barcode,
Takot ako sa ulan
At sa kasabay nitong kulog at kidlat
Sa lakas ng hanging dala nito
At sa kulimlim na itinatakip nito sa langit
Takot ako sa karagatan
At sa lalim ng tubig-alat nito
Sa taas ng mga along naglalakbay rito
At sa mga sikretong tinatago ng ilalim nito
Takot ako sa dilim
At sa kapahamakang maaring idulot nito
Sa mga multong nagtatago sa paligid nito
At sa pag-iisang ipinaparamdam nito
Takot ako sa maraming bagay
Pati na sa pag-ibig
Takot akong magmahal
At sa bagyo ng damdaming ibinibigay nito
Sa dagat ng pagdududang meron ito
At sa dilim ng mga alaalang maari nitong ibalik
Pero dumating ka’t pinili mo ako
Tinuro mo kung paanong maging matapang
Tinuro mong
Kahit mabasa ako ng ulan
Ay may bahagharing lilitaw pa rin sa kalangitan
Kahit mapunta man ako sa gitna ng malalalim na dagat
Ay may magagandang dalampasigan ang nag-aabang sa akin
Kahit na mag-isa ako sa dilim
Ay may milyon-milyong bituin ang gumagabay sa akin
At ngayon, kahit wala ka na
Pinipili ko pa ring tandaan ang iyong huling mga salita
“Piliin mong magmahal
Kahit na paghihintayin, paaasahin, at sasaktan ka nito
Dahil darating rin ang araw
Na mamahalin ka rin ng taong pinili mo”
Literary: Takot Ako

0 comments: