beca sinchongco,
Bumisita ang mga mag-aaral at guro ng Save Our Schools Network noong Setyembre 19 sa UP Integrated School (UPIS) upang magsagawa ng talakayan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng Lakbayan 2017.
Tatlong kabataang Lumad ang bumisita upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa kani-kanilang rehiyon. Nagtanghal din sa pagtitipon si G. Ronald Bazue, isang gurong kalahok sa Lakbayan at inilahad niya ang tunay na kalagayan ng pambansang minorya sa pamamagitan ng kanyang tulang sagutan.
Ang naganap na forum ay isang paanyaya mula sa paaralang Hustisya, isang organisasyong tumutulong sa Sandugo na siyang nag-oorganisa ng Lakbayan 2017. Pinangasiwaan ito ni G. Brenson Andres na puno ng Departamento ng Araling Panlipunan (AP), at nina Joey Ricarte at JR Agudes na mula rin sa Hustisya.
Samantala, nagtungo naman sa Kampuhan sa UP Stud Farm ang mga mag-aaral ng Community Development at mga miyembro ng Kilusang Araling Panlipunan mula Grado 3-10. Lumahok sila sa programa ng immersion kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalakayan sa mga kasapi ng iba’t ibang pangkat ng mga pambansang minorya mula sa iba’t ibang rehiyon.
Hinikayat sa naturang mga gawain ang suporta ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng social media at pagbabahagi sa tunay na kalagayan ng pambansang minorya. Hinikayat din silang maging mga volunteer sa Concerned Students for Justice and Peace (CSJP) upang higit na maisulong ang pambansang pagkakaisa.
Ang Lakbayan ay isang pagtitipon ng mga pambansang minorya na taun-taong isinasagawa sa pamumuno ng Sandugo, isang alyansa ng pambansang minorya at mga pangkat-etniko sa Pilipinas. Sinimulan ito taong 2014. //nina Beca Sinchongco at Marianne Sasing
UPIS, nakiisa sa Lakbayan 2017
Bumisita ang mga mag-aaral at guro ng Save Our Schools Network noong Setyembre 19 sa UP Integrated School (UPIS) upang magsagawa ng talakayan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng Lakbayan 2017.
PANININDIGAN. Ipinahayag ng mga katutubo ang kanilang tunay na layunin sapaglahok sa mga kilos-protesta. Photo credit: Iszy Taj Ono Catangcatang |
Tatlong kabataang Lumad ang bumisita upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa kani-kanilang rehiyon. Nagtanghal din sa pagtitipon si G. Ronald Bazue, isang gurong kalahok sa Lakbayan at inilahad niya ang tunay na kalagayan ng pambansang minorya sa pamamagitan ng kanyang tulang sagutan.
Ang naganap na forum ay isang paanyaya mula sa paaralang Hustisya, isang organisasyong tumutulong sa Sandugo na siyang nag-oorganisa ng Lakbayan 2017. Pinangasiwaan ito ni G. Brenson Andres na puno ng Departamento ng Araling Panlipunan (AP), at nina Joey Ricarte at JR Agudes na mula rin sa Hustisya.
Samantala, nagtungo naman sa Kampuhan sa UP Stud Farm ang mga mag-aaral ng Community Development at mga miyembro ng Kilusang Araling Panlipunan mula Grado 3-10. Lumahok sila sa programa ng immersion kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalakayan sa mga kasapi ng iba’t ibang pangkat ng mga pambansang minorya mula sa iba’t ibang rehiyon.
Hinikayat sa naturang mga gawain ang suporta ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng social media at pagbabahagi sa tunay na kalagayan ng pambansang minorya. Hinikayat din silang maging mga volunteer sa Concerned Students for Justice and Peace (CSJP) upang higit na maisulong ang pambansang pagkakaisa.
SALAM. Ibinahagi ng isang kinatawan ng mga Moro sa mga mag-aaral ng Grado 12 ang kasaysayan at kalagayan ng mga katutubong Moro sa Mindanao. Photo Credit: Edge Balangayan Uyanguren |
0 comments: