Showing posts with label gray. Show all posts

Literary (Submission): Galugad



Literary (Submission): Simpleng Salamat




Sa mga gabi na hindi matahimik ang mga boses sa likod ng aking isipan, sa mga gabing hindi mapakali ang mga kamay kong nanginginig, sa mga gabing may mga luhang hindi magawang lisanin ang aking mga mata… sa mga gabing ito, wala akong malapitan. Walang iba kundi ang panulat kong tahimik na humihimlay sa aking lamesa, katabi ang aking mapagkakatiwalaang kuwaderno.

Ang mga gabing ito, hindi ko matatanggi, ay ang pinakamadidilim na gabi. Tila ako ay nasa kalagitnaan ng kawalan at hindi ko matiyempuhan ang mga ulap na kumukubli sa aking paningin. Tila ako’y lumulutang, nawawala, naghahanap pero hindi alam kung ano ba ang aking kailangan.

Pero nakaraos ako. Nakaraos ako, salamat sa aking panulat na ginawang sining ang mga salitang nagkabuhol-buhol sa aking utak, sa aking kuwaderno na ginawang makasaysayan ang mga hindi pinapansin, kahit ng aking sarili, na mga kaisipan.

At nakaraos ako dahil sa MC. Pinatibay niya ang aking loob noong nawalan ako ng tiwala sa sarili. Nagawa niya akong aluin sa mga gabing ako’y nangangamba. Noong nararamdaman ko ang kalumbayan na hindi ko matakas-takasan, naroon siya upang samahan ako’t ipadama na hindi naman ako nag-iisa.

Nakaraos ako dahil napadama ng MC sa akin na may halaga naman pala ang aking mga salita. May halaga ang aking mga nararamdaman. May halaga ako.

Kaya salamat, MC. Salamat talaga.

Literary: A Shooting Star




It was a lovely night of November
with a sky of the perfect hue.
We laid on evening dew together,
As we stared into the vast endlessness.

Out of nowhere, passed by a bright light
its glow ever so ethereal.
Silence fell upon us at the sight
and the moment was prolonged unexplainably.

I was not so sure if it was true,
if the light was just a speck of dust.
But the moment I glanced over at you,
your eyes immediately revealed the answer.

They shut tight and I watched in awe
as your lips, in a smile, created a song.
A wish kept closely, its ends I saw
which you neatly tied in a ribbon.

I was then greeted by the brightest stars,
Two of which shone even more than the moon.
An eternity must have passed, perhaps a few hours,
I was serenaded by the silence.

And maybe I shouldn't have blinked then
because I sighed once in content
and all at once, all of a sudden,
you were gone, just like the star.