feature,
Sa ating modernong panahon, ang pagkuha ng larawan ay simbilis ng isang pindot. Subalit, sa sobrang uso ngayon ng digital cameras at memory cards, minsan nakakalimutan na natin ang halaga ng isang larawan.
Pero isipin ninyo… Sige pumikit kayo… Paano kung bumalik tayo sa sinaunang panahon kung saan film pa ang gamit sa mga kamera, kung saan ang bawat shot ay mahalaga? Paano kung iisang shot na lang ang natitira sa rolyo ng film mo? Sino o ano ang iyong kukuhanan?
Para sa mga batang ito, ang kahuli-hulihang film ay gagamitin nila para sa mga importanteng bagay o tao sa kanilang buhay. Maraming sumagot na nais nilang kuhanan ng litrato ang kanilang pamilya, para sa simpleng dahilan na mahal nila ito. May iba namang kukuhanan daw ang mga bagay na nagpapaligaya sa kanila, paboritong hayop man ito o paboritong lugar.
May mga bagay pala na simple man para sa karamihan ay nakapagpapaligaya na sa iba. Marami palang mumunting bagay sa buhay at sa mundo na pwedeng maghatid ng saya, kung magmamasid lang tayo nang maigi. //nina Hanna David at Zach Jugo
Ask. MC: Kung may huling litrato kang kukuhaan, ano o sino ito?

0 comments: