altostratus,
"Anak, libre lang mangarap. Sulit-sulitin mo na. Bibihira na lang ang libre ngayon."
'Yan ang sabi sa akin ng aking ama noong bata pa ako. At siyempre, dahil isa akong masunuring anak, sinunod ko ang kaniyang payo.
Nangarap ako, at alam mo ba kung sino ang nilalaman ng pangarap ko? Simple lang.
Ikaw.
Una kitang nakita sa ilalim ng puno ng Acacia. Nakaupo, at masayang humuhuni sa tono ng "Forevermore" ng Side A na para bang walang pinoproblema sa mundo. Bahagyang inililipad ng hanging banayad mula sa silangan ang iyong itim na itim buhok. At perpektong perpekto ang tama ng sinag ng araw sa iyong mala-diyosang mukha.
Agad akong nabighani.
Hindi ko namalayang mga sampung minuto na pala akong nakatitig lang sa’yong direksyon. Tatlong jeep na rin ang dumating, naghintay, at umalis bago ako bumalik sa aking ulirat.
"Ang ganda talaga, walanghiya. Out of this world!" sabi ko sa aking sarili sabay sakay sa kasunod na jeep.
Mula noon, araw-araw na akong bumabalik sa lokasyong iyon. Umaasa akong sana kahit isang beses ay muli mong maisipang tumambay roon. Umaasa ako na sana, sa aking muling pagsilip sa lugar na kinalalagyan mo noon ay muli kong makikita ang iyong mga mala-anghel na mukha. At nang muli akong mabighani.
At maging sa aking pag-uwi, ikaw pa rin ang tumatakbo sa aking isipan. Matutulog na lang ako, aabutin pa ako ng halos isang oras sa kaiisip kung kelan kaya kita muling makikita. Nakaupo, masaya, na para bang walang dinaramdam doon sa parehong upuan kung saan una kitang nasilayan.
Pero lumipas ang mga araw. Isa, dalawa, tatlong araw akong paulit ulit na bumalik doon. At wala ka. Wala ni isang palatandaan kahit man lang ng anino mo na naparoon ka sa lugar na iyon.
"Siguro nga 'di ka na babalik," sabi ko na lang sa sarili ko, sabay naglakad palayo.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, kung kailan isinuko ko na ang lahat ng pag-asa kong muli kang makita sa eksaktong lugar na iyon, kung kailan handa na akong bumalik sa normal na daloy ng aking buhay, bigla kang lumitaw. Naroon ka, pareho ang suot mo sa noong una kitang makita, isang bestidang kulay puti na hanggang tuhod ang haba. At tulad ng una kitang nakita, hinahangin pa rin ang iyong buhok.
Pero may malaking ipinagbago. Hindi tulad dati, nawalan ng kislap ang iyong dating makikinang na mga mata. Mas madalas ka nang nakayuko, hindi tulad nung una kitang makita na halos sa kabuuang oras na minamasdan kita ay nakatingala ka sa langit. Humuhuni ka pa rin, pero ngayon, sa saliw na ng kantang "Fix You" ng Coldplay. Bakas na bakas ang lungkot sa iyong mukha, na para bang may pinapasan kang napakalaking problema.
Sa mga pagkakataong iyon, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba akong muli kitang nakita? O malulungkot dahil nakikita kong nalulungkot ka?
Lalapitan ba kita? Ayaw na ayaw ko kasing nakakakita ng mga babaeng malungkot. Pero nagdadalawang isip ako. Kasi baka hindi mo lang din ako pansinin lalo pa't hindi mo naman ako kilala. Baka i-report mo pa ako sa pulis. At isa pa, parating na rin yung jeep na kanina ko pa hinihintay.
Nag-isip ako, at nag-isip, at nag isip.
At nakarating ako sa isang desisyon. Lalapitan kita. At kakausapin.
At susubukan kong pawiin kahit papaano ang bakas ng kalungkutan na aking nakikita sa iyong pagmumukha.
Naglakad ako, ngunit parang sa bawat hakbang na aking ginagawa ay bumibigat ang aking mga paa. Lumalakas ang tibok ng aking puso habang umiikli ang distansiya natin sa isa't isa. Damang-dama ko ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa aking mukha.
Natigilan ako pagkatapos ng ilang hakbang. Isang lalaking hindi ko kilala ang bigla na lamang sumulpot mula sa kawalan. Tinitigan mo siya. Niyakap ka niya, hinagkan.
At bigla kayong tumayo at umalis. Patungo sa isang lugar. Sa isang lugar na hindi ko alam.
Sa isang lugar na alam kong hindi na kita muling masisilayan.
Nanlamig ako. Wala akong magawa. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita kong tinatangay ka niya patungo sa isang lugar na malamang ay kayong dalawa lang ang nakakaalam.
Kung sabagay, wala rin naman talaga akong magagawa. Ni hindi mo nga ako kilala. Ni hindi mo nga alam na nag-eexist ako. Ni hindi mo nga alam na halos araw-araw akong dumadaan doon simula ng makita kita kahit hindi naman talaga iyon ang daan ko pauwi.
At dahil hindi ako naglakas-loob na kausapin ka, wala akong karapatang magdamdam.
Siguro nga hanggang pangarap lang talaga kita.
At tulad ng sabi nila, hindi lahat ng pangarap, natutupad.
Literary (Submission): Pangarap

0 comments: