filipino,
Literary (Submission): Manhid sa Pag-ibig
Bingi ka
Dahil hindi mo man lang ako naririnig
Maging ang tibok ng aking puso para sa’yo
Hindi mo man lang narinig ang nararamdaman ko
Na ang tanging isinisigaw ay ikaw.
Bulag ka
Dahil hindi mo man lamang makita ang aking mga mata
Maging ang aking pagluha
Hindi mo rin nakita ang kalungkutan sa aking mukha
Maging ang aking pananamblay dahil sa sakit nararamdaman
Pilay ka
Dahil sa tagal ng panahong hinahabol kita
Hanggang sa ako’y panghinaan na
Hindi mo man lang ako sinundan
Inalalayan o kahit tanungin at kumustahin man lang
Pipe ka
Dahil hindi mo kayang sabihin
Ang tunay mong nararamdaman para sa akin
Kung di mo ko mahal kaya ko naman
Sabihin mo lamang ang dahilan
Pero aaminin ko
Hindi lang ikaw ang may ganyang kalagayan
Dahil iyan din naman ay akin ding pinagdadaanan.
Oo, bingi ako
Dahil hindi ko narinig ang sinabi mo
Na hindi mo naman talaga ako gusto
Oo, bulag ako
Nabulag ako sa pag-ibig ko sa’yo
Kaya hindi ko nakitang nahihirapan ka rin pala
Oo, pilay ako
Sa tagal kong humabol sa’yo
Walang pahinga’tn nagpatuloy ako sa pagtakbo
Oo, pipe ako
Dahil hindi ko kayang sabihin sa’yo
Na pagod na ako’t hindi ko na yata kakayanin ito
Parehas tayong manhid
Pero higit ka kaysa sa akin
Dahil kahit papaano,
Alam ko na mahal kita.
Alam ko ring hindi totoo ang iyong nadama.
0 comments: