filipino,
Naranasan mo na bang ma-in-love nang patago dahil strict ang parents mo? O ‘di kaya naitago mo na ba ang namamagitan sa inyong dalawa kasi natatakot kang mahusgahan ng mga tao? O kung minsan, naranasan mo na bang ayaw mong ipaalam sa mga kaibigan mo ang tungkol sa crush mo dahil kilala mo naman sila, baka ibuking ka lang? Alam kong napagdaanan mo na ang kahit isa sa mga nasabi ko.
Hindi ba’t mahirap? Pero kahit ganoon, tuloy ka pa rin kasi mahal mo. Ganyan talaga sa pag-ibig, maraming hadlang, maraming pagsubok pero sa huli, mananaig pa rin ang pagmamahal at kasiyahan.
Pero kailangan ko ring linawin sa iyo: hindi sa lahat ng pagkakataon ganito ang pag-ibig. May mga pagkakataong hindi ito nagtatapos sa masayang eksena ang dalawang nagmamahalan.
Gusto mong malaman? Makinig ka.
Sa simula pa lang, alam kong ikaw na talaga. Noon, kitang-kita sa mga mata at labi ko na sobra mo akong napapangiti. Oras- oras tayong magkasama, lagi tayong magkausap at lahat ng ‘yon ay ating pinahalagahan. Ngunit dumating ang isang pagsubok na kinailangan nating harapin.
Nalaman ng iyong mga magulang na may namamagitan na nga sa atin. Labag na labag iyon sa kanilang kalooban. Magmula noon, ang dati nating oras-oras na pagsasama ay naging minuto na lang. Kadalasan nga hindi na tayo nagkikita para sa ikabubuti mo. Ang dating halakhak na naririnig ko mula sa sa’yo ay naging pag-iyak dahil sa lahat ng ito. Nasasaktan ka na.
Naisip kong iwanan ka na lang. Marahil iyon ang kailangan para sumaya ka. Hindi ba’t mas importante naman talaga ang pamilya bago ang tayo? Kaso hindi ko masabi iyon sa’yo, hindi ko magawa dahil baka kung anong isipin mo. Hinintay ko na lang na sa’yo mismo manggaling ang desisyon. Ilang taon kong tiniis na makita kang nasasaktan dahil sa nangyayari sa atin, hanggang sa ikaw na mismo ang tumapos ng lahat.
Malaya ka na ngayon, masaya sa pilling ng iba. Mabuti nang lumigaya ka sa piling niya kaysa naman manatiling yakap-yakap mo ang iyong basang unan na puno ng luha dahil sa’kin. Kung kailangan kong magpakalayo, sige gagawin ko. Ganoon naman ‘pag mahal mo ‘di ba? Handa mong isakripisyo ang lahat pati na ang dinaramdam ng iyong puso. Ang nais ko lang ngayon ay makitang muli ang dating ikaw, kung gaano ka kaligayang nagmamahal, umiibig, kahit hindi na ako ang taong mahal mo.
Literary: Minahal. Minamahal.
Naranasan mo na bang magmahal nang patago?

0 comments: