filipino,
Ganiyan kasi tayo - kung kailan mawawala o kung kailan wala na, tsaka lang natin maaappreciate ang mga bagay. Kung kailan wala nang magagawa, tsaka tayo sisigaw ng "Teka lang, kailangan ko siya." Kung kailan huli na ang lahat...
Nakita ko siya - masayang naglalakad at may kasama ng iba. Kung paano niyang tignan sa mga mata iyong kasama niya, sa ganoong paraan din niya ako tinitignan sa tuwing magkasama kami noon. Kitang-kita mo kung gaano kapuro at katotoo ang nararamdaman niya. Pagmamahal. Iyon 'yung tipo na mararamdam mo na ikaw lang at gagawin niya ang lahat para sa iyo. Iyon 'yung pati mata niya, ngumingiti... Kaso ngayon, hindi na ako iyong dahilan ng tingin niyang iyon... Iba na.
Sa kung anong hindi ko mawaring dahilan, sinundan ko sila. Pumasok sila sa isang kainan... sa paborito kong kainan. Sumunod ako at umupo sa medyo may kalayuan. Sinabayan ko ang pagkain nila ng paminsang-minsang pagsulyap. Nakita ko kung gaano niya kagiliw na pinapakain ang kasama - sabay punas pa sa pisngi nito. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
Sa mga oras na iyon, iniisip ko na sana ako pa rin ang kasama niya.
Sana ako pa rin ang rin ang iniintindi niya.
Sana bumalik na siya... Sana umuwi na ulit siya sa amin.
Sana bumalik na ulit ang nanay ko sa amin.
Literary (Submission): Pag-uwi

0 comments: