Showing posts with label MC12012. Show all posts

Literary (Submission): Pag-uwi



Ganiyan kasi tayo - kung kailan mawawala o kung kailan wala na, tsaka lang natin maaappreciate ang mga bagay. Kung kailan wala nang magagawa, tsaka tayo sisigaw ng "Teka lang, kailangan ko siya." Kung kailan huli na ang lahat...

Nakita ko siya - masayang naglalakad at may kasama ng iba. Kung paano niyang tignan sa mga mata iyong kasama niya, sa ganoong paraan din niya ako tinitignan sa tuwing magkasama kami noon. Kitang-kita mo kung gaano kapuro at katotoo ang nararamdaman niya. Pagmamahal. Iyon 'yung tipo na mararamdam mo na ikaw lang at gagawin niya ang lahat para sa iyo. Iyon 'yung pati mata niya, ngumingiti... Kaso ngayon, hindi na ako iyong dahilan ng tingin niyang iyon... Iba na.

Sa kung anong hindi ko mawaring dahilan, sinundan ko sila. Pumasok sila sa isang kainan... sa paborito kong kainan. Sumunod ako at umupo sa medyo may kalayuan. Sinabayan ko ang pagkain nila ng paminsang-minsang pagsulyap. Nakita ko kung gaano niya kagiliw na pinapakain ang kasama - sabay punas pa sa pisngi nito. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan.

Sa mga oras na iyon, iniisip ko na sana ako pa rin ang kasama niya.

Sana ako pa rin ang rin ang iniintindi niya.

Sana bumalik na siya... Sana umuwi na ulit siya sa amin.

Sana bumalik na ulit ang nanay ko sa amin.

Last Say

by Ma'am Cathy & Ma'am Roweng :)

Mahirap. Matrabaho. Nakakastress. Nakakapagod.

'Yan siguro ang unang mga salitang papasok sa isip ng karamihan kapag mababanggit ang work program na Media Center. Hindi naman namin idedeny. Mapapatotohanan 'yan ng kahit sinong estudyanteng naging bahagi ng MC.

Ikaw ba naman ang mapiga ang utak kaiisip ng pwedeng isulat, mapagod kahahanap ng balita, magpapirma ng mga permit, mag-interview, magtawag, mag-picture, mag-layout, at magpaalala paulit-ulit na magsubmit na ng pending articles. Mahirap. Mahirap talaga.

Dalawang taon pa lamang kaming learning coordinators ng MC pero masasabi naming isa ito sa mga pinaka-challenging na subjects na aming naituro.

PERO... dahil sa pagka-haggard ng trabaho, ang mga staff na nahahawakan namin ang nagiging pinaka-bonded at pinakamasaya... :)

Kagaya ng MC1 2012.

Parang kailan lang nang pasulatin namin sila for diagnostics. 17 batang parang ayaw pang magsimulang magtrabaho. Parang napilitan lang pumasok. Hehe. Yung totoo? Akala namin puro pagsasaya lang ang gagawin nila.

Makukulit sila. Para kaming sirang plaka. Paulit-ulit sa pagpapaliwanag ng gagawin.

Mabagal rin sila kumilos minsan.

PERO...

Mahusay. Talagang mahusay ang diskarte at output nila. Kasi naman...

Creative. Tunay silang malikhain. Kitang-kita sa mga nai-publish na.

KAYA PARA SA AMIN...

1!

UNO SILA. Dahil talaga namang di matatawaran ang commitment nila sa trabaho. Isang bagay na dapat matutuhan ng mga susunod sa kanilang MC pipol.

Bukas, may bago nang MC staff. May bagong learning coordinators. May bagong mga balita, kwento, at tulang aabangan.

Ngunit, ang mga experiences namin ngayong sem--trabaho man o tawanan, brainstorming man o kulitan--hinding-hindi namin malilimutan.

Sa ngalan ng MC1 2012, nais naming magpasalamat sa inyong suporta sa "maiden voyage" ng MC blogsite. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ito magiging successful. Sana patuloy kayong maging bahagi ng balitaan at kwentuhan.

And so... dizizit! :)

Hanggang sa muli, guys!

Ansabe?

#6: Ano ang natutunan mo sa MC1?


"Natutunan kong maganda si Mark tuwing may bulaklak."
- Angelo Fetalvero, Associate Editor/Layout Artist/Always Late


"Natutunan kong makipag-usap sa telepono. XD"
- Anna Angala, Managing Editor/Telephone Operator/Article Counter


"Natutunan kong mag-enjoy habang nagtatrabaho ng 24/7."
- Cara Bilangel, Writer (for Ria in Isang Araw)/Photographer/Asst. to Make-up Artists


"Natutunan kong kumain ng pizza sa loob ng 5 minutes."
- Joakim Cadapan, Literary Writer/Siomai Queen/Princess of Absences


"Natutunan kong maging lalaki."
- Jomil Gutierrez, Writer (for Andrew in Isang Araw)/Typographer/Promoter sa Twitter

"Natutunan kong gumamit ng Microsoft Publisher."
- Juana Angeles, Layout Artist/Computer Specialist


"Natutunan kong gumawa ng tula habang tumatawa ng malakas at tumakbo."
- Justin Dungo, Runner :)

"Natutunan kong magpapirma ng mga quotation at sulat."
- Kaye Banaag, Editor in Chief/Master Typographer and Teaser-maker


"Natutunan kong mag-ahit ng bigote."
- Mark Otiong, Model sa Cover


"Natutunan kong gumawa ng sampung literary article sa isang quarter."
- Michell Molinyawe, Literary Writer/Ansabe Queen 1


"Natutunan kong masarap ang burong orange."
- Ysmael Mendoza, Associate Editor/Tsunami Walker/Fun Fox


"Natutunan kong magpunta sa bahay ni Ma'am Resuma."
- Sarah Romero, Writer/Typographer/Ansabe Queen 2


"Natutunan kong magbantay ng gamit sa package counter."
- Tristine Badong, Writer/Model/Ansabe Queen 3/Bagger

"Ansabe ko sa MC? Hindi man ako madalas magpasa ng article, hindi man ako madalas pumasok, mahal ko pa din ang MC. The best work program ng UPIS!"
- Nadine Maximo, Writer/Umalis agad nung interview tungkol dito kaya iba ang sagot :)