Showing posts with label zumba. Show all posts

Zumba Part 2, muling sinuportahan ng UPIS Community

Muling dinaluhan ng kaguruan, magulang at mga estudyante ang Zumba Part 2 ng UPIS Varsity Swimming Team noong Biyernes, Agosto 22, 2014 sa College of Social Welfare and Community Development, UP Diliman.

Bukod sa sayawan, nagkaroon rin ng raffle na pinamunuan ng UPIS Varsity Swimming Team kung saan namigay sila ng mga neon towels para sa mga nakilahok.

Bagamat mas marami ang dumalo sa Zumba Part 1, naging masaya at makabuluhan rin ang ikalawang Zumba activity ng kuponan. Naging masaya at produktibo ang programa dahil na rin sa magandang adhikain ng mga ito. Liban dito, ito rin ang nagsilbing fund raising activity ng UPIS Swimming Team upang makalikom pondo na inilalaan naman nila sa kanilang mga darating na laban sa UAAP.

Naki-indak at sumuporta rin sa fundraising activity na ito ang UP College Swimming Team.
Sasabak sa UAAP Season ’77 ang UPIS Swimming Team sa ika-2 hanggang ika-5 ng Setyembre 2014. / nina Trisha Serrano at Juneau Villanueva

Mga mag-aaral at guro nakiindak sa Zumba with the Swimmers

Ginananap ang fundraising event ng UPIS Swimming Team na “Zumba with the Swimmers” noong Hulyo 25, 2014 sa UP CSWCD.
Photo credit: Juneau Villanueva

Ito ang kauna-unahang pagkakataong naisagawa ang ganitong uri ng fundraising event. Nakilahok sa Zumba ang ilan sa mga guro at staff ng UPIS, mga estudyante, at maging ang UP College Swim Team. Nagkaroon din ng raffle kung saan maaaring Manalo ng neon shirt at iba pa.

Gagamitin ang perang nakuha upang makatulong sa gastusin sa darating na UAAP sa Trace College, Los Banos sa Setyembre 18-22.

Dahil sa pagkakaroon ng magandang feedback mula sa lahat ng sumali, nagpaplano muli ang Swimming Team na magkaroon ng Zumba Party na gaganapin naman sa huling linggo ng Agosto. / ni Juneau Villanueva