Showing posts with label takipsilim. Show all posts

Literary (Submission): Bawat Tulang Pang-Araw ng mga Puso





Lahat na lang ng mga manunulat
Ay may paroparo sa sikmura
Pinagpapawisan ang malamig na balat
Kinakabog ang pulso’t diwa

Wala ba nung kampante naman?
‘Yung buo ang loob?
May tiwala sa sariling kakayahan
O kaya’y ‘yung hindi nakadarama ng kaba man lamang?

Tila lahat ng manunulat ay takot magmahal.
Ang mga mambabasa nama’y nahahawa sa pangamba.
Imbis na mapatatag ang puso’t dibdib nila.
Naiipon sa loob ang emosyong tigib ng kaba.