buwan ng wika,

Buwan ng Wika at Kasaysayan, sinimulan na

8/21/2015 08:07:00 PM Media Center 0 Comments

Ginanap nong ika-18 ng Agosto, 2015 ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa UPIS na may temang Wikang Filipino: Danas at Paglikha sa Diwa ng Bansa.

Sa pambungad na pananalita ni Dr. Ronaldo M. San Jose muli niyang pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang pambansang wika.

Bilang bahagi rin ng pambungad na programa, inilahad ng mga tagapayo ng Sangguniang Pangwika (Sanggu) at Kilusang Araling Pangwika (KAP) ang mga patimpalak at gawain na taunang inaabangan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga patimpalak ay ang Rampa, Tagis Talino, Interpretatibong Sayaw, at Sayawit.

Natapos ang programa sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa tatlong haligi ng wikang Filipino na sina Manuel L. Quezon, Francisco Balagtas, at Dr. Jose P. Rizal.

Ang selebrasyong ito ay pinangungunahan ng Sannggu, KAP, at ng Future Homemakers Club (FHC) sa ilalim ng pamamatnubay ng Depto. ng Filipino, Araling Panlipunan, at Sining Praktika. Ito na ang ikaapat na taon ng pagsasama-sama ng tatlong departamento para sa taunang programang ito. / Hillary Fajutagana, Carlos Laderas

You Might Also Like

0 comments: