filipino,
Klaro pa sa ‘kin ang huling limang minuto
Nang yumuko ka’t humugot ng lakas
Mula sa kaibuturan ng iyong pagkatao.
Alam kong darating ang araw na ito.
Nakita ko kung paano mo inangat ang iyong ulo,
Dahan-dahan upang pagmasdan ang lumulubog na araw
Sa ating harapan,
At wala akong nasambit kundi
‘Sandali,’
Pinagmamasdan ko ang papalubog na sandali
Sumisilay sa dulo ng liwanag,
Nagbabakasakali, nagbabakasakali
Na tingnan mo ako,
Sa aking mga mata
Subalit tadhana na ang nagdikta
Sa kung anong dapat tanawin at ang hindi na –
Maaari.
Kung maaari lamang baliktarin ang mundo,
Upang umatras ang paglubog nito,
Kung maaari lamang hawiin ang dagat,
Upang makalapit sa kabilang dulo,
‘Pagkat naaalala ko pa ang huling limang minuto
Katabi kita sa baybayin ng Roxas
Ngunit napakalayo,
Napakalayo ng iyong tingin, alam ko
Na sa huling limang minuto,
Ipinikit ko ang mata ng aking puso.
Binuksan ang mga mata nang aking marinig,
Ang katahimikan sa dako.
Tinanggap na balang araw,
Balang araw,
Lulubog ang sinag sa aking puso
Dahil ang lahat ng akin ay parating para sa ‘yo
At bukas, makalawa
O sa panahong ‘di ko alam kung darating pa,
Tanggap ko
Na ang huling limang minutong ito–
Sa larawan na lamang masisilayan ng puso
Literary: Bawat Segundo

0 comments: