Showing posts with label behind the scenes. Show all posts
Power: BTS 2017

“KUMPLETO NA BA?”
Sa pagbubukas ng akademikong taon 2016-2017, kahit na last school year pa kami nagtatrabaho sa Ang Aninag Online, opisyal na kaming naging Media Center 2018 (MC2018).
Binuo na ang editorial staff at nagsimula na ang isa na namang di malilimutang pub year.
Alam niyo ba, maraming maraming marami (x1000000) kaming ginagawa. Ikukwento ko sa inyo ang isang karaniwang meeting/araw/linggo/buwan sa buhay ng isang taga-MC.
-----
“OKAY… KINIG MUNA!”
So… ayun… Magsisimula ang lahat sa pag-iisip ng topic.
Mag-iisip ka, hindi maaapprove kaya mag-iisip ka na naman. Mga ilang ulit mo yan gagawin bago ka mabigyan ng go-signal.
Maghahabol ka ng iinterviewhin. Maghahanap ka ng iba’t ibang sources. Mahihirapan kang magsulat. Pero siyempre, makakapagpasa ka pa rin!
Mag-eedit ka. Makukulangan ka. Magbabalik ka. Magrerevise sila. Mag-eedit ka ulit sabay fact check pa dahil minsang magka-erratum dahil sa’yo, hindi mo na gugustuhing maulit pa.
Mag-iisip ka ng taglines. Maggugupit. Magdidikit. Magkukulay. Magfaflatlay. Magpapa-Christmas lights. Gagamitan mo pa ng Encantadia powers para artsy ang banners.
“ANUNAG?”
Naihanda mo na lahat pero dahil wala ka pang headline o title o skel o cutline na katanggap-tanggap, hindi pa tapos ang trabaho mo. Ilang libong salita na yata ang napaghalo-halo mo pero ang sinasabi pa rin sa’yo: “Iba pa.”
Bihirang makalusot ang kalokohang titles mo kaya naisip mong bumawi sa pangalan ng poll. Kahit alam mong masasabihan kang “Wala ba nung may class naman?” ipinilit mo pa rin ang mga “samPoll” at “diPoll” level mong suggestions.
Pero di pa rin umubra kaya sa hashtags na lang. Baka doon makalusot ang wit mo.
#hideMCeek
#MC7up
#huManraCe
#MotherChildren
#ManyCreatures
#MCWow
#MagCabaliktad
#MagCaugnay
#MCumpisal
#AminanOnline
Binigay mo na lahat, madam! Naumay ka na, natuyo na ang utak mo, napiga mo na lahat ng creative juices pero… mag-iisip ka pa ulit. Ulit. Ulit.
“ANONG NANGYAYARI?”
Araw na ng pub. Akala mo ready na lahat at matiwasay na mapopost at mapopromote ang mga articles at lits.
Kaya lang… May kulang.
Kulang na info. Kulang na picture. Kulang na cutline. Kulang na teaser. Kulang na staff. Kulang na oras.
Maitatanong mo talaga kay Great Lord Jaena kung ano ba ang kasalanan mo noong past writing life mo at pinarurusahan ka niya ng ganito.
“TRABAHO MO ‘YAN!”
Madalas, halos wala ka nang oras para sa ibang bagay. Kinain ka na ng MC (at thesis, suri, campaign, script, docu). Wala ka nang life. Si Kuya Ferdie na lang ang ka-text mo para buksan ang room. Umiiyak ka na kasi iniiwan ka ng mga barkada mo dahil hindi na nila mahintay ang katapusan ng paghihintay mo sa kulang na materials.
Minsan masama na ang loob mo dahil kahit hindi mo kasalanan, sapagkat ikaw ang naiiwan sa huli, ikaw ang nasisisi.
Pero kahit ganoon at kahit sa 35 na pumasok at nagtrabaho, 34 na ang umuwi at ikaw na ang last man/woman standing, dahil alam mo ang responsibilidad mo sa grupo, gagawin mo pa rin ito.
“’WAG AKO! PAGOD AKO!”
Tao ka lang, napapagod rin. Kaya minsan nagsasawa ka na. Dumadating ka sa puntong bibitaw ka na. Nalilimutan mo na ang dapat mong nagawa o naipasa. Wala ka nang pake.
Kaya papatayin mo na lang lahat ng ilaw sa room, bubuksan mo ang air-con kahit alam mong bawal, at matutulog ka. Paggising mo, iba ang pinagagalitan dahil sa’yo. Dahan-dahan kang lalabas ng room. Maghihilamos ka. Magpapahangin. Hihingang malalim.
Aakuin mo na ang kasalanan mo. Babalik ka at hihingi ng paumanhin.
Natuto ka na.
“POWER!”
Gagawa ka ng paraan para maibalik ang dati mong sigla sa trabaho.
Makikipagkuwentuhan ka ulit at makikipagbiruan. Kayo’y magchichikahan, mag-aasaran, minsa’y magkakapikunan pero madalas magtatawanan.
Susubukan mong sabihin ang mga hindi mo nasabi o masabi. Susulat kang muli. Bibigkas ka ng madamdaming tula. Tutugtog ka. At kahit sintunado ka, lalakasan mo ang loob mo, kakapalan mo ang mukha mo, at kakanta ka kasama ng crush mo.
Sa gitna ng malakas na sigawan at palakpakan, makikita mo kung gaano karami ang sumusuporta sa’yo at sa mga kasama mo.
Maiisip niyo kung gaano kahalaga ang trabaho niyo. Mararamdaman niyo ang kasiyahan, katatawanan, kalungkutan, o kasawiang dulot niyo sa buhay ng ibang tao. Makikita niyo ang oras na kanilang inilalaan at pagmamahal na kanilang binibigay.
Naiintindihan mo na. Handa ka na. Magsisimula ka nang muli.
-----
“ONE… TWO… THREE… SMIIIIIILEEEEEE!”
Marahil isa sa mga pinakamagandang naidulot ng K-12 program sa MC ay naging tatlong semestre na ang work program. Mas nakakapagod, oo. Mas marami ring trabaho. Pero mas marami ring pagkakataon at mas mahaba ang panahon na itama ang mga pagkakamali, pagbutihin pa ang serbisyo, at mag-enjoy kasama ang mga kaibigan na itinuturing mo nang kapamilya.
Para sa inyo na aming mga masugid na mambabasa, maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa MC! Kahit maraming requirements, kahit napakagulo namin sa inyong mga timeline pag pub night, salamat po at palagi kayong nandiyan para basahin o panoorin ang aming mga pinaghirapang ihanda para sa inyo. Asahan ninyong patuloy po naming pagbubutihin ang aming trabaho.
At para sa mahal naming MC2018, hindi man namin ito madalas maiparating pero sana’y alam ninyo na lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa at isinasakripisyo niyo para sa MC. Proud na proud kami sa inyo at sa lahat ng nagawa, nasimulan, at naipagpatuloy ninyo. Tiwala kaming mas malayo pa ang mararating ninyo.
Cheers to one more year! Let’s make it count.
BTS 2016: The Promise of the Future

To say that this has been a challenging publishing year is an understatement.
In the beginning it was uncertain. Ma'am Wena and I were not sure if we could pull off the usual weekly publishing (pub) nights without an editorial board and with a staff that has not yet been trained in anything Journalism.
But I guess the easiest part of this pub year was deciding that we were keeping Media Center and Ang Aninag Online up and running, even if we'd have to do triple, sometimes, quadruple the work.
We decided on biweekly themed pubs with mostly literary articles while the staff members are still being given training on the more technical aspects--newswriting, editorial, and layouting, among others.
Why? For the sake of continuing? Yes, you could say that. It would be difficult to see something into which you've put a lot of effort and time wither and go to waste. Out of duty and responsibility? Of course. That is always a major consideration. But more than anything, I can honestly say that it is just because of our love for the kind of work we do. As simple as that.
Thus, we, as Media Center 2018 (MC2018), the first editorial staff under the K-12 program, had the unenviable task of filling in the big shoes left by every other successful ed staff before us.
In my almost 6 years as MC learning coordinator, I'd say that this academic year has the record number of obstacles we had to dodge and problems we had to solve.
We had to deal with leaked hashtags, squealed pen names, creative ruts, late to no submissions, and busy schedules while constantly trying to put the most efficient system into place given the situation. This, of course, is putting it lightly. ;) The staff can tell you just how busy/stressful/high-pressure/intense the MC behind the scenes environment is.
But I can honestly say, too, that even before we have seen them in action, even when they still had little to no knowledge of pub work, I think there is no better group of people to take on this challenge than MC2018.
I am witness to how they have bloomed gracefully as writers and to how each of them gradually found their writing identity.
That they are creative, interested, and talented is without question. More than that, however, they seem to have taken to heart the unspoken rule to make each masterpiece better than the last.
So, together, we started with a blank canvas which we painted with life's different hues by writing the songs in our hearts. We made memories worthy of being captured on film. We chased dreams and took you to different places.
Now, we promise to continue to make you laugh and cry, to break your hearts then mend them, and to discover and inspire writers and readers who will further strengthen the UPIS literary tradition.
So to you our dear readers, both occasional and avid, we will never tire of saying thank you for your neverending support. It is our pleasure to provide you with stories that would stay with you for a long time.
And to MC2018, we have always been amazed of your raw potential and we are excited to see you soar to even greater publishing heights.
We are so proud of how far you've come though our journey has barely begun. With you at the helm, the future is bright.
MC is definitely in good hands.
Dear Future MC
Humanda kang mabuko ang lahat ng pinakatago-tago mong mga sikreto dahil ang MC ang pinakamagaling maghukay. Matututo ka ring maging honest sa sarili mo. Kaya ‘wag matakot maglabas ng feels sa mga article. Pero wag niyong uubusin ang patience nina Ma’am Cathy at Ma’am Wena. Mahalin niyo sila. Hahaha. And just enjoy what you do! :)
- Noelle Lumbre, Writer (MC1 2015)
Hi guys! Pinagsisisihan niyo na ba? (HAHA joke lang!) Ang demanding di ba? Dahil pati sa bahay nagtatrabaho ka, nagsusulat, nagpopromote, etc. Pero galingan ninyo! Maging masipag kayo. ‘Wag magpasa ng mediocre work at magpasa on time! Sana rin madami kayong hugot para madali lang buhay niyo, haha. Sana grumaduate kayo! <3 <3
- Raine Abaya, Writer (MC2 2015)
Ang MC ang pinakanakakabaliw dahil di ka lang patatawanin sa mga usapan habang klase pero paiiyakin ka rin sa dami ng kailangang gawin. Mag-promote kayo tuwing publishing day para matalo niyo record namin at para di magalit sina Ma’am CatWeng dahil di niyo magugustuhan ang mangyayari. Wag rin kayo mag-aaway-away sa klase. Prioritize well at wag na wag mag-procrastinate dahil kayo rin ang mahihirapan. Nasa huli ang pagsisisi (pati na rin ang pandidiri sabi nga ni Ma’am Cathy).
- Patricia Enriquez, Writer (MC2 2015)
Mag-isip ka ng topic na makakarelate ang karamihan sa students. Maganda lalo kung unique pero may laman. May mga times na mahihirapan kang maglagay ng title sa mga lits at headlines sa mga news mo pero kahit wala ka nang maisip na isulat, kailangan pa rin ipilit!!! Maging masaya lalo na kung work session dahil may free food HAHA! Pero enjoy, promise!
- Camille Lita, Writer (MC2 2015)
Wag kayong matakot maging vulnerable. Puhunan ninyo yung emotions niyo, gamitin niyo siya to its full potential. Magiging best friend niyo rin ang Merriam Webster kapag nagsusulat kayo ng English lit. I-enjoy niyo rin ang work program na ‘to kasi masaya siya. Relax ka lang. Wag mong masyadong i-stress ang sarili. :)
- Zita Pedragosa, Writer (MC2 2015)
Ang MC ang pinaka-masaya na subject/work program dahil feeling mo hindi talaga siya subject, tapos tuwing matatapos yung klase mafefeel mo na nag-enjoy ka talaga. Kikiligin ka rin dahil malalaman mong maraming tao ang nakakaappreciate sa ginagawa niyo. Kung may doubt kayo o pagsisisi sa inyong mga isip, tanggalin niyo na, i-enjoy niyo lang habang MC pa kayo. Siya nga pala, yung kuweba natin, paki-ingatan. Panatilihing sagrado ang ating kulto :))
- Aina Ramolete, Writer (MC2 2015)
Maha-hassle ka dahil sobrang daming requirements. Pero puro articles lang ang gagawin mo. Kaya punuin mo na ang quota mo para chill ka na lang kahit bawal ang naka-chill. Dapat laging may ginagawa.
- Uriel Sunga, Writer (MC2 2015)
Matuto kang pahalagahan ang oras. Aabot ang work program mo hanggang 6:00 pm. Pero MC ang pinakaastig dahil nae-enjoy mo ang ginagawa mo. Write as much as you can. Cooperate with your fellow MC peeps. And enjoy!
- Julou Tirol, Writer (MC2 2015)
Ang MC ang pinaka-risible and ruminative yet tenacious and fervent na work program. Oha 'di ko alam ang ibig sabihin nun. Pero ang alam ko, pag nasa MC ka, mararanasan mo ang lahat ng PINAKA sa buong sem mo.
Kung gusto mo talagang ma-enjoy ng mga mambabasa ang gawa mo, handa ka dapat magbigay ng todong effort. Sobrang mae-enjoy mo 'yang MC. Kapag hindi ka nag-enjoy, e di hindi hahahahahaha may magagawa ba ako dun? Good luck! :)
- Don Oriel, Sports Editor (MC1 2015)
Alam kong kinakabahan kayo sa mga kailangan ninyong gampanan bilang MC pero isa rin ito sa mga pinakamasayang bahagi ng Grade 10 life. Inaabangan ko ito tuwing Wed-Fri.
Magtiwala lang kayo sa inyong mga sarili. Magsulat ka ng lits para maipahayag ang iyong feelings. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang pagpapakita ng husay at pagkamalikhain ng isang UPIS student.
- Katreena Nulud, Literary Editor (MC1 2015)
Maghanap kayo ng hugot kung saan-saan—sa water fountain, Econ, kay Sir Brenson, atbp. Matututo kayong mag-Photoshop o magmukhang marunong mag-Photoshop. Patawanin niyo ang mga nagbabasa kasi pinaiyak na namin sila. Good luck sa mga projects at try ninyong simulan nang maaga para may tulog kayo. Huwag iwala ang artiks bago magpub. Follow your dreams, never give up, smile, breathe, cry, and remember: MC is everything.
- Kathlyn Hebron, Art Director (MC1 2015)
Sa MC, natuto akong bigyang boses ang tinta ng bolpen ko, at bigyang buhay ang mga blangkong papel na mayroon ako. Ibuga mo lahat ng kasipagang maibubuga mo, kailangan mo yan. Pag nagkaroon ka ng writer's block, isipin mo lang yung crush mo, may masusulat ka na. Higit sa lahat, maging masaya at i-enjoy lang ang pagiging MC! Magugulat ka sa kapangyarihan ng imahinasyon mo. God bless you!
- Christine Bailon, Associate Editor - Filipino (MC1 2015)
Sa first day, malulunod kayo sa dami ng gagawin pero sa mga susunod na araw… malulunod pa rin kayo. Haha! Pero pwede naman kayong magpatugtog ng Hiram, Pangako Sa’yo, at Isang Linggong Pag-ibig habang may klase. Pwede ring magpalaro ng Agawang Talong sa last day.
Sinasabi ko na sa inyo, hindi niyo pagsisisihan ang pagiging MC dahil marami kayong madi-discover na mga shocking news and revelations wow hahaha jk! Pwera biro, marami talaga kayong matututunan at magiging close pa kayo. Good luck sa inyo!
- Anna Punzalan, Managing Editor (MC1 2015)
Ang MC ang pinaka-nakakaattach na asignatura dahil huhugot at huhugot ka kahit anong mangyari. Tapos dahil dun sa hugot na 'yun maaappreciate mo ang pagsusulat hanggang sa maging natural na sa'yo ito. #PowerofHugot Sa MC, kailangan ng kahit onti lang, or medyo lang, ay may angkin kang kabaliwan dahil hindi ka makakasurvive kung completely mentally stable ka. Lahat kasi ng bagay kakailanganin mong isipin at maisip, lalo na kapag nagsusulat ka na ng lits with matching theme. Mahalin niyo ang MC. Ang pagsusulat. Kasi ipinapangako ko sa inyo na magiging madali, masaya, at kailanma'y hindi ninyo iisiping trabaho ito kapag ginawa niyo 'yun. Sobra talagang fulfilling nung entire thing.
- Jesica Caneca, Editor in Chief (MC1 2015)
Ang MC ang pinakamahirap dahil maraming requirements. Pero panindigan mo ang MC dahil pinili mo yan. Mas masaya naman ito kaysa sa ibang work programs kaso mas matrabaho rin. Humanda ka nang bumalik-balik sa school ng summer dahil sa Sulyap ninyo.
- Andrei Vertudes, Literary Editor (MC2 2015)
Maging masipag ka, lalo na kung magpapub kayo ng gabi. Kahit di ka masyadong magaling magsulat, basta masipag ka, okay na! :) Ang MC ang pinakamasayang work program dahil kahit maraming ginagawa, masaya pa rin kasi marami kayong magtutulong-tulong para matapos agad.
- Nicole Rabang, News Editor (MC2 2015)
Allergic ka siguro sa pahinga. Andito ka eh. Pero ang MC ang pinaka-rewarding lalo na kapag nakita mo ang impact ng ginawa mo sa readers. Kung gusto mo maging Art Director, mag-ipon ka ng maraming ideas, magsearch ng maraming art blogs para makakuha ng inspirasyon lalo na pag pub day at, higit sa lahat, wag kang tatamarin kundi gg ka!
- Aemel de Leon, Art Director (MC2 2015)
1) Seryosohin ninyo itong work program na ito.
2) Hindi ito biro, swear. Nalaman kong mahirap ang aking pinasukang work program.
3) Huwag mag-volunteer sa paggawa ng video for K-12 kasi sobrang madugo at nakakaiyak huhuhu.
- Reisa Elgincolin, Associate Editor – English (MC2 2015)
Ang MC ang pinaka-horror dahil nakasalalay sa iilang tao ang paggraduate mo. ‘Wag kayong magka-crunchtime ng pub day. Kumpletuhin niyo agad ‘yung required article count especially yung news articles kasi mahirap humagilap niyan. ‘Wag kayong mag-CoC lang habang may work session. At siyempre, ‘wag niyong gagalitin sina Ma’am. :)
- Macky Barrientos, Associate Editor – Filipino (MC2 2015)
Maging handa ka sa mga gagawin dahil karamihan ng oras mo dito mapupunta. Kahit tapos na ang class hours, may klase pa rin kayo. Dapat matuto kang chumismis para malaman mo ang mga bagong balita lalo na sa paghahanap kung sino ang mga nagsubmit ng lits. Kahit pinaka-nakakasabaw dahil mauubusan ka ng ideya kakasulat, pinakabongga rin naman dahil may party at free food.
- Arienne Baladad, Managing Editor (MC2 2015)
Hi! Isasama kita sa aking mga panalangin. Alam kong kakayanin mo ito. Koya/’Teh, wala nang atrasan. Maloloka ka sa work program na ito dahil dito, lahat ng emosyon pwede mong maranasan sa ilang minutong pag-upo mo sa silya. Mapapatunayan mo nang #everythingisaboutMC o kaya naman na #MCisLife. Kayanin mo ‘yan. Matulog ka na habang maaga pa. :p
- Quiela Salazar, Editor in Chief (MC2 2015)
-----
Dear Former MC,
Kamusta na kayo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Hehe. :)
Maraming salamat! Lahat ng inyong ideya, kuwento, balita,
chika, kagalingan, kalokohan, pawis, hirap, lungkot, kaba, saya, at tagumpay ay
nagamit naming puhunan sa pagpapabuti ng mga sumunod na publication at MC staff.
Tunay na hindi malilimutan ang mga opinyong at ideyang inyong ibinahagi sa panulat, mga
emosyong inyong ibinuhos sa papel, at ang mga karakter na inyong
binigyang-buhay sa mga kuwento. Dahil sa
inyong mga naiambag, naging matagumpay ang Work Program na ito. Higit sa lahat, kinagiliwan at kinaabangan ng
mga mambabasa ang bawat artikulong ibinibahagi ng MC. Tunay na kayo at ang higit pang mga nauna sa
inyo ang naging pundasyon ng programa ng Media Center.
Alam namin na bilang MC (o kahit bilang tao na nga lang
hehe) hindi kayo nauubusan ng sasabihin at isusulat kaya sana’y alam niyo rin
na laging bukas ang mga pahina ng Ang
Aninag para sa inyo.
See you again! :)
Dear Future MC,
Sana okay pa kayo diyan. Hehe. :)
Kung kayo’y kabado, natatakot, o nagsisisi na dahil sa mga
sinasabi nila tungkol sa dami ng requirements, pag-oovertime, at pagtatrabaho
hanggang summer… sige lang. Totoo naman lahat ‘yan. Hindi namin ipagkakaila.
Pero sinisigurado rin namin na kayo ay maraming matututuhan
habang nasisiyahan at nag-eenjoy! :) Kung gaano kayo matutuwa at mag-eenjoy, aba, depende na ‘yon sa inyo.
Mas madalas sa minsan, makakahanap ka ng barkada at pamilya
sa mga kasama mo sa MC. Iba ang bonding na dulot ng sama-samang pagtatrabaho
mula sa simula hanggang matapos—mula sa pag-iisip
ng ipapublish at pakikinig (at minsan pang-aasar) sa mga ideas at hugot,
hanggang sa pagsusulat at pagpo-promote. Mararanasan ninyo na bukod sa
kakayahan, talento, at talino, mahalaga rin ang pakikisama, pagtitiwala, at
pananalig sa isa’t isa.
Maaaring masabi ninyong nakakapagod, pero sa huli babawiin
n’yo rin yun. Pagkat walang katumbas ang
matatamis na ngiti ng mga readers kapag nagustuhan nila ang articles. Walang katumbas ang papuri ng mambabasa kapag
nakita nila ang husay ng pagkakasulat ng literary ninyo. Ang pagod, lungkot, hirap, at pagkayamot sa
tambak na trabaho ay nawawala dahil sa mga tumatangkilik ng inyong gawain.
Hinihintay na namin kayo sa MC. Excited na kaming makatrabaho kayo.
See you soon! :)
Dear MC 2015,
Lagi naming sinasabi na may tatak ang bawat MC staff na
dumadaan sa amin. Kayo, MC 2015 ang
pinakaadik naming batch.
Para sa MC1, Kayo ang nagpasimula ng hashtags bilang theme ng bawat publishing. Naging sikat din ang MCPakisabi dahil sa
inyo. Unang batch kayo, na kung saan,
inabot ng dalawang araw ang publishing day mapagbigyan lamang ang submissions
ng iba. Sa batch n’yo rin nanggaling ang
mga pinakahugot na mga article. Bihira
kayong magsulat ng Happy Lits, mas madalas sawi at malungkot.
Kahit ilang beses kaming na-stress sa inyo dahil sa
pagkawala ng ilang articles, at hindi pagiging ready sa pub, proud kami sa inyo
dahil natural, sa kabila nun nakatapos pa rin kayo sa inyong work program :). At marami kayong naidagdag na bago sa
programa. Ipinakikita lamang nito ang
inyong pagiging malikhain at kasipagan sa pag-iisip ng mga bago.
Para sa MC2, 1st place kayo pagdating sa bilang
ng views ng site dahil sa #MCPaps.
Natalo ninyo ang mga batch na nauna sa inyo. 1st place din kayo sa kabaitan at
katahimikan pag nagtatrabaho (kahit sa MC party tahimik. Sobra).
Ang totoo di kami makapaniwala na magkakaroon kami tahimik na MC
staff. Ilang beses na rin naming sinabi
sa isa’t isa ‘yun na para bang nananginip lang kami kaya kailangan naming
ulit-ulitin sa sarili naming na tahimik kayo.
2nd place naman kayo sa pagiging OC. Lahat ng bagay kailangang tignang mabuti at balikan na, masasabi naming
mainam naman. Hindi kayo umuuwi hanggat
hindi tapos ang lahat ng kailangan (kahit pa pub day). Kinailangan nyo pang orasan ang mga sarili
ninyo para ma-remind kayo na kailangan ninyong umuwi na nang bahay dahil may MC
rin sa bahay. Pangalawa kayo sa lahat na
nakakapuno ng MC board kakasulat ng schedule :). Pero, sa totoo, bilib na bilib kami sa inyo.
Mahusay kayong sumulat (kaya di kami nahirapang mag-edit), mag-isip,
marami kayong ideas. Higit sa lahat, mahusay kayong mag-handle ng pressure sa
trabaho.
Naging masaya kami na kasama kayo. Naging matagumpay ang MC
ngayong taon dahil sa inyo. Hindi namin
pinagsasawaan ang pag-handle ng work program na ito pagkat nandiyan kayo at ang
iba pang MC batch (na nauna sa inyo at siguro’y susunod pa) na talaga namang
kahanga-hanga. Kaya, sa inyo MC 2015,
maraming salamat!
Love,
Ma’am CatWeng5, 10, 15... The MC 2015 Behind the Scenes
5 Katangian ng Taga-MC
1. Inuunang gumawa ng articles kaysa sa ibang requirements. – Macky Barrientos
2. Nakakakain ka at nakakapag-earphones sa 2:30 pm class mo ng Malaya. – Aina Ramolete
3. Ang notifs lang sa Facebook ay mga posts sa MC group. – Andrei Vertudes
4. Tumatawa na lang bigla dahil sa biglaang pag-alala sa mga usapan sa loob ng MC Room. – Don Oriel
5. Ma-Chika, May Concern, at Ma-curious (PINILIT HAHAHAHA) sa mga bagay-bagay. – Anna Punzalan
-----
10 Bagay na Kailangan sa MC
1. Hugot o inspirasyon dahil ito ang mga susi para sa magaganda at makabagbag-damdaming mga article. – Kathlyn Hebron, Katreena Nulud, Quiela Salazar, Arienne Baladad, Macky Barrientos
2. Sources… para sa balita, feature, at… sources para malaman mo kung sino ang mga nagsusubmit sa #MCPakisabi. – Anna Punzalan
3. Matinding time management skills dahil napakaraming ginagawa nang sabay-sabay. – Aemel de Leon
4. Focus at kasipagan dahil maraming kailangang tapusin at maiiwanan ka ng mga kasama kapag hindi mo sinimulan agad. Mahihirapan ka rin pag sunod-sunod na ang requirements mo dito. – Aina Ramolete, Julou Tirol
5. Patience dahil matagal maghintay sa taong nagsusulat ng lit. – Andrei Vertudes
6. Dedikasyon dahil hindi kayo gagraduate kapag di kayo lahat gumagawa. Hehehe. – Zita Pedragosa
7. Kape dahil kailangan mong manatiling gising para makagawa ng requirements. – Nicole Rabang
8. WiFi dahil… wala lang. Para fun! Haha. – Raine Abaya
9. Determination, wits, fighting spirit, at puso dahil mare-realize mo na kaya mong gumawa ng mga bagay na ikatutuwa ng mga tao sa paligid mo kapag nabasa nila iyon. Pero bago 'yon, 'wag mo namang kalimutang magdala ng bolpen at papel. Dami mo ngang dinadamdam, wala ka pa palang panulat. – Don Oriel
10. Kagitingan dahil balang araw haharapin mo ang iyong mga pagkukulang. – Uriel Sunga
-----
10 Matututunan o Malalaman sa MC
1. Iba talaga kapag kaya niyong mag-work together within the group. – Zita Pedragosa
2. Mag-multitask. – Macky Barrientos
3. Magtype nang mabilis pero may typo, maging organized, gumawa ng typogs, at magpub. – Arienne Baladad
4. Maging chismosa HAHAHAHAHAHA. Kailangan eh para may masulat HAHA. – Raine Abaya
5. Manahimik kapag chika time kasi… HAHAHAHAHA! Secret! :)) – Camille Lita
6. Hindi magandang mag-react kaagad sa sarili mong suggestion. #parakayMC – Katreena Nulud
7. Mag-dinner sa oras na pa-midnight snack na ang ibang tao. HAHAHA. – Anna Punzalan
8. Maging malungkot kahit masaya kasi mas madaling magsulat ng lit na malungkot. – Patricia Enriquez
9. Patuloy na pagtawa at ngiti kahit na ilang beses ka nang sinasampal nina Stress, Pressure, at Time. – Don Oriel
10. Paano maging panginoon ng crunchtime. – Aemel de Leon
10 Pub na Hindi Malilimutan
1. #ParaKayMC
Memorable ang paghahanda para sa pub na ito dahil wala nang maisip na hashtag pero na-inspire ang isang staff ng lit na Para Kay A. Habang tahimik ang lahat, bigla niyang naisigaw: “Para kay MC!” Hindi pa nakakareact ang iba, naidagdag niya, “Ay. Okay,” sabay tayo at lipat ng upuan. Kami’y natawa dahil initials yun ng crush niya.
2. #MCPakisabi
Nabuo ang publishing tradition na ito nang mapansin na mas marami na ang submissions kaysa sa naisulat ng staff. Ang hashtag ay inspired ng tulang Pakisabi na sinubmit ni Manuel at sinagot ng Sabi-sabi ni Feeling Natalie. Sa pamamagitan ng pub na ito, napatunayan naming malaki ang writing potential ng UPIS students at nalaman naming marami silang feelings.
3. #MCAnniversary
Hinanap at pinakiusapan ang mga dating MC staff na magsulat at mag-submit para sa pub na ito. Special ito dahil bukod sa nagsilbi itong reunion, isa rin itong pagpapatunay na once you’ve been part of MC, you will always be a part of it.
4. #MC1Month
Isang buwan na lang ang natitira bago ipasa ng MC1 2015 ang kanilang mga responsibilidad sa MC2. Ready na lahat ng typogs para sa pub at handa na rin silang magpromote pero… nang magsisimula na, naku, nawawala ang banner article! Hindi malaman kung na kanino. Sinubukang isulat ulit ngunit hindi na umabot. Dahil doon, hinding-hindi malilimutan ng MC1 ang tanging pub na naunsyami ngayong taon. Dagdag pa rito ang pagharap nila sa mga naiinis na adviser.
5. #MCGeneration
Memorable para sa MC1 ang pub na ito dahil nang maupo si Don Oriel bilang Di MaAninag Online EIC, two weeks yata silang walang ginawa kundi mantrip, manlaglag, at humalakhak. Muntik pang magkabatuhan ng upuan at magbangayan dahil dito. Ang #MCGeneration ay inspired ng teaser na ito:
Kilala rin ang pub na ito bilang #MCNaNulud dahil noong mga panahong kailangang-kailangan ang pagiging ME ni Katreena Nulud, nasa Japan siya. Sa MC, kapag absent ka maghanda ka na dahil ikaw ang topic at biktima ng chikahan. Kaya bihira ang absent takot silang mapag-usapan.
6. #UndertheMC
Pero sa kalagitnaan ng pub, nalunod sa kaba ang staff dahil biglang nag-announce na lalabas na ang results ng UPCAT. Ayun, dedma ang beauty ng mga article. Hanggang ngayon hinayang na hinayang kami sa pub day na ito.
7. #MCPaps
Ito na ang pinakapopular na edisyon ng Di MaAninag Online. Sa pamumuno (at pagsasakripisyo) ni EIC Macky Barrientos, napahalakhak at napuno ng good vibes ang UPIS online community. Dahil sa pagkahulog ni Bochog, sa kapogian ni Carlo, sa mga deboto ni Jama, at sa mga reklamo ni Sinigang na Adobo, umani ito ng halos 2000 hits in 2 days. Nilampasan ang lahat ng pub day simula nang mag-online ang Ang Aninag.
8. #MCSagutan
Medyo matagal pinag-isipan ng MC2 2015 kung ano ang publishing tradition na kanilang iiwanan. At dahil nauuso at pumapatok ang sagutan lits, naisip ni Ma’am Cathy magbunutan ang staff at magreply sa lit na isusulat ng partner nila. Wala nga namang thrill masyado kaya sabi ng MC2, submissions ang sasagutin nila. Hindi nila alam kung sino ang nagsulat ng nireplyan nila pero hindi sila makatiis kaya hinanap at pinagtanong pa rin nila. Umabot pa sila sa puntong nakikipag-bargain na sila ng ibang chismis kapalit ng name ng writer.
9. #MC365
Wala pang kalahati ng sem, naisip na ang theme na “time” at nakapagsulat na rin ng articles para dito. Ngunit hanggang sa araw ng pub, wala pa ring maisip na hashtag. Ilan sa mga suggestions ang MClock, MCentury, MCconds, MCgundo, at MCcondToTheLast hanggang sa nauwi sa #MC365. Lahat ng title ng lits para dito ay may kinalaman sa oras at halos lahat ay malungkot o sawi ang nilalaman.
10. #LoveMC
Wala na sigurong mas espesyal pa sa pub na ito dahil ito ang huling pub bago mailipat sa K-12 program ang MC. Maaaring isa’t kalahating taon pa bago muling buksan ang Ang Aninag Online kaya sinulit na ng mga staff, writers, contributors, at readers. Naramdaman namin sa dalawang pub night na ito how much we all #LoveMC.
-----
15 Palatandaan na ikaw ay taga-MC2015
1. Unang meeting pa lang nagplano na kayo ng design ng ID at t-shirt. Maganda! MC na MC talaga. Kakaiba. Naka-print ang pen name tapos may illustration ng camera, papel, ballpen at iba pang madalas gamitin sa MC. Sosyal pa ang kulay—teal. Pero… nangalahati na ang sem… hanggang natapos na ang sem… tapos na rin ang taon… wala. Wala pa rin kayong ID at t-shirt.
2. Isa sa mga unang ipinagawa sa inyo ay brainstorming ng CW project. Sige lang plano lang. Kahit ano pupuwede. Kahit nga “joke time” lang ang konsepto, tinanggap. Kayo naman ang mahihirapan eh. Pero sa CW niyo napatotohanan na may success story sa joke dahil kahit isang linggo niyong pinagtripan ang mga pangalan at pangyayari, mauuwi pa rin naman sa relatable na kwento ng mga interesting na characters kagaya ng mayabang at wrong-gramming lord na si Kevin, grammar nazi na si Jia, genius mama’s boy na si Matty, at arte girl Math whiz na si CohCoh.
3. Mula nang magkaroon ng Ang Aninag Online, kayo pa lang ang MC na naka-survive ng walang maayos na computer at walang laptop ang Art Director. Kering-keri niyong i-manual labor ang pub days!
4. Kayo ang nagsimula ng mga pub day na may hashtag at theme. May mga pub kayong nakaabot ng 2800+ hits at marami rin kayong pub na umabot ng 1,000+. Ganoon siguro talaga pag spammer ang mga EIC at hindi nahihiyang magpost sa lahat ng group (kahit yung mga nabaon na sa limot at napaglumaan na ng panahon) sa Facebook.
5. Sa inyo ang unang beses na online ang mga EIC sa first pub days ng sem. Konti lang ang pub days na na-cram n’yo. Mga dalawang beses lang kayo nag-apologize para sa di natuloy na pub day—noon lang nakawala kayo ng mahalagang article na naging dahilan kaya nadismaya ang pub. Hindi lang isang beses napaaga ang pub day. Pero hindi niyo pa rin na-break ang sumpa ng MC—third quarter na, wala pang grade, at summer na, pumapasok pa!
6. Pagbukas ng mga bag ninyo, nag-uumapaw sa papel. May yellow paper, intermediate paper, scratch paper, at kung ano-ano pang klaseng papel. Sa mga papel na ‘yon nakasulat ang mga article na hindi pa ninyo tapos isulat, hindi ninyo tapos iedit, o tapos na ninyo isulat o iedit pero di n’yo pa ipinapasa. Kung minsan, nasulat at na-edit na pero di naman approved for publishing. Ang saklap!
7. Lumuhod at nagmakaawa kayo kay Ma’am Wena para kumanta siya ng TL Ako Sa’yo. Uwing-uwi na kayong lahat, masakit na ang tuhod niyo pero hindi kayo tumayo hangga’t di niya pinipirmahan ang inihanda ninyong kontrata. Nagdala pa kayo ng Magic Sing noong last day. Pero di pa rin siya kumanta. Hehe.
8. Nanghuhula kayo kung sino ang writers na nagsusubmit ng articles. Minsan, pati kung sino at ano ang hugot, hinuhulaan niyo rin. Nanghihingi kayo ng clues, nag-oobserve, nag-iinterview, at nagreresearch. Nakikipagtawaran at pilitan pero hindi niyo pa rin matalo si Ma’am Cathy sa hulaan. Kasi alam niya lahat ng tungkol sa life n’yo. Akala n’yo lang hindi. Pero oo. :)
9. Bumuo kayo ng literary OTPs. Sinuwerte kayong makahanap ng writers na may “literary chemistry” (Atordido, 2015). Kinilig kayo sa mga tambalang Uni Pin 0.5 x Needle Pin, Faber Castell 0.7 x Battlefield, Ms. Takes x Altostratus, at Saviour of the Broken x Pandaz dahil bagay sila sa lit, minsan pati na rin sa totoong buhay.
10. Magkukwentuhan muna kayo tungkol sa kung ano-ano, maglalaro ng CoC o NBA, kakain, mag-eedit ng thesis, tatapusin ang financial report sa PA… basta gagawa muna kayo ng ibang bagay bago kayo magtatrabaho para sa MC kaya imbis na hanggang 5pm lang, uuwi ng 6pm, at magtatrabaho pa hanggang hatinggabi.
11. Naranasan mo nang hindi matulog dahil wala ka pang approved article ni isa (dito nakasalalay ang grades mo). Naging best friend mo ang kapeng barako dahil may publishing kinabukasan at kailangan mong gumawa ng sandamamak na typogs, sasabay pa ang pag layout ng Aninag, at dadagdag pa ang Sulyap.
12. Nagka-LQ kayo ng boyfriend/girlfriend (pseudo man o totoo) mo dahil naubos na ang oras mo sa MC. Pati siya damay sa late na pag-uwi. Minsan pa, tawag na siya ng tawag sa’yo dahil wala ka nang kailangan ka niya. (Pero di siya dapat magalit kasi minsan pag focused na focused ka sa work, sinisigawan ka na ng mga kasama mo, navideohan ka na, di mo pa nahahalata. Anywaaay...) Nasaan ka? Hayun, nakaupo sa harap ng mahiwagang MC computer at nagkakandabulag sa pag-eedit ng mga class pic mula kinder hanggang hayskul. At dahil gahol ka na sa oras, ang tangi mo na lang magagawa ay magmakaawang “huwag mo na akong awayin ngayon plis… marami pa akong gagawin para sa MC.” Pero napatunayan mo rin na talagang mahal ka niya kasi hinihintay at pinapatawad ka pa rin niya. Yihee.
13. Kakaiba ang mga #MCParty niyo. May parlor games at karaoke. Meron ring guests na hindi former MC staff na inimbita ang kanilang mga sarili kaya nagpadala sila ng sampung 1.5 na drinks with matching cooler pa at nagbahagi ng maraming kwento ng kanilang kasawian.
14. Nakakapit kayo ng mahigpit at nagdadasal kayo ng taimtim kasi thirty minutes before approval of graduating students, nasa listahan pa rin kayo ng pending dahil wala pa ang draft ng printed Aninag. Nakahinga kayo ng maluwag, nag-cheer kayo nang malakas, at di maubos ang pasasalamat niyo sa lahat ng itinuturing niyong diyos at diyosa nang humahangos na dumating ang inyong Art Director para ipasa na ang kopya.
Literary (Submission): Behind the Scenes
January 2015
I know it wasn't easy for you when you failed that entrance exam. Maybe I will never hear how your heart broke as you looked for your name where it should have been in between the names of two strangers. Maybe I will never see your shaking hands as you try to smile and say it's okay. Maybe I will never cry the tears you didn't want to show me, but I will always be the one to remind you that whatever school you go to does not matter. I hope you do not let a school define who you are.
February 2015
If only you knew of all the nights I'd tuck you in after a night of coffee and requirements you could have finished last week but crammed tonight. If only you knew how hard it was for me not to interfere while you were slaving on a project you didn't want any help with. If only you knew that when you didn't sleep to finish a paper, I couldn't sleep either. If only you knew about all the nights I had wanted to to type for you just so you could catch a wink of sleep. If only you would hand me your pain so that you could finally feel the comfort I wish to give.
March 2015
I wish you knew how proud I am of you. I am not one to say what I feel, but that's fine because there are honestly no words to describe the feeling of victory in my heart whenever I see you experiencing the world. It never mattered to me that you weren't at the top of the class. It never mattered that you didn't get any awards. What's important is that I see you happy. What's important is that I know all my effort is never wasted on a child who does not strive.
April 2015
Your day has finally come, and it's time to say good bye to the school that has been your personal mix of hell and heaven for 11 years now, and yet I know that this is not the end for you. There were so many reasons to cry, to break down, to say it's over, and yes I know, sometimes you did, but you always stood back up when you fell down. It was never a matter of strength, but a matter of will. Even when life took you apart, you glued the pieces back together. You are well past the point of fragile. You are whole now.
When you finally go off to college somewhere very far from here remember where your heart lies: at home, here with me. If only you knew how hard it is to let you go, even if only for a few months. My child, it is never in a mother's heart to be apart from her children but if this is how you will chase your dreams, then I will be your dreamcatcher. When times are tough, I will remind you why you are doing what you do. Every time we say goodbye, I will never learn to watch you go, because it hurts too much, though I know I will see you again.
My love for you was never easy, my dear, but it is always worth it.
Feature: Ang Aninag Online Behind the Scenes
For years, UPIS Media Center has been publishing online entries, news, and articles on various topics. It has adapted into this modern generation when it entered the social networking realm, making the students' compositions accessible to readers worldwide. From printed newspapers to online graphics, it has evolved into a complex website known as Ang Aninag Online.It was under Media Center 1 2012 (MC12012) that a blog site was proposed as one of its projects. Soon enough, after 26 August 2011, the first ever publishing day, Ang Aninag Online has received positive feedback and interesting reviews about the online reading system. The website has grown leaps and bounds since.
But what goes on behind the links?
Every word and photo is read, sorted, edited, and approved by the UPIS Media Center Editorial Board, which consists of the writers, the editors, and the learning coordinators. These people do everything--from hunting news to encoding to promoting. They are the ones who keep alive the Media Center's heart, who keep the ink flowing from the heads of the writers to the minds of the readers.
This may seem like serious work but within the walls of the MC Headquarters, there resides memories which could not be forgotten. Each MC member could testify that not all compositions come from a sound, peaceful mind. Some literary entries resulted from disorganized thoughts, heartfelt emotions, or random, awkward moments. Even the simplest thought could be the source of light for even someone with writer’s block.
Being part of the MC staff does not start and end in one semester. Rather, it is a life-long experience. Until now, MC alumni still remember their most remarkable experiences during their term. Others still visit the UPIS building just to see the progress of the current MC or to simply say ‘hi’. They consider themselves as part of a fun and loving family, where they share a common ground with their fellow MC brothers and sisters.
MC encourages everyone, whether or not they are a staff member, to write about anything they want--love, friendship, school, heartbreak, religion, the random, even the mundane. Most published literary works are written anonymously and this stirs the curiosity of readers. Most of them wonder, even investigate, who wrote certain articles, why it was written, and, of course, to whom it is addressed. Almost always knowing the answers to these is but one of the perks of being part of MC.
It has also been an MC tradition to publish a Creative Writing project every semester. Starting from Isang Araw by MC 1 2012 to Cannot Be Reached by MC 1 2015, these stories are much-awaited literary entries divided into chapters about the life of ordinary UPIS students.
At least once a year, Ang Aninag Online also transforms into Di Ma-Aninag Online, the school paper's spoof edition which was the brainchild of MC 2013.
As a whole, the Media Center functions as a system. Without one piece, it cannot work effectively and efficiently. This work program has not only brought UPIS students from around the web and the world together, but it also nurtured bonds that could be cherished forever. Year after year, these bonds form a longer and stronger chain--one that binds the minds of readers to think, create, and share their ideas.
For the past years the Media Center has greatly served its purpose. We share this milestone with you, our dear readers. Together, let us look forward to more creative works and publishing days. On to the next one! / by Christine Bailon
Feature: The MC2013 Dictionary
Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang madalas naming i-tweet, isulat, o sabihin? Ano ang pinagmulan ng mga taglne na nasa t-shirt design namin?
Inyo nang alamin! :)
13+++ Things you should know about TRESE
Hindi namin itatanggi na kasunod ng tagumpay ng Isang Araw ng MC 1 2012, medyo napressure at nahirapan kaming mag-isip ng creative writing project para sa MC 2013.Ang pangunahing layunin ng Trese ay maipakita ang point of view (POV) ng mga babae at lalaki tungkol sa iba’t ibang karanasan nila sa high school. Kahit imbento lang ang mga kwento, nais naming maging authentic ang “boses” ng characters at mapagsulat ang lahat ng miyembro ng staff kaya pinapili namin sila ng kanilang kapares. Ang bawat pares ay bumuo ng kwento base sa month na nabunot nila. Dapat labindalawang kuwento lang ngunit dahil sila ay Batch 2013, naisipang magdagdag ng isa pang chapter. Ang resulta ay ang mga kuwentong Treseng inyong inabangan, kinainisan, at kinakiligan.
Sa totoo lang, hindi masyadong sineryoso ng MC2013 ang pag-coconceptualize ng creative writing project nilang ito. Ang una nilang plano horror, mystery, crime, suspense, thriller, comedy. Ayaw nila ng love story. Wag raw romantic. Pero… dun pa rin nauwi lahat. Hindi na rin namin alam kung bakit.
Ginawa rin nilang joke time ang pangalan ng sections ng mga characters. May Bakawan, Balete, at Bayabas para nagsisimula sa B lahat. Hindi talaga namin kinaya ang seksyong Bayabas kaya pinalitan ng Ipil-ipil.
Sa dami ng kaadikan, kaguluhan, at kalokohang suggestions mula sa staff, umabot na kami sa puntong pinagsisihan namin i-open sa kanila ang idea na ito. Hindi namin akalain na ganito kaganda ang mga kuwentong malilikha nila.
Narito ang ilang eksena na magpapatunay kung gaano kahirap at kasaya ang pagsusulat ng Trese. Bahala na kayong mag-decide kung ano ang true at kung ano ang chika! :)
WARNING: Mahabaaaaaa....
Subscribe to:
Posts (Atom)
Welcome
Welcome to Ang Aninag Online!
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.







