feature,
Sabi ng matatanda, iba na ang panahon ngayon. Siguro nga totoo. Laganap na ang tweets, vlogs, at pictures, kung saan instant nating naibabahagi ang mga ganap sa ating buhay. At kung sumasabay ka sa tech trend, alam mong sa dami ng apps na pagpipilian ay may nag-angkin na ng trono sa pinakasikat na photo at video sharing app:
ANG INSTAGRAM.
Maraming tao, maging mga taga-UPIS, ang mayroong account dito. At siyempre dahil diyan, palagi kaming naghahanap ng lugar kung saan pwede kaming mga instagram users na magpaka-candid, fierce, artsy o kahit maging amateur high-fashion models. Sa kabutihang palad, puno ng magagandang lugar ang UPIS para sa mga taong nagbabalak na pagandahin o bigyan ng bagong timpla ang kanilang IG feed.
1. BRICKS
Walang estudyante sa UPIS ang hindi pa nakakapagpakuha ng litrato sa lugar na mas kilala natin bilang "bricks" o brick wall. Tampok itong puntahan ng mga estudyante lalo na kung sila'y may mga aktibidad sa paaralan tulad ng UPIS Week, Buwan ng Wika, Culminating Activity sa Musika, at marami pang iba. Nangingibabaw ang kulay ng sinumang pumuwesto roon, sa bricks na medyo mapusyaw ang pagkapula. Dagdag pa rito, hindi ka na mangangailangan pa ng dagdag na pailaw dahil sapat na ang lighting na binibigay ng araw.
2. UPIS SIGNAGE
Pagpasok pa lamang sa ating paaralan, bubungad na ang pagkalaki-laki, pagkaputi-puti, at pagkalapad-lapad na mga letra ng U-P-I-S. Makikita ito sa harap ng eskwelahan, kalapit ng rebulto ni Lorna. Ito'y isa sa mga lugar na palaging nakikita sa litrato ng mga taong bumibisita sa UPIS sapagkat perpekto talaga ito para sa groupfies o group pictures. Dagdag pa diyan, may natural na liwanag, berdeng landscape, at matitingkad na halamang nakapalibot at lalong nagpapaganda sa lugar. Kaya naman huwag na huwag kayong aalis sa UPIS nang hindi kayo nakakakuha ng kahit isang selfie rito!
3. PARKING LOT
Makikita ito sa likod ng Administration Building sa tapat ng parking lot. Ang lakas maka-gubat ng background hindi ba? Aakalain nilang nasa gitna ka ng kagubatan pero ang hindi nila alam ay nasa loob lang ‘yan ng UPIS. Nagbibigay rin ito ng mala-nature lover vibe na babagay sa IG feed ninuman!
4. ROCKMAN
Idagdag mo na rin ang lugar na ‘to sa nature-loving mong IG feed. Matatagpuan ang Rockman sa likod ng Administration Building. Kaunting sakripisyo’t pasensya lang sa mga naka-slacks o palda sa pag-upo sa maputik at makating damuhan dahil sulit naman ang inyong IG-worthy post.
5. HALLWAY SA TAPAT NG CLINIC
May three-point perspective kayong makikita at samahan mo lang ng magandang pose ay talagang mapapa-#feedgoals ka na sa IG! Iba talaga ang istruktura ng mga lugar dito sa UPIS sapagkat nailapat pa nila ang ilang aspeto sa arkitektura at sining. Ang lakas maka-artsy, hindi ba?
6. UPIS GYM
Pangalawa sa huli ay ang pinakabago’t pinakamalinis na UPIS gymnasium! Maraming parte ng gym ang magandang pagkuhaan ng larawan at isa na rito ang mga pintuan nito. Kaunting side-view lang at tamang anggulo ang kailangan o ‘di kaya pwede ring gawing background ang mga pintuan dahil sa simple ngunit malakas na datingan ng disenyo nito. Tingnan natin kung hindi mapa-wow ang followers mo at hanapin kung saan ka nagpapicture.
7. HAGDAN
Madalas itong dinaraanan ngunit hindi nakikita ng marami ang kagandahan ng hagdang ito ng UPIS. Ito ang bubungad sa inyo papasok ng Academic Building. Kasimplehan, malawak na espasyo, at dagdag na levelling o blocking ang naibibigay nito para sa mga taong gustong magpakuha ng litrato. Kalimitang ginagamit ito ng malalaking grupo tulad ng varsity teams ng Track and Field at Swimming, pero pwede pa rin itong gamitin ninuman lalo na ng mga gustong magdagdag ng mas kakaibang anggulo sa kanilang litrato. Pagdating sa IG-worthy posts, hindi kayo bibiguin ng natural aesthetic look na nabibigay ng mga halama’t bulaklak na pumapaligid sa lugar.
Sa pagkalaki-laki ng mga gusali at sa lawak ng lupain ng buong UPIS, hinding-hindi kayo dapat malimitahan sa walong lugar na inilista namin. Paganahin niyo lang ang inyong imahinasyon upang magkaroon pa ng mas maraming ideya para sa susunod ninyong photoshoot. Tandaan, walang mas gaganda at mas dadami pa ng likes sa posts na bunga ng inyong pagkamalikhain! //nina Jaja Ledesma at, Jo-ev Guevarra
Feature: IG-worthy Places In UPIS

0 comments: