filipino,
Sa bayan kung saan
Ang araw ay lumulubog sa silangan
Mayroong mga pook
At lansangan
Na bumubukod
Sa mga tao’t gusali
Sa bayan kung saan
Ang araw ay sumisikat sa kanluran
Mayroong mga pook
Na hindi nasisinagan
At nalalakaran lamang
Sa mga kanto at kalsada
Sa bayan kung saan
Ang araw ay pula at kahel
Buhat ng mga pangarap
At samu’t saring pangako
Lumulubog ang pag-asa
Sa bawat salitang ipinapako
Sa ating mga puso
Ngunit kung sa bayan na ito
Ika’y matatagpuan
Titiyakin ko na sa kanluran
Maisusulat ang aking mga pangako
At sa silangan mo makikita
Na ikaw
At ikaw
Ang natatanging perlas.
Literary: Isla ng Silangan
Sa bayan kung saan
Ang araw ay lumulubog sa silangan
Mayroong mga pook
At lansangan
Na bumubukod
Sa mga tao’t gusali
Sa bayan kung saan
Ang araw ay sumisikat sa kanluran
Mayroong mga pook
Na hindi nasisinagan
At nalalakaran lamang
Sa mga kanto at kalsada
Sa bayan kung saan
Ang araw ay pula at kahel
Buhat ng mga pangarap
At samu’t saring pangako
Lumulubog ang pag-asa
Sa bawat salitang ipinapako
Sa ating mga puso
Ngunit kung sa bayan na ito
Ika’y matatagpuan
Titiyakin ko na sa kanluran
Maisusulat ang aking mga pangako
At sa silangan mo makikita
Na ikaw
At ikaw
Ang natatanging perlas.
0 comments: