cedric jacobo,
Limang piling mag-aaral mula sa Grado 11 ang lumahok sa Martial Law Commemoration: Never Forget, Never Again sa Media Center ng College of Mass Communication (CMC) noong Setyembre 16.
Kinatawan nina Ezra Bustamante, Wenona Catubig, Storm Gatchalian, Anne Roxette Ticman, at Patience Ventura ang UPIS sa kumperensiya na proyekto ng University of the Philippines College of Mass Communication Interdependent Student-centered Activism (UP CMC ISA). Nilalayon nitong imulat ang mga mag-aaral hinggil sa epektong dala ng Batas Militar at himukin silang bumuo at magpahayag ng kanilang opinyon.
Nagkaroon ng tatlong bahagi ang komemorasyon - forum, essay writing, at poster making contest. Sumabak sina Gatchalian at Ventura sa essay writing habang sina Bustamante, Catubig at Ticman naman ang lumahok sa poster making.
Maliban sa mga patimpalak, sumali rin ang mga mag-aaral sa isang forum na tampok ang ilang personalidad mula sa akademiya, pamahalaan, at media. Tinalakay ng guro na si Prof. Zarina Joy Santos ang “Martial Law and Society” kaugnay sa pangkasaysayan at panlipunang aspeto ng Batas Militar. Nagbahagi naman ng mga personal na karanasan bilang biktima ng Martial Law sina G. Roberto Verzola, G. Ramon Sto. Domingo at isinalaysay ni Bb. Precy Dagooc ng Teatrong Bayan ang kuwento ni Tsong Levy dela Cruz noong panahon ng Batas Militar. Samantala, tinalakay rin ng editor-in-chief ng Philippine Collegian na si Ms. Mary Joy Capistrano ang kaugnayan at papel ng kabataan sa pagsulong ng katotohanan sa isyu. Sa huling bahagi, inilahad ng commisioner ng Commission on Human Rights na si Hon. Roberto Cadiz ang kalagayan ng karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar. // Ni Cedric Jacobo
ERRATUM: Bilang pagtatama sa naunang artikulo, lumahok sa poster making contest si Roan Ticman sa halip na sa essay writing contest.
UPIS, kasama sa pag-alala ng batas militar

REALIDAD NG BATAS MILITAR. Maiging sinagot ni G. Ramon Sto. Domingo ang katanungan sa Q&A ng open forum kasama ang ibang panauhing tagapagsalita. Photo credit: UP CMC ISA |

0 comments: