danna sumalabe,
“Pambansang Minorya, Ngayon ay lumalaban!”
Ito ang ilan sa mga sigaw ng mga katutubong sumali sa Lakbayan 2017 nitong Agosto 31 hanggang Setyembre 22. Layunin ng ating mga kapatid na katutubo ang maipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao, edukasyon at lupa. Nanggaling sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga dumalo sa ikatlong taon ng Lakbayan. Narito ang ilan sa mga larawang nagpapakita ng kanilang kalagayan sa Sitio Sandugo o Kampuhan na kanilang naging tahanan sa loob ng ilang linggo.
Photo Series: Lakbayan 2017

LAKBAYAN 2017. Sinalubong ni Ate Jam, isang lumad, ang mga estudyante’t bisita upang magbigay ng pangunang impormasyon sa sitwasyon ng mga pambansang minorya sa kasalukuyan. |
KUWENTUHAN. Isa-isang
isinalaysay ng mga datu mula sa Mindanao
ang kani-kanilang karanasan tungkol sa mga pang-aabuso at pang-aapi sa kanila
ng mga militar.
|
KALUNGKUTAN. Malungkot na nagkwento ang isang ginang mula sa Kagan Tribe ng Davao patungkol sa kanyang mga karanasan sa nangyayaring Martial Law sa Mindanao. |
PIGHATI. Makikitaan ng galit at lungkot ang isang lalaki mula sa tribong Kagan habang inaalala ang nangyaring pagkamkam ng kanilang mga lupain. |
GALIT. Galit na ibinahagi ni Datu Leobin ang pagkamkam at pagkuha ng mga militar sa mga paaralan sa kanilang komunidad sa Agusan del sur. |
PAGBABAHAGI. Maingat na sinasalin ni Datu Jomo ng Bukidnon ang mga karanasan at mensahe ng mga kapatid nating Moro sa wikang Filipino. |
SA ILALIM NG ARAW. Makikitang nagbibilad ng mga isda ang isang ginang mula Luzon upang ibenta’t kainin. |
MANGAN TAYO. Pinagsaluhan ng ilang mga katutubo mula sa Luzon ang simpleng tanghaliang tuyo’t kanin. |
PAHINGA. Isang moro mula sa Southern Mindanao region ang nagpapahinga sa kanyang gawang duyan. |
LIBANGAN. Dalawang lalaki mula sa Luzon ang nagpapalipas-oras sa pamamagitan paggamit ng mga bato sa paglalaro ng dama. |
ALAY SINING. Sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang obra, itinataguyod ng isang artist ang karapatan ng mga kapatid nating katutubo. |
PAGHAHANDA. Maiging nagpa-praktis ng sayaw ang isang grupo ng kabataan para sa kanilang magiging presentasyon sa magaganap na programang kultural sa Lakabayan 2017. |
PAKITANG GILAS. Ibinahagi ng isang tribong Lumad ang isa sa mga tradisyunal na sayaw ng kanilang kultura. |
0 comments: