.
Photo credit: https://www.shopback.ph/blog/post/5-reasons-why-paskong-pinoy-is-the-best

Sa buong mundo, talagang ang mga Pinoy ang may pinakakakaibang paraan ng paggunita ng Pasko. Bakit? Tayong mga Pinoy lamang kasi ang nagdiriwang nito ng halos apat na buwan. Ito ay nagsisimula ng Setyembre at umaabot hanggang sa unang linggo ng Enero kung saan ipinagdiriwang ang Epiphany o ang Pista ng Tatlong Hari. Bukod pa sa kahabaan, engrande rin tayo kung makapag-celebrate. Setyembre pa lang, naglalagay na tayo ng mga dekorasyon sa bahay tulad ng Christmas tree, Christmas lights, parol, at kung anu-ano pa, kaya naman buhay na buhay ang Pasko sa Pilipinas. Kung minsan pa nga, mas nilalagyan natin ng maraming dekorasyon ang labas ng ating bahay kaysa sa loob upang maibahagi ang diwa ng kapaskuhan sa ibang mga tao.

Ang mga Katoliko naman ay mayroon ding Simbang Gabi kung saan siyam na araw bago ang Pasko ay nagsisimba sila ng madaling araw. Pagkatapos ng misa, magsasalu-salo sila sa puto bumbong at bibingka na sasamahan pa ng mainit na tsokolate o ‘di kaya’y matapang na kape. Sa ika-siyam na gabi, isinasadula ang Panunuluyan kung saan ipinapakita ang mga kaganapan bago isilang si Hesukristo. Ang pagsisimula ng Simbang Gabi ay hudyat din ng pangangaroling ng mga bata at matatanda.

SIMBANG GABI. Nakapila ang mga tao para sa siyam na gabing misa bago ang araw ng kapaskuhan. Ginugunita ito upang maisakatuparan ang mga panalangin ng mga deboto kay Hesukristo.
Photo credit: http://www.liberatingjepoy.com/2012_11_01_archive.html

Pagsapit ng bisperas ng Pasko, nagsasama-sama na ang mag-anak sa iisang bahay. May dala silang iba’t ibang pagkain na specialty ng bawat isa. Sa hapag-kainan, hindi pwedeng mawala ang hamon, keso de bola, spaghetti, manok, fruit salad at siyempre ang pinagkakaguluhang lechon na may mansanas pa sa bibig.

Maraming mga tradisyon pa ang ginagawa ng mga Pinoy tuwing Pasko kaya masasabi nating kaiba tayo sa buong mundo. Para sa atin, ang Pasko ang pinakamahalagang kaganapan sa buong taon, hindi tulad sa ibang mga bansa kung saan isang araw lamang ito ipinagdiriwang.
Ang diwa ng Pasko ay hindi lamang pagbibigayan ng regalo, pagsasama-sama ng bawat pamilya, at pagkakaroon ng mga bagong kagamitan. Higit sa mga ito, ang tunay na ipinapahiwatig ng Pasko ay pagmamahalan, pagkakaisa, at siyempre, ang paggunita sa kaarawan ni Hesukristo. //ni Zach Jugo

Feature: (Goodbye and) Thank you, Professor Tandoc



We treat our school as our second home because we spend most of our time in it, devoting almost eight hours inside the campus. In it, we also have our second mothers and fathers—our teachers who play the roles of our parents when we are in school. Without them, we will not be able to learn what we need for the “real” world.

Last October 9, 2016, one of our beloved second parents, Prof. Violeta P. Tandoc, an English teacher at UPIS for 28 years, passed away at the age of 69. Join us as we remember her for who she was: a loving teacher and mother and a good friend and colleague.

Prof. Tandoc to her students or Ma’am Volet to her colleagues is one of the reasons why the UPIS students love the English subject. She is also one of the reasons why the students and the teachers are passionate about their work. Somehow, she touched their lives in different ways.

“Parang mga anak o apo na turing niya sa amin kasi sobrang mag-alaga si Ma’am,” Danna Sumalabe, who was one of Ma’am Tandoc’s 4-Patani advisees in AY 2009-2010, reminisces.

Her students describe her as very generous, kind, and loving. According to them, Ma’am Tandoc did not treat them simply as students; she treated them like her own children. How? Not only by teaching them how to use verbs and adjectives, but also how to deal with and solve their problems. She gave tips and advice on how to improve class presentations and individual performances. She always encouraged her students to do well in class.

“Kapag may problem ka sa English, siya agad ‘yung lalapit sayo para gumawa ng paraan,” says Jaja Ledesma, who was one of Ma’am Tandoc’s students in 4-Sitaw.

To add to that, she was a very hands-on adviser. She made sure that her class would get the first place. She helped them during the practices and gave suggestions on how to improve the performance, and a lot more.

When one student struggled to finish the test and drew all over the paper instead of answering it, Ma’am Tandoc saw the paper with his drawings and complimented him.

“…Sabi niya ang galing ko raw mag-drawing tapos ipagpatuloy ko hanggang college at i-try ko raw yung Fine Arts,” shares Angelo Cinco who was also a member of 4-Sitaw.

She knew that each student has his or her own skills and she encouraged their development.

Ma’am Tandoc’s motherly care extended to her colleagues as well.

Prof. Cathy Atordido who first worked with Ma’am Tandoc in 2006 says that she gave guidance and advice not just on being teachers and advisers but also shared life lessons on marriage and building a family.

Aside from this, she was a good friend to have a nice chat with. She shared stories about the books that she wanted to read, chamber theatre pieces, suggestions on the activities that may be used in class, the recipes that she wanted to cook and a lot more.

ONE LAST SMILE. One of Professor Tandoc's many interests outside work is gardening.
Photo credit: Reggy Tandoc

“Masayahin si Ma’am. Kahit nakakapagod ang trabaho at kahit maraming ginawa, lagi siyang nakangiti at positive,” Ma’am Cathy adds.

Even if their work was very tiring, the smile on her face never faded. She easily got along with others, and they were grateful for all the things that Ma’am Volet has taught them.

Prof. Melanie Donkor, who was one of her closest friends, described her as a sister. She had plenty of stories to tell, with 24 hours not being enough for all her stories.

“I would listen to her… she talks a lot,” Ma’am Donkor says fondly as she remembers Ma’am Tandoc.

After battling illness and an accident, she was still able to overcome challenges in her life. She never gave up and always made sure that those challenges would not bring her down. She always stood up after falling, and made sure that everything will be alright.

“She’s a tough woman; she did not give up so easily,” Ma’am Donkor adds with tears in her eyes.

It is sad to imagine that the new students and teachers were not able to meet a great teacher, friend, and mother like Ma’am Tandoc. And for the people that were able to meet her, the stories, lessons, and memories will always remain in their hearts.

For one last time, goodbye and thank you, Professor Tandoc. // by Zach Jugo

Feature: Certified K-drama-natic ka ba?



Mahal naming mga chinggu~~ ,

Annyeonghaseyo! (ㆁωㆁ*)

Sa panahon ngayon, dumarami na ang tumatangkilik sa Korean Drama o mas kilala sa tawag na K-Drama. May kilala ka bang nakain na ng ganitong sistema? O baka naman nabihag stage pa lang kayo. Tsk. Tsk. (≧▽≦) (>ㅆ<)

May ilan pa ngang mga grupo ng estudyante na nanonood nang sabay-sabay sa laptop ng kapwa nila Koreaboo. Bigla na lang silang magsisigawan at maghahampasan sa sobrang kilig-- ‘yung mga tipong kulang na lang mag-block screening sila at magtatag ng UPIS Korean Fans Club.

Subalit katwiran ng iba, may nakatago umanong dahilan sa kanilang pagkahumaling. Una, masosolb ka raw sa kagwapuhan ng mga oppa o kagandahan ng mga eonnie. Nararamdaman din daw nila ang kilig na ‘di pa nila naranasan sa totoong buhay. Sabi pa nila, may kalaliman at kompleksidad ang mga tauhan dito na ‘di tulad sa mga pangkaraniwang teleserye. Naiba raw ito sa Western films, pagdating sa pagpapahayag ng mga emosyon. Kapag naakit ka na, siguradong mapapasubaybay ka sa interesanteng kwento na para sa lahat ng manunuod. Itanong mo pa kay Gong Yoo!

PAALALA: Inirerekomenda ang sunod na bahagi ng artikulo sa mga kapwa namin Koreaboo. Maghandang ma-convert kung hindi pa ninyo kilala si Lee Min Ho!

Napapahampas ka ba sa kilig kapag naririnig mo ang pangalang Lee Jong-Suk, Kim Woo Bin at Lee Min Ho? Napaiyak ba kayo sa pagtatapos ng Descendants of the Sun, My Love from the Star, at W? Sa mga die-hard fans, alamin kung gaano kayo ka-beterano pagdating sa larangan ng K-Drama.



Level 1: Watcher - Dito nagsisimula ang lahat ng fans. Nanonood sila ng K-drama trailers o commercials na ipapalabas pa lang sa TV. Unti-unti, nagiging curious sila at nagsisimula na silang manood. Sila rin ‘yung nalilito pa sa mga karakter ng palabas kasi para sa mga watcher, magkakamukha silang lahat.



Level 2: Recruit – Alam na nila kung ano ang totoong pangalan ng mga karakter at hinahanap nila ang mga ito sa Google. Siyempre kapag may nakitang gwapong picture ni Lee Jong-suk, diretso ang pag-download o screenshot nila ‘dyan at gagawin pang wallpaper ng cellphone. Nakikipag-away pa nga sila sa mga kaibigan kung pareho nilang wallpaper ang isang aktor. Mahilig din silang mag-abang ng updates at makinig sa Original Soundtracks (OST). ~Aaalmooost paaaradiise!



Level 3: Marathlete/Varsity/Zombies – Sa stage na ito, araw-araw ang pagmamarathon ng K-drama. Madalas na hindi na sila nag-aaral, natutulog, naliligo, at kumakain para lang matapos ang isang serye. Mukha na silang zombies sa laki ng eyebags at para na silang duling sa kababasa ng English subtitles. Kung may sports lang ang pagmamarathon ng K-drama, sila na ang MVP at sila na ang makakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.



Level 4: FilEano – “Annyeonghaseyo!”, “Saranghaeyo”, “Oppa”, “Eonnie”, “Kamsahamnida!” – ganyan na magsalita ang mga chinggu (kaibigan) nating nasa Level 4. Para silang kalahating Pilipino, kalahating Koreano-FilEano. Talagang inaalam nila sa Google kung paano magsalita ng Koreano para hindi na sila maduling kakabasa ng subtitles. Nanood din sila ng youtube videos na “How to be Korean” at iba pa, alang-alang sa paglevel-up.



Level 5: Full-time Korean - Kapag nakita mo sila, mapagkakamalan mo silang Koreano dahil sa mala-Koreanong buhok (may full bangs) at maputi nilang kutis na halatang dinaan sa papaya soap. Pati sa mga mall ay nakabihis Koreano sila! Sila rin ‘yung mga taong araw o gabi man, kimchi ang kinakain. Imposibleng mahanap ang facebook account nila dahil pati pangalan ay naka-Hangugeo. Subukan mo silang alukin ng tiket papuntang Korea; kahit sa North, hindi ‘yan magdadalawang-isip tanggapin!

Ngayon mga chinggu, saang antas na kayo ng K-baliwan? // nina Zach Jugo at Layla Wadi


Pinagkunan ng mga larawan:
http://67.media.tumblr.com/5998354710b77055660c508387ecdcf8/tumblr_nfoumyTNHi1sl7awmo5_1280.png
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/564x/50/bd/7a/50bd7a7c2cc48ab99d6fcd768bd01dcc.jpg
https://media.giphy.com/media/GX7yzYXlqB0e4/giphy-facebook_s.jpg
Source
http://i0.wp.com/www.hellokpop.com/wp-content/uploads/2015/05/1345936147_4of5s3ry_22.jpg?resize=660%2C400
https://i.guim.co.uk/img/static/sys-images/Guardian/Pix/pictures/2013/4/29/1367253942785/Soldiers-of-the-Korean-Pe-008.jpg?w=620&q=55&auto=format&usm=12&fit=max&s=ff547ba016642303a6188e686061b2a4)

Feature: MCTraditions

Nakaugalian na ng mga nagiging Media Center Staff ang magpakilala ng mga bagong publishing themes taun-taon. Di nagtagal, nakilala ang mga ito bilang publishing traditions na inaabangan at tinatangkilik ng mga masugid na mambabasa ng Ang Aninag Online. Ilang sa mga ito ay ang:


#MCPakisabi
Ang Pagsilang ng Isang Manunulat

Sa MCPakisabi nagsimulang makilala ang karamihan sa mga tinatangkilik na writers kagaya nina Faber Castell 0.7, Dimples, Noisetier at Saviour of the Broken! Pinasimulan ito ng MC 1 Batch 2015 noong Agosto 21, 2014 upang makapagpahayag ng damdamin ang mga mag-aaral ng UPIS.

Ang teaser na ito ay likha ni MC2 2015 Art Director Aemel De Leon
para sa ikatlong edisyon ng MCPakisabi.

Maliban dito, nagsilbi rin itong paraan upang madiskubre ng MC Staff ang mga estudyanteng may taglay na talento sa pagsusulat. Hinihikayat namin ang mga estudyante na magpasa ng kanilang mga akda na maaari naming mailathala sa Ang Aninag Online tuwing pub tradition na ito.

O, ano pa ang hinihintay ninyo? Magpasa na at sumama sa MC Family! Sa pub na ito, kayong mga mambabasa namin ang bida! // by Fiel Delos Reyes


#MCAnniversary
#everythingisaboutMC



Itinatag noong Agosto 27, 2011 ang Ang Aninag Online kaya naman espesyal sa lahat ng naging bahagi MC ang buwan ng Agosto. Tradisyon na ang pub day na ito dahil hindi lamang ito nagpapaalala sa pagkakabuo ng online site, nagsisilbi rin itong reunion ng MC Alumni dahil naiimbitahan silang muli na magsulat ng mga artikulo na mailalathala sa gabi ng selebrasyon.

Sa MCAnniversary nila masayang binabalik-balikan ang mga hindi nila mallilimutang karanasan sa work program na ito. Madarama mo rin ang patuloy na suporta ng alumni sa pub tradition na ito dahil sabi nga nila,
"Ang MC ay forever."
by Hanna David

#MCSagutan
Inaasahang Kasagutan mula sa ‘di Inaasahang Tao

Kailangan mo ba ng sasagot sa mga tanong mo sa buhay? Aba’y itigil na ang paghahanap dahil maaari mo na ngayong idaan ‘yan sa MC Sagutan!

Ang MC Sagutan ay isang tradisyong nagsimula noong Marso 7, 2015 sa ilalim ng MC2 2015. Sa tradisyong ito, nagpapasa ang MC staff (at ilang non-staff) ng mga kathang sasagutin ng ibang manunulat. Ang MC Learning Coordinators naman ang nagsasabi kung kaninong akda ang sasagutin ng kung sino.

Siyempre, espesyal dito ang palitan ng mga saloobin at damdamin, lalo pa’t hindi mo kilala ang taong sasagot! Kapana-panabik din ito para sa manunulat dahil hindi niya alam kung kaninong gawa ang kaniyang sinasagot. (Uy, malay mo si crush pala! Sulat na ‘yan!) Sa tradisyong ito, hindi imposibleng mahanap mo ang tamang tao na makasasagot sa puso.. este, sa mga tanong mo. // by Layla Wadi


#DiMaAninag
Halo halo. Gulo gulo. Labo labo.

Malungkot ka ba? Gusto mo bang malimutan ang iyong mga problema? Idaan mo na lang iyan sa kasiyahan na dala ng aming DiMaAninag! Kung hindi pa ninyo narinig, ang Di MaAninag ay isang kakatuwang pub tradition ng MC dahil ito ay ang spoof edition ng Ang Aninag Online.

Isa ito sa pinaka-inaabangang pub dahil sa mga nakakatuwang artikulo na nagbibigay kasiyahan sa mga tagasubaybay ng MC. Binubuo ito ng spoof news, spoof feature articles, at spoof literary works. Spoof lahat at bawal ang sawi! Isang beses kada semestre ginaganap ang pub, madalas tuwing Oktubre at Marso, at ito ang nagiging pangalawa sa huling pub ng MC.

Ang Spoof Edition Ed Board ng MC 2013, sa pangunguna ni Eric Madriaga,
ang kauna-unahang nakapaglathala ng Di MaAninag Online.

Sinimulan ito ng MC 2013 at unang inilabas noong Oktubre 3, 2012. Ayon sa Feature Article na The MC 2013 Dictionary, nagsimula ito nang may magsulat ng isang balita tungkol sa trending topic ng pagkapanalo ng isang kalahok sa Pinoy Big Brother (PBB). Mula noon, naging tradisyon na sa MC ang Di Maaninag- tradisyong magpapangiti sa lahat ng sawi, at magpapatawa sa lahat ng umaasa! by Zach Jugo

Ang #MCPaps ng MC2 2015 ang isa sa mga pinakasikat na edisyon ng Di MaAninag Online.


#MCValentines
Lahat ay Nag-uugat Sa Pag-ibig

Ito ang pub para sa lahat ng umiibig, iniibig, at di na muli pang iibig!

Sinimulan ito ng MC2 2014 dahil gusto nila ng isang pub na may masasayang akda at nakapokus sa tema ng pag-ibig. Ang kanilang pub ay pinamagatang Tatlong Araw ng mga Puso at inilathala mula Pebrero 12 hanggang 14, 2014.

Dahil sa mga hugot article ng mga manunulat, marami ang nakaka-relate sa mga artikulong nalathala sa pub day na ito kaya naman isa ito sa mga sikat at inaabangang pub tradition ng MC tuwing buwan ng Pebrero.

Kung ikaw ay sawi, masaya sa love life, o naghahanap ka lamang ng magpapakilig sa iyong puso, ang pub na ito ay bagay na bagay para sa iyo! // by Joev Guevarra

Spoof Feature: @upisOTPs

Bae, mahal, mami, dhie, bb, bbq, cupcake, muffin, munchzkie at kung anu ano pa, ilan lang to sa mga tawagan ng milyung milyong mag-jowa, mag-syota, mag-on, mag-MU at may malanding ugnayan.

At sa dami ng nagmamahalang ito, mayroong iilang couple na totoo talagang nagsastand out. At ito ang ilan sa kanila :

1. Jeje Couple
Sila ang mag-jowang hindi mo maintindihan. Literal na hindi mo maintindihan dahil parang mauubusan sila ng letters at symbols sa keyboard kaya ginagamit nila halos lahat sa bawat post.

Jeje Couple

2. Cool Couple
Sila ang mag-bae na puro paghahashtag at pag-eemoji. Sila yung sobrang cool na sana nanigas na
lang sila.

Cool


3. Nerdy Couple
Sila yung kung mag-date, study date. Kulang na lang mag-candlelight dinner sila sa library para makaperfect sa exam at the same time makapaglambingan.

Nerdy

4. Nerdy x Hottie Couple
Sila yung hindi mo inaasahang magjowa. Pero kadalasan tinuturuan ni nerdy si hottie sa mga lesson na hindi niya maintindihan, habang si hottie naman tinuturuan si nerdy sa PE para perfect niya rin.

Nerdy x Hottie

5. Clingy Couple
Sila yung hindi mo mapaghihiwalay. Lahat na lang inaalam. Lahat na lang pinagseselosan.

Clingy